Unang Kabanata

66 56 2
                                    

|AKO, IKAW, TAYO|

Artem


“Art, pre.. maya na yan, meryenda muna.”

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ang pagtawag sa'kin ng ka-trabaho kong si julo.

Katulad ko, ay marumi na rin ito dahil sa pinaghalong alikabok at semento.

Tipid ko lang siyang tinanguan, saka ko tuluyang nilubayan ang paghahalo sa semento.

Madaliang tapik sa balikat ang ibuwenilta nito sa akin bago tuluyang nagpatiuna sa paglalakad.

Napailing na lamang ako.

Palaging sabik sa meryenda ang damuho.

Habang naglalakad pasunod ka'y julo, ay ramdam na ramdam ko ang pagtagak-tak ng mga pawis sa aking bawat paghakbang.

Pinabayaan ko na lamang iyon at di na nag-abalang punasan pa. Walang say-say iyon dahil mayat-maya lamang ay pagpapawisan uli ako.

Saka isa pa'y walang puwang ang pagpupunas ng pawis sa klase ng aming trabaho.

Mas ginulo ko ang dati ng magulong buhok.

Tuluyan akong nakalapit sa kubo. Kaagad naman akong inabutan ng namumulang si Maryeta ng basong coke, at malaking piraso ng tinapay na sa tingin ko'y iyong burikat.

Nagpasalamat ako.

Sa di kalayuan, ay namataan ko pa si julo at ang iba pa naming mga kasamahan sa trabaho. Nanunukso ang tingin ng mga ito.

Napailing na lamang ako. Daming isyu.

“Umm.. Artem...”

Akmang aalis na sana ako ron ng tawagin ng babae ang aking atensyon.

Nabaling muli sa kanya ang aking tingin, naghihintay ng kanyang sasabihin upang tuluyan nang makaalis.

Hindi lingid sa aking kaalaman na may kakaibang pagtingin sa'kin ang batang ito.

“Umm... p-pwede bang ikaw nalang ang kunin kong p-partner sa nalalapit na Miss. S-sultiyea? I-iyong gaganaping pageant sa baranggay? W-wala pa kasi kaming mahanap na magiging escort ko... k-kaya nagbabakasakali ako na bak—”

Di 'ko na siya pinatapos at agad na akong sumabat.

“Sensya na Maryeta, Di pwede. May part time job ako sa gabi at isa pa'y wala akong interes sa mga ganyan,”

Kita ko ang pagdaan ng lungkot at pagkapahiya sa mukha niya. Napayuko ito.

“Sige, yeta. Pasensya na talaga.”

Saka ako tuluyang umalis doon at nagpunta sa lilim ng punong nagmistulang tambay ko tuwing meryenda.

Tahimik dito at may papag na mahihigaan tuwing may gustong magpahinga. Subrang lapit lang ng kalsada, ngunit kahit gayon ay walang ingay, dahil wala masyadong dumadaan na sasakyan. Kong meron man bihira lang.

Dala-dala ang Baso ng coke at tinapay, ay tahimik akong sumampa at naupo sa kawayan na papag.

Inilapag ko muna ang Baso ng coke, saka ko ipinatong doon ang tinapay. Kinalikot ko ang aking bag na may print ng Milo. Bago ako magpunta rito, ay dinaanan ko pa 'to.

Kinuha ko ron ang aking notebook at lapis. Saka nagsimula ng kalkyulahin ang naging sweldo ko kahapon.

Dapat ay kagabi ko ito ni kwenta, ngunit dahil sa pagod ay nakatulog ako kaagad.

Kinuha ko ang tinapay at kinagatan iyon. Habang nanatili sa notebook ang aking atinsyon.

Kumagat muli ako sa tinapay.

Nasa ganoon akong posisyon ng mapaangat ang aking tingin sa tunog ng paparating na sasakyan.

Sa di kalayuan ay bumungad sa akin ang magarang kotse na kulay pula. Kumikinang-kinang pa ito sa bawat pagtama ng mainit na sikat nang araw.

Tumaas ang aking kilay.

Hindi pamiyar ang kotse. Sa wari ko'y isang dayo ang nagmamayari nito.

Hindi nilubayan ng aking tingin ang kotse. Dala na rin siguro ng kuryusidad.

Ngunit nagulat ako nang tuluyan itong tumapat mismo sa aking harapan. Bumaba ang bintana ng kotse.

Ipinakita niyon ang maputing babae. Naka shade ito kaya hindi ko lubusang kita ang ka buo-an ng kanyang mukha.

Hindi ito huminto.

Ngunit mas nagulat ako ng inilabas nito sa bintana ang makinis na kama'y at itinapat sa gawi 'ko ang kanyang gitnang daliri.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

AKO, IKAW, TAYO -Me You Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon