Unknown 2
"What happen?" Si Allan na kadarating lang. Napatingin ako sa kanya. Kasama nya si Lisa at pareho silang naka maayos na damit.. Siguradong may date ang mga ito."She had bleeding." Sabi ko na kina confuse nya at napatingin saming dalawa ni Seth.. Kilala nya si Seth na kasintahan ko.
"What do you mean?"
"Why not ask the father?" Sabi ko. Agad naman naintindihan ni Allan ang ibig kong sabihin at galit na galit na sinugod si Seth. Di ko sila pinigilan.. Si Lisa lang ang umaawat kay kuya. Bakit ko sila aawatin. Hindi lumalaban si Seth. At malalakas ang suntok na binibigay ni kuya sa lalaking yun. So bakit ko sya pipigilan?? Maya maya pa ay maging ang mga nurse ay umawat na rin.. Napaupo nalang si Allan sa tabi ko at niyakap ako..
"It's ok Allen. It's ok.." Sabi nya sabay inakbayan ako at niyakap ng mahigpit. Di ko na napigilan ang mga luha ko at napaiyak nalang ako ng sobra. Sobra na wala na akong paki alam kung ano o sino pa ng nakapaligid sakin. Basta nilabas ko lang lahat ng sama ng loob ko.
Iyak lang ako ng iyak ng dumating sila mama at papa.. Adoptive parents ko actually nakuha lang nila ako sa tapat ng bahay nila noong 4 na taong gulang ako. May nag iwan sa akin doon. Allan didn't let me go so they adopted me.. I don't know my life before that happen. It's annoying that I cant even remember my life before. Parang sinasabi na rin nila na wala talaga akong pinagmulan.. Hahaha
"Seth what happen?" Tanong ni mama kay Seth.. Kilala nila si Seth. Pinakilala ko na sya sa kanila bilang partner ko.
"We still don't know. Tita di parin lumalabas yung doktor" Sagot nito. Halatang close na sila. Wait. Pano yun? Isang beses ko lang dinala si Seth sa bahay.. Don't tell me.. Wow.. Alam nila. Hahaha. So ako lang pala yung mukhang tanga na walang alam..
"Ano ba nangyari? Bakit nagkaganito si Almira?" Tanong pa nito sa amin na kinatingin ko sa kanilang dalawa.. Di makatingin sakin si papa si mama naman ay halatang si Almira lang ang iniisip.. Ni hindi nga nya naisip na alam kong kasama sya sa pang loloko sakin.
"Alam nyo ma? pa?" Di ko napigilang sabi.. Sobrang sama ng loob ko.. "Matagal nyo na rin pala akong niloloko.."
"Allen. Anak." Si papa..
"Bakit ma? Pa? Ang sakit sakit.. Alam nyo na palang pinagmumukha nila akong tanga dumamay pa kayo!"
"Allen. Nito nalang namin nalaman.. Wala nalang kaming magawa dahil buntis si Almira." Si papa.
"Ma alam mo. Siguradong sinaabi sayo ni Almira.." Si Allan.
"Oo alam ko matagal na. Pero ano magagawa ko.. Mahal ng anak ko si Seth at ano bang mangyayari sa relasyon na kapwa lalaki. Kasalanan lang sa Diyos ginagawa nyong imoralidad.." Natingin ako kay mama. Lahat kami..
"Ma naririnig mo ba sinasabi mo?" Si Allan na nagpipigil ng galit at pagkadismaya sa narinig kay mama.
"Masaya si Almira. Intidinhin nyo nalang sila. Allen. Kapatid mo si Almira.. Ibigay mo na ito sa kanya.."
"Ma, niloko ako ng anak mo. Kinunsinti nyo katrayduran at pangloloko sakin ng anak nyo.. Sobrang saya ba? Habang pinanunuod nyo ko na nasasaktan at nagmumukhang tanga? Yung bakla nyong ampon na sinasakta-----"
Naramdam ko nalang na may mabigat na kamay na dumapo sa mukha ko. She slap me.
"Amara/ma!" Si papa at si Kuya..
"Allen pinalaki ka namin Tinuring ka naming pamilya kahit ampon ka lang.. Binigyan ka namin ng tutuluyan, pagkain, pinalaki ka namin! Wala kang utang na loob.. Ang lakas ng loob mong sabihin sakin yan.. Ako natutuwa!? Gusto ko lang na lumihis ka sa landas na yan! Mawala pagiging bakla mo!" Sigaw nya. Napatitig nalang ako sa kanya.. So ayun ang iniisip nya.. Natawa nalang ako.
"Amara sumosobra ka na!" Si papa.
"Ma. Naririnig mo ba sinasabi mo?" Allan..
"Ma kahit na anong gawin nyo. Kahit na magdasal pa kayo sa lahat ng santo nyo. Ipadasal nyo man ako kahit kanino. Di ko ako mababago. I like men. I'm gay. At least I never betray someone I love." Marahas kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa kanya. Di na ako nagsalita at lumayo nalang sa kanila. Baka kasi ano pa ang masabi ko kung patuloy pa akong manatili doon.
"Allen.." Si Kuya Allan na hinawakan ang braso ko pero marahan ko iyong inalis at .. Di ko na sya pinansin. Lumayo na ako sa kanila.
--------
"Oh! Allen! Ano nangyari?" Tanong ni Terry kaibigan ko from highschool.. He is also a gay but may partner na sya...
"Terry, Ang sakit." Ayun nalang ang nasabi ko at naramdaman ko nalang na niyakap ako ng kaibigan ko.. Di ko na napigilang umiyak ng umiyak marahan nya lang akong ipinasok sa baha nila..
"Love, sino yan??" Napatingin ako sa likid ni Terry ng may lumabas na matangkad na lalaki roon. Nasa 35 na sya at may hawak na batang babae na nasa 5 years old na natutulog.. Si Leo. Partner ni Terry for 3 years.. Yung bata anak ni Leo sa dati nyang asawa "Allen!"
Di ako pinatahan ni Terry. Basta hinayaan nya lang akong umiyak ng umiyak hanggang sa nakalma ako.. Matagal din kaming nakatayo roon at hinahayaan nya lang akong umiiyak hanggang sa kumalma ako ng kaunti. Agad nila akong pinapasok sa sala at pinaupo nila ako sa sofa at binigyan ako ni Leo ng tubig.
Tinanong ni Terry kung ano nangyari. Kinuwento ko sa kanya lahat lahat hanggang sa nangyari kanina.. Tahimik lang sya at nakikinig..
"I feel like being abandoned again.. It always like this. From that day up to now one ever wants me.."
"Allen that's not true.."
"I was left by my real parents.. My sister betray me. I was abandoned by my adopted parents and my lover cheated on me... How can you still say that I am loved?" Tanong ko. Napakahaba ng katahimikan na namayani samin.. Hinawakan nya ng kamay ko..
"Allen. I'm still here.. We're brothers, right? I love you. Talikuran ka man ng lahat. Pipiliin kita kahit na si Leo at ikaw pa pagpipilian ko.." Sabi nya.. Napatingin naman ako sa kanya.
"Really?" Tanong ko..
"Reality check. You're more important to him more than me." Sabi ni Leo.
"Allen you are my bestfriend.. We both know the pain of being an orphan.. And you fill the spaces in my heart with all this years. So please wag mong sabihing walang may gusto sayo o tatanggap sayo.. Kasi parang sinasabi mo narin na wala akong kwenta sayo." Lumuluha nyang sabi.. Napaiyak nalang ako ng sobra at nag sorry na ng nagsorry hanggang sa nakatulog ako sa tabi nya...
-----
"I'll bring him to the room." Sabi ni Leo sa partner nitong si Terry na hawak hawak ang natutulog na si Allen. Tumingin ito sa kanya at tumango.. Binuhat naman agad ni Leo si Allen at di nala sa kama.. Ng maiayos nya ito ay agad na rin nyang bumalik sa sala. Natagpuan nya ang partner na nakatulala na para bang kinakalma ang sarili... Ang alam nya ay sobrang halaga ni Allen para kay Terry.. Actually ibig ibig na nya itong pagselosan but he know that the love Allen and Terry shares are only brotherly love.. They both orphans and they know the pain of each other. He just thankful that Terry has someone like Allen.
"Hey, He's gonna ba ok." Sabi ni Leo sabay tinabihan ang kasintahan at niyakap..
"He's good at making other person believe that he is a strong person but he's not.. Kahit kaylan hindi ko narinig sa kanya yung mga salitang yun. But that's the first word that I heard from him now." Paiyak na sabi nito.
"Wag nalang natin ipakita na nahihirapan tayo para sa kanya. He wont like that.." Sabi ni Leo tumango nalang si Terry nanalangin na sana lang ay makayanan ng kaibigan ang mga nangyayari..