Ika-apat na Kabanata

62 49 5
                                    

|AKO, IKAW, TAYO|

-Artem


Abala ako sa pag-papahid ng basahan sa lamisa habang isa-isang nililigpit ang mga mangkok na pinagkainan ng mga kostumer na kakatapos lang kumain.

Alas diyes e' medya na, at may dalawang oras pa bago matapos ang trabaho ko dito sa Miswahan ni Nana Belin.

Araw ng Sabado ngayon, ngunit sa halip na magpahinga dahil limang araw din akong babad sa Konstruksyon site, ay hito ako't nag pa-part-time job.

Ano pa nga bang bago?

Sa bawat araw na lumipas ay ganito naman palagi ang takbo ng aking buhay. Kailangan kong kumayod para mabuhay. Walang lugar ang pagiging batugan, at tamad sa isang tulad kong dukha.

"Ano this?"

Bahagya akong natigilan sa ginagawa at napaangat ang tingin, ng marinig ang pamilyar na boses.

"Isaw po, ma'am. Bituka ng manok."

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaangat ko pa lamang ng aking tingin ay ang maputing likod kaagad nito ang bumungad sa akin.

Makikilala mo kaagad ito sa isang tingin, kahit pa'y nakatalikod. Sa klase pa lamang
ng pananamit, maging sa kulay ng kanyang kutis at buhok ay mababanaag kaagad ang kanyang pagiging iba sa lahat ng kababaihang taga Sultiyea.

"Uhumm... you mean, the chicken intestine?"

Rinig kong patanong na aniya nito.

Kita ko naman ang alinlangang ngiti, at pagkamot sa ulo ni aling Tilma, iyong nagtitinda ng barbecue. Mukhang hindi din nito gano'ong maintindihan ang dayu.

"P-parang gano'on n-na nga, m-ma'am." ani ni Aling Tilma.

Kita ko naman ang dahan-dahang pagtango ng dayu.

"Can I try, one? Gusto kong mag try ng one stick." Sabi nito saba'y abot ka'y aling Tilma ng pera na sa palagay ko'y libo. Dahil kula'y asul iyon. Kitang-kita ko ang hindi makapaniwalang mukha ng Ali.

Natigilan ako.

Napaawang ang aking labi ng humarap ito at sa pangalawang pagkakataon ay muling nagtagpo ang aming paningin.

Maging ang dayu ri'y natigilan.

Kagat-kagat pa nito ang isang patpat ng isaw.

Mayat-maya pa'y tumaas ang sulok ng labi nito. Dahilan upang makita ko ang bilog sa kanyang magkabilang pisngi.

"Pesst, Artem? Kanina kapa ja'an. Sino ba iyang pinagmamasdan mo at mistula kang naingkanto!"

Nabalik ako sa huwistyon ng marinig ang Nana belin. Gulat na nabaling sa kanya ang aking atinsyon.

Nandito't, Nakalapit na pala ito sa kasalukuyan kong pwesto. Hindi ko man lang namalayan.

Tumingin din ito sa harapan at nang siguro'y makita ang babaeng dayu ay agad itong natigilan.

"Aba'y ka'y gandang dilag ah, halatang imported." ani nito habang naniningkit ang mata. Mayat-maya pa'y nabaling muli sa akin ang kanyang tingin. Mapanukso't mapanuya.

"Di'ka naman nagsabing isang Amirikana pala ang tipo mo."

"Nana, naman." Napanuya akong natawa. Sabay umiling-iling.

"Hindi po tulad niya ang aking tipo. Mas gusto ko parin po ang mga babaeng puro ang pagiging lahing pinoy. Payak ang pamumuhay at may busilak na puso." ani ko habang pasimpling tumitingin sa dayung hindi lamang kalayuan sa kong nasaan kami. Ka'ya alam kong na ririnig niya ang bawat salita ko.

Muli ay tumingin ako kay Nana at tipid itong nginitian.

"Iyong ka antas ko lang. Wala po sa aking bokabularyong magpaalipin na lamang sa isang dayuhang banyaga."

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

AKO, IKAW, TAYO -Me You Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon