Unknown 4
Mabilis na dumaan ang mga araw..Na finalize na yung mga line up ng mga kasali sa survival show.. Team of four ang kaylangan.. Dahil na rin sa indemand daw ako ngayon di na sila hahanap ng isa pag team mate nila.. Ako nalang daw. Masayang masaya yung tatlo.. Panigurado kasi may mang i spoiled sa kanila... Ok na rin yun.. Kaysa naman nandoon nga ako wala naman akong magawa para sa kanila.. Maaawa lang ako sa kanila... Four teams ang na buo nila. Ang hirap din daw kasing makipag dialogo sa mga malalaking company.. Sabagay seven days din yun.. Kami lang naman kasi ang carefree na umoo agad.. Si Celes talaga ang happy go lucky na oo lang ng oo.. Basta daw di masasaktan ng grabe ang talents nya...
Free ang mga talent ito sa Aria Ent.. Di naman sa pwede silang mag slack. Pwede silang gumawa ng sarili nilang kanta at isama sa release ng album nila.. Kahit yung mga foreign artist ay maganda ang trato. Sabagay. Foreigner din naman kasi yung may ari. Kaya nga ang bilis ng pag angat ng company.. Kasi walang masabing masama ang lahat ng artist sa owner.. Pero syempre kung may contract ka. Kaylangan mong tapusin yun kundi legal matter ang punta.. Seven years palang ang company na ito at sa seven years ni isa wala pang nag de demand na mawala ang contract nila dito.. About dating.. Pwede naman kayalang kung kaylangang itago. Itago mo. Para na rin sa safety ng partner mo at ng binubuo mong career. Lalo na pag nasa group kayo.. Medyo passionate kasi ang fans.. Sumosobra nga lang minsan...
Dahil sa biglang sikat ng tatlo. Nag dagdag pa sila ng isa pang manager... Di naman sya full time.. Pag lang wala ako sa tabi ng tatlo o nakahiwalay ng project yung isa.. Komporme sa bigat ng project isa sa amin ang pupunta at isa naman ang mag mamanage ng lakad ng dalawa.. Ngayon nga ay day off ko.. At last nagkaroon din ng free time. Mabuburyo lang ako sa bahay kaya naman namili nalang ako ng mga kaylangan sa pupuntahan namin.. Mga gamit ko. Mga sigurado akong makakalimutan ng tatlo. Gamot, tools at mga panligo, insect repellant lotion. Madami para sa tatlong at sa iba na ring grupo.. Si Felix lang naman ang paniguradong maayos ang gamit sa tatlong yun.. Si Serafin.. Happy go lucky. Kung ano lang ang madala nun ayun na yun. At si Kyle maayos naman ang sa kanya kayalang may maiiwan at maiiwan sya. Kaya naman pati underwear na kaylangan nila bumili na rin ako ng tig tatlo..
Masaya naman ako sa ginagawa ko. Para akong may anak...
"Ikaw po yung manager ng No Name diba?" Kinikilig na sabi ng sales lady ng magbayad na ako sa counter.
"Kamuka ko ba?" Tanong ko.. Naka face mask kasi ako.
"Opo sir. Saka po trending na ibang manager ang kasama ng No Name ngayon.." Sabi nya. Natawa nalang ako..
"Off ko ngayon. Wag kang maingay hah.." Sabi ko tango naman sya ng tango.. Inayos na nya ang pinamili ko. Nagpasalamat nalang ako at umalis na...
Lahat ng napupuntahan ko ay nakikilala ako.. Hay, Kakain nalang muna siguro ako saka uuwi na.. Lakad ako ng lakad ng may makasalubong ako.. Si mama at Almira.. Pinilit kong umiwas pero...
"Kuya!! Kuya Allen!" Sigaw ni Almira na kinatigil ko. Napatingin naman ako sa kanila.. Agad na lumapit si Almira at niyakap ako. Malaki na ang tyan nya. Sabagay di ko rin naman alam kung ilang buwan yng baby noon.. Di ako gumalaw. Lumayo na rin naman sya..
"Bat di ka nagpapakita kuya? Sikat na sikat ka sa tv.." Sabi nito. Di ko alam ang sasabihin ko. Lalo na ng lumapit si mama.. "Nagugutom ako kuya.. Libre mo kami" sabi nya saki hinila na ako sa isang restaurant..
Awkward ang lahat ng maka upo kami. Di nagsasalita si mama.. Ni ako, di ko alam ang sasabihin ko. Lumapit agad yung waiter umorder nalang agad kami. Pag alis nila ay awkward ulit..
"Saan ka pupunta? Ang dami mong pinamili.." Tinignan nya yung mga laman.. Kagaya ng dati nyang ginagawa.. "Mag a out of town kayo?" Tanong nya.. Huminga nalang ng malalim..
"Yeah, sa susunod na araw. Work related.."
"Ok. Ilang araw kayo doon?" Tanong pa nya..
"Week or so. Di ko alam.. Nasa Outcome ng show and schedule namin.." Sagot ko.. Gusto ko ng umalis..
"What? But that's my wedding." Sabi nya na kinabuntong hininga ko..
"I already told kuya Allan that I cannot go. Sorry about that," Makiramdam ka naman..
"Can you come. Please kuya.. I know may kasalanan ako. Kami sayo but please I want my family complete in that day."
"I don't know... I'm also part of the show so I really can't"
"Kahit sandali lang naman kuya. Please...."
"Almira. Wag mo ng pilitin kuya mo.. He don't want then he don't. We can fix the line up. And sa church gaganapin ang kasal mo." Wow pag gay di pwede sa simbahan? Ano yun may flame thrower ba sa pinto ng church at susunugin nalang kami pag na detect na di kami straight?
When they found out that I'm gay. Mas nagalit pa sya kaysa kay papa. Naintindihan ako ni papa. But iba ang kay mom.. Maybe because she's so religious that's why she really hates my gender preference and she started to see me as a sinner..
Huminga nalang ako ng malalim at hinayaan ko nalang.. Maya maya pa ay may tumawag sakin. Si Kyle sinagot ko naman agad..
"Why?"
"Manager kasama namin si Mr. Aria.. Pinatawagan ka ------
"Lil'bro.. Day off mo pala bat di ko alam.."
"You gave me this day. Stupid Celes.." Sabi ko na kinatawa nya..
"It's because you look like will collapse anytime. What are you doing now?"
"I don't have time to chat.. I'm with my mom and sister.."
"Really. Ok see you later.."
"Ok later.." Sabi ko nalang at binaba na ang call..
"Sino yun kuya?" Tanong nya na kinikilig pa daw..
"It's Celes. My boss. Nangangamusta lang." Sabi ko..
"Yung matangkad na foreign? Nililligawan ka ba nun? Daba ang mamahal ng nireregalo sayo nun?" Tanong nya napatingin naman sakin si mama..
"Pati ba naman boss mo, Allen.. Bakit ka ba naging ganyan? Mahiya ka naman. Baka mamaya pati mga minamanage mo. Mabalitaan namin-----"
"Ma di porket ganito ako wala na akong konsensya o bastos na ako na mang momolestiya ng kunsino sino. I'm gay mom, not a pervert or a molester."
"Mom tigil na please.. Napag usapan na natin to diba?"
"Di pa ba kaimoralan yun? Katawan na meron ka pinagnanasaan mo.. Di ka nalang humanap ng babaeng gugustuhin mo.. Mawawala pa yan. Sumama ka sakin mag ch----"
"Mom please... Di to sakit. Yes mom immoral na kung immoral sa paningin mo but at least I didn't betray anyone. I never cheat. I never become a traitor and I never allow anyone to be hurt just because I played them. Mom ano ba mas immoral tignan? Yung taong nagmahal lang o yung mga taong manloloko o yung mga taong itinago ang pangloloko ng manlolokong yun? " Tanong ko. Napatitig sya sakin.. Galit na galit.. Tumayo ako.. Di ko na kaya..
"Nagsisisi ako na inampon kita.." Rinig kong sabi nya..
"Mom." Natigilan ako.
"Wala kang utang na loob. Napaka makasarili mo.. Di mo nalang inisip yung mga taong nag provide sayo hanggang sa makarating ka sa kinalalagyan mo ngayon.. Mas mabuti nga sigurong di ka nalang magpakita.." Sabi nito. Napaluha nalang ako.
"Don't worry. Di na ako lalapit sa inyo. Sorry kung makikita nyo ako paminsan minsan sa tv but I promise na di nyo na ako makikita physically. Thank you for everything." Sabi ko nalang at kinuha na ang lahat ng gamit ko saka umalis na. Ohh God. Bakit ba ganito....
------------