Ikatlong Kabanata

62 52 2
                                    

|AKO, IKAW, TAYO|

Artem


"Sus, parihas narin yun. Tinanggihan mo, binastid mo. Walang pinagkaiba." aniya ni julo na hanggang ngayon hindi parin pala tapos doon sa ka'y Maryeta.

Natatawang napailing na lamang ako.

"Ge, nalang ju."

Saka ako nagpatiuna sa paglalakad. Kailangan kong makauwi ng maaga at ng makapag handa na sa susunod na trabaho.

Habang binabaybay ang natatanging daan upang makarating sa bahay ay, natigilan ako sa kalagitnaan.

Mismong sa tapat ng tarangkahan ng mga Qiantes.

Mula kasi ro'on ay may namataan akong pamilyar na sasakyan. Nakaparada ito hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Sa hindi kalayuan ay naroon, at halatang okupado sa kasibulan ng nga bulaklak ang nagmamayari nito.

Nakangising napailing-iling ako.

"Subrang liit nga naman ng baranggay Sultiyea para sa mga taong may atraso."

Nakatalikod ang bastos na babae sa'king gawi, na pabor naman sa'kin dahil malaya kong na o-obserbahan ang bawat kilos nya nang hindi niya napapansin.

Nanunuya kong pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Bawat kibot at kislot ng kanyang mga kamay ay nasusundan ng aking mata.

Hanggang sa napunta ang tingin ko sa hubad na likuran nito. Kakaiba ang damit na kanyang suot, wari'y kinulang sa tila.

Umigting ang aking panga.

Wala talagang kahihiyan ang babaeng ito. Siguro nga'y sana'y siya sa mga ganyang klasing damit, Ngunit hindi man lang ba niya naisip na nasa probinsya siya, at wala sa syudad?

Paano na lamang kong may iba pang kalalakihan na dumaan dito, bukod sa'kin.

Sa isiping iyon ay tumalim ang aking tingin.

Sa ganoong paraan, ay hindi inaasahang nagtagpo ang aming mata.

Gulat ang nababanaag kong ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa'kin. Nakaawang ang mapupulang labi't, hindi makapaniwala.

Wala sa sariling napalunok ako.

Ang aking matalim na tingin, ay bahagyang lumambot, ng lubusan ko ng napagmasdan ang kabuo-an ng kanyang mukha.

Mapula ang kanyang hugis pusong labi. Tila nang-aakit na halikan. Mahahaba ang kanyang namimilantik na pilik mata. Mahaba ang perpektong ilong.

At ang nakaka-hipnotismong, kulay bughaw niyang mata. Tanda na ang dayong ito'y isang banyaga.

Sa unang tingin ay aakalain mong isang inosente ang iyong kaharap. Walang bakas ng kapilyahan at karahasan.

Sa isiping iyon ay agad na nanunbalik sa akin ang atraso nito. Pansanantala ko iyong nakalimutan habang pinagmamasdan ang maamong anyo ng kaharap.

Inalis ko ang bakas ng kalambutan sa aking ekspresyon. Saka siya walang emosyong tinignan.

Siguro'y kagaya ko ay doon lamang din ito nahimas-masan.

Dahil mayat-maya pa'y, Nag Ngiting aso na ito.

Naglakad ito, at mabilis na nakarating sa kasalukuyan kong kinatatayuan.

"Hi, gandang hapon!"

Iyon agad ang bungad niya. Di ako nangahas na batiin siya pabalik.

Tumaas lamang ang kilay ko ng marinig ang kakaibang tuldik sa kanyang pananalita.

Malaki rin ang kanyang ngisi. Halatang may binabalak.

Hanggang dibdib ko lamang siya kaya hindi ito magkanda-mayaw sa pagtingala.

Akala ko ba'y mahahaba ang mga amirikana? Bakit kinulang sa kataasan ang isang to?

"Hey, Mr hotie, na quite dirty. Di mo ba me, e' ge-great back?"

Sabi nito na ikinakunot ng aking nuo. Hindi ko siya masyadong maintindihan.

Naghalo-halo ang salitang banyaga at tagalog sa kanyang pag-wika. Isa pa'y, wala akong masyadong alam sa salitang ingles.

Kaya naman sa halip na sagutin ito, ay agaran ko na siyang tinalikuran. Rinig na rinig ko pa sa hindi kalayuan ang paulit-ulit na pag-tawag nito sa aking atinsyon.

Ngunit disidido na akong makaalis roon. Iniiwasan kong maduguan ng ilong.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

AKO, IKAW, TAYO -Me You Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon