Ika-anim na Kabanata

20 14 4
                                    

|AKO, IKAW, TAYO|
Artem


"Tangina ka, pare. Dilikado nga, malilibugan ka na nga lang sa diamante pa!" Problemadong komento ni julo, matapos mahimas-masan.

Napapakamot pa ito sa kanyang bunbunan na tila ba siya ang higit na apektado.

Ako naman ay agaran ang pagiling "Hindi ko pinagnanasaan ang dayo ju, ibig kong sabihin ay tama kang okupado nga ang aking isip nitong mga nakaraan at dahil iyon sa babae."

Nanunuring titig ang pinukol nito bago
nakaiintinding tumango.

"Kong gano'n ay may nararamdaman ka sa kanya?"

Natigilan ako't di naka sagot. Ano nga bang isasagot ko ga'yong hindi ko alam kong anong itutugon.

"Art. Hindi naman siguro magiging laman ng isip mo iyang babae kong hindi mo kusang iniisip. Saka pre, ito ang kauna-unahang may prenoblema kang babae. Aba! Kahit kailan ay Hindi nawala ang pokus mo sa trabaho. Ngayon lang!"

Sa narinig ay mariin akong napapikit. Maging ang pag-igting ng aking panga ay hindi ko mapigilan.

Napadilat lamang ng maramdaman ko ang malakas na tapik ng kaibigan.

"Tangina pare, mukhang hindi lang isip mo ang na sakop ng dayo, mukhang maging iyan din" Nakangising turo nito sa aking dibdib.

_______

Dapit-hapon ng makauwi ako. Matapos ng naging usapan namin ni julo ay hindi na ako nito inusisa pa. Mabuti narin at dahil sa kanyang mga sinabi ay mas lalo lamang gumulo ang aking isipan.

"Artem, hijo!" nabalik ako sa ulirat ng marinig ang malagong na boses ni mang dencio.

Lumabas akong basa pa ang buhok at tanging pantalon lamang ang suot. Hindi na ko nag-abalang magsuot ng damit pangitaas dahil nasa bahay lamang naman ako't walang kaso kong harapin ko si mang dencio dahil sanay na naman ito sa'kin.

"Mang Dencio napadaan kayo? Tungkol ho ba sa pagaani ngayong byernes. Ipagpapaliban ho ba."

Salubong ko rito ng makita itong naka tayo sa may pinto. Nagtaka pa ako dahil tila may hinihintay ito.

"Naku hindi hijo, tuloy na tuloy ang ani ng palay sa byernes, narito lamang ako upang samahan si senorita, aba'y kanina pa ito roon sa may labasan at nagtatanong-tanong tungkol sayo."

Nangunot ang nuo ko.

"Senorita? Sinong senorita?"

Tanong ko na agad ding nasagot ng marinig ko ang isang matinis na boses kasabay ng paglitaw ng isang maputing amirikana sa likuran ni mang dencio.

"Mang dencio salamat po, here na po ba ang house niy-- Oh"

Natigilan ako, maging ito ay natigilan ng makita ang itsura ko.

Nakaawang ang kanyang mga labi habang bagsak ang tingin sa aking katawan. Kitang-kita ko pa ang pagaliwalas ng kanyang magandang mukha. Maging ako ay hindi kaagad nakabawi't pinakatitigan lamang ang grasyang kasalukuyang nasa harapan.

Ilang araw ko ring hindi nakita ang kagandahang ito.

Titig na titig ako sa rito, kong di lamang na rinig ang pag tikim ni mang dencio na naroon pala kasama namin ay hindi pa ako mababalik sa ulirat.

"Uhm hijo, ito si senorita caltia, kanina pa niya hinahanap itong bahay mo. Mabuti na lamang at naka uwi ka na." Inilahad nito ang babae na ngayon ay mukang tuluyan ng natauhan.

Namumula ang magkabilang pisngi at dahil nga sa natural na maputing balat ay kitang-kita. Hindi na rin ito makatingin sa'kin ng direkta.

Kaya naaman sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napatikhin.

"Ganon ho ba.."

Ramdam ko ang tensyong namumuo sa aming pagitan at marahil ay ramdam din iyon ni mang dencio. Kong kaya't nagpaalam itong babalik na sa kanila kong kaya't naiwan na lamang kaming dalawa 'ron.

"Pasok ka..." wala sa loob na alok ko.

𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKO, IKAW, TAYO -Me You Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon