Unknown 3

4 1 0
                                    


Unknown 3

Nagising ako dahil sa malakas na tunod galing sa cellphone ko.. Napatingin ako doon.. 5:30 na. 2 hours bago ang first schedule sa araw na to... Napabuntong hininga nalang ako.. Ayokong lumabas. Pero walang mag aalaga sa No Name.. Ayokong makita nila akong ganito pero pano naman sila magiging maayos at productive kug wala ako. Puro kalokohan ang mga yun. Siguradong puro kalokohan lang ang gagawin ng mga yun pag wala ako...

"Ang aga monamang nagising.." Si Terry na may hawak na mga damit. Actually sobrang hina ng pagkabukas nya ng pinto na para bang ayaw nya akong maabala sa pagtulog. Ngumiti naman ako.

"May gagawin pa kasi ako. Promotion period ng mga alaga ko." Sagot ko sa kanya..

"Yung mga batang makukulit na pinakilala mo sakin??" Natatawa nyang sabi.. Pinakilala ko kasi sila minsan kay Terry ng mapunta kami sa resturant nila ni Leo.. Trainees pa sila noon..

"Oo debut nila kahapon and its a huge success.. Marami silang naka line up ngayon kaya dapat agahan ko ang punta sa kanila." Sagot ko.. Hinawakan naman ni Terry ang ulo ko...

"Basta wag mong sagarin sarili mo. Uso magpahinga.. Try mo lang. Maglinis ka na ng sarili mo. Kumain ka bago umali. ok" Sabi nito na parang nanay na nanay na. Natawa nalang ako.

"Oo nanay." Pang iinis ko sa kanya.. Kinonyatan naman nya ako at lumabas na.. Ang sakit non hah....

-------------

"Manager, Manager, Manager Allen.." Tawag sakin ni Kyle. Napatingin naman ako sakanila. Nasa conference room kami ngayon.. Sobrang sama ng itsura ko kaya nag facemask ako.. Wala naman akong magagawa kahit na sobrang gulo ng buhay ko may trabaho ako at may mga alaga akong dapat suportahan..

"Bakit? May kaylangan ka ba?" Tanong ko. Tinignan nya ako maya maya pa ay niyakap.

"Its ok. I'm here. Pain pain go away." Sabi nya.. Natawa nalang ako.

"Adik ka ba.. Don't worry about me.. Umupo ka na----" Sumama naman si Sera na niyakap din ako. Hinawakan naman ni Felix ulo ko at inulit ulit ni Sera at Kyle ang pain pain go away nila.. Natawa nalang ako habang naluluha ng kaunti.. Buti nalang may mga bata akong kasama.. Parang nawalang kaunti ang bigat sa loob ko..

Maya maya pa ay nagsipasukhan na ang mga kasama sa meeting. Kasama sa survival show ang mga alaga ko. Of course maging ako.. May ilan pang kasama na mga new artist din at titignan nila kung kaya naming mabuhay sa wild.. Para namang nag sparkling ang mga mata ng mga ito. Gustong gusto nila ng adventures.. Actually hiker talaga ang tatlong to. Nadadamay na rin ako nitong nakararaan dahil narin sa dapat ko silang samahan..

Masayang masaya naman ang mga producer sa reaction ng tatlo. Buti naman dagdag pabango rin yun para mas maraming projects ang dumating.. Maraming details silang pinaliwanag samin hanggang sa matapos ang meeting. Magkikitakita nalang daw ulit pag nabuo na ang buong line up.. Masayang masaya naman yung tatlo.. They've been working so hard.. Hayaan na-----

"Allen!!!" Ayan nanaman sya.. May bigla ang yumakap sakin at inalog alog ko habang kung ano anong di ko maintindihan ang sinasabi..

"I miss you, lil'bro." Sya si Celestine Aria the owner and CEO ng Aria Ent. Halata naman sa pangalan diba? The first time he saw me. He declare that I'm his brother.. Parehas kasing puti ang buhok namin at blue ang mga mata.. Mas deep lang ang sa kanya. Sobrang tangkad nya 6'7 at sobrang laki ng built ng katawan. He is young only 35.. Akala ng lahat sobrang seryoso nya pero hindi!!! Para syang tanga..

"Mr. Aria, Bitawan mo nga ako nahihilo ako." Sabi ko sa kanya at pilit na nilalayo sya sakin.. Pero wala syang paki..

"Sir. Umiyak si manager.." Sumbong ni Kyle na kinatigil ng pag yugyog sakin ng makulit na lalaking to.. Hinarap nya ako sa kanya at inalis ang facemask ko..

INTO UNKNOWN WORLD (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon