Unknown 6

7 1 1
                                    


Unknown 6

Aries

"Ran, Randell sandali nga lang! Napapagod na ako! Bakit ba kaylangan nating magmadaling bumaba?" Tanong ko kay Randell na pinapauna kami sa pag takbo na para bang may susunod samin at dapat nyang pigilan yun.

"Uulan na kasi. Bilis.." Sigaw nito at tinap pa ang balikat namin. Di naman nya kami tinulak pero pinabibilisan talaga nya. Nagtataka at naguguluhan na talaga ako sa taong to.. Parehas sila ng myembro ng No Name.. Tumigil ako at hinarap sya.. Muntik na akong bumagsak ng mabundol nya ako pero nasalo naman nya ako agad.. Napaka lakas ng instinct nya.. Alam nya kung uulan. Alam nya kung mainit.. Kaya nga nung sinabi nya na delikado ang lugar na to naniwala agad ako..

"Ano ba Ries!? Bilisan mo! Tumakbo ka na o gusto mong buhatin pa kita!" Sabi nya na para bang nagmamadali..

"Ano ba kasi tinatakbuhan mo!? Alam kong hindi ulan yan." Sabi ko na kinatingin nya sakin.. Maya maya pa ay lumakas na ang ulan..

"Shit.. Ayan na umulan na.."

"Tumakbo nalang tayo Aries.. Basang basa na tayo.." Sabi ni Mac pero may gusto akong malaman...

"No.. Randell."

"Isa lang, Aries. Makinig ka naman sakin ngayon lang.. Kaylangan na na-----

"AWWWWOOOOOO" Natigilan si Randell at parang mas naging grim ang mukha nya na para bang sobra nang lungkot at takot. Bakit kaya? Parang nag aalangan din sya kung babalik ba sya o hindi... Marami pang naiwan sa loob.. Gusto ba nyang balikan ang mga nasa loob? Kaibigan nya ang isa sa No Name siguradong nag aalala sya para sa taong yun...

"Bakit may wolf dito??" Tanong ni Mac...

"Run now!!!!" Sigaw nito.

"Pero.. Randell." So Gavin.. Tinignan nya kami.

"You need to be safe. So go. Now." Pero di ako gumalaw.. May naririnig akong mga yabag.. Naramdaman ko nalang na pumailanlang ako sa ere. Binuhat na pala ako ni Randell at mabilis na tumakbo...

"Bilisan nyo..." Sigaw pa nito.

"Ibaba mo ako. Kaya kong tumakbo.." Sigaw ko pero hindi nya ako piakinggan at tumakbo lang ng tumakbo.. Lumakas ng lumakas ang mga yabag na naririig ko hanggang sa may makita ako.. Mga hayop, medyo may kalakihan ang mga ito at kulay pula ang mga mata.. Ano yun??

"Ran may nakasunod!" Sabi ko. Sa kanya. Palapit yun ng palapit samin hanggang sa naramdaman ko nalang naibinato nya ako kung saan..

"Ano nangyari!? Nasan si Ran?" Sigaw ni Gavin na Mukhang itinulak din nito..

"Nasa labas na tayo diba?? Nasan si Ran?" Si Mac na takot na takot..Napaka aliwalas dito. Ni hindi manlang umuulan di katulad sa loob.. Napatingin kami doon.. Bakit sorang dilim doon??

"Nasa loob pa si Ran.." Si Gavin.. Nag pa panic na ito pero hindi kami maka galaw. Gusto naming bumalik pero ayaw gumalaw ng katawan ko dahil sa takot..

"Bakit kayo nasa labas?" Tanong ng mga lalaki na lumapit samin.. Mga staff yun ng show.. May mga dala silang tools.."Bakit basang basa kayo?? May nangyari ba a loob.." Sabi nito na para bang naintindihan na, na may maling nangyayari.. Hindi pwedeng maiwan si Randell doon. Saka yung iba.. Alam kong may nagyari na sa kanilang masama..

"Tumawag agad kayo ng rescue team. Yung iba.. Yung iba nasa panganib. Si Randell." Nagpa panic kong sabi.. Ano ang gagawin ko? Tama.. tama...Tumakbo ako papasok sa gubat pero may nabundol ako.. Napatingin ako sa matangkad na yun. Si Randell. Bumagsak sya sakin...

"Bobo ka ba? Bat babalik ka?" Sabi nito..

"Bakit ka kasi nagpaiwan!" Galit kong sabi saka hinawakan sya sa likod para alalayan. Basang basa kami pero bakit.. Napatingin ako sa kamay ko.. Kulay pula.. Dugo...

"Oh god!. Medic! Medic!!!" Sigaw ko. Naalarma silang lahat lalo na ng bumagsak na sakin ng tuluyan si Randell.. Diyos ko. Dahil sa bigat at tangkad nya ay napaupo nalang din ako sa damuhan.

"Randell! Ohh gosh!"

"Ran, Hang in there.. Ohh Don't you die on us." Umiiyak na sabi ng dalawa. Natawa naman ag loko lokong to..

"Relax.. It's nothing.." Sabi nya.... Anong nothing.. Napaka daming dugo.

"Tarantado!! Anong nothing--- Ran.. Ran!!!" He loss his consciousness..

"Fck Ran don't die on us!!"

-----------

Allan

"Let's call on the bride and groom." Sabi ng emcee. Nasa reception na kami at katatapos lang ng kasal ng kapatid ko at nung lalaking yun.. Di ko magawang ngumiti.. Bwisit na bwisit ako ayun ang totoo..

"Allan.. Yung mukha mo.." Si mama na sobra ang ngiti. Napabuntong hininga nalang ako.. I hate that man.. Sinisira nya ang pamilya namin. Dahil sa kanya wala si Allen ngayon. I love him as my younger brother... Kahit na wala kaming blood ties. He is still my brother. I love him kahit na ano pa sya. Si mama lang naman ag di makatanggap sa gender reference ni Allen. Kahit si papa tanggap ito. Kung saan nga naman kasi masaya ang anak nya. Bad trip na badtrip ako habang tinitignan ang dalawang yun at ang magulang namin ng mag vibrate ang phone ko. Agad kong tinignan yun.. Si Terry kaibigan ni Allen. Bakit kaya? Tumayo nalang ako at lumabas ng hall at sinagot yun..

"Hello Terry bakit?" Iyak nya ang una kong narinig.. Bakit??

"Wala na ba talaga kayong paki alam kay Allen. Wala na ba talagang halaga sa inyo ang kaibigan ko?" Tanong nya na iyak ng iyak.. Bakit? Ano nangyari?

"Wait. wait ano nangyari kay Allen?" Sabi ko. Kabang kaba ako na di ko malaman.. Ano nangyayari? Iyak lang sya ng iyak kinakabahan na ako.

"Pag may nangyari sa kaibigan ko wala akong ibang sisisihin kundi kayo.. Kayo lang---

"Sorry about Terry's behaviour. Nag aalala lang sya kay Allen.. It's all over the news. May nangyari sa set nila. I can't tell you further details. Papunta kami sa company nila Allen para makipag coordinate sa lagay nila. Just think of him. Even a little." Sabi nya at namatay na ang tawag.. Agad kong hinanap ang news tungkol sa kanila..

"Survival Show massacre.." Wala sa loob kong sabi.. Binasa ko ang buong article. Walo ang patay na halos di na makilala dahil sa nangyari sa katawan nila. Anim ang naka ligtas at Tatlo ang sugatan kabilang ang isa sa grupo na Upgrade, Isa sa No Name at isang di pa nakikilalang lalaki. Nawawala ang tatlo pang myembro ng team No name. Dalawang myembro nito at ang manager nito na si Allen. Wala pa silang balita sa nangyari sa tatlo pero malaki ang posibilidad na wala narin ang mga ito.

Oh God. Shit.. Shit..

Napahawak ako sa pader. Diyos ko. Ang kapatid ko..

"Allen.."

"Allan. Allan! Ano nangyayari? Bakit?" Tanong ni Lisa na agad akong niyakap.

"Si Allen."

"Kalma lang. Bakit ba? Ano nangyari kay Allen?" Tanong nya. Pilit kong inayos ang sarili ko. Di ko alam kung pano ko to sasabihin kay papa..

"He was, Oh god. Di ko alam.. Kaylangan kong pumunta ngayon sa company na pinag ta trabahuhan ni Allen. Wag na wag mong pababalitaan sila papa ng kahit ano. Please." Sabi ko at inayos ang sarili. Kaylangan kong malaman kung ano ang nangyayari.. Bakit ganun ang nangyari..

"Ano ba kasi yun? Pano ko magagawa sinasabi mo kung di ko alam kung bakit ka nagkakaganyan." Sabi nya. Niyakap ko nalang sya..

"Kasama sa massacre si Allen. Nawawala pa sya sa ngayon pero pwedeng patay na rin sya. Ayun ang sabi sa balita... Kaylangan kong pumunta muna doon. Lisa. Ikaw na muna bahala dito.." Sabi ko.

"Allan." Ayun nalang ang nasabi nya at napaluha na.. Agad kong pinunasan ang luha nya.

"Please, Lisa. Please.."

"Ok, ok.. Gagawin ko.. Pero Allan.. Kaya mo ba talagang mag isa?" Sabi nya.. Ngumiti nalang ako kahit na hindi ko kaya..

"I'll be fine.. Don't worry." Ayun nalang ang sinabi ko saka hinalikan sya. Matapos nun ay umalis na ako...

--------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INTO UNKNOWN WORLD (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon