PAHINA 2 :

1.2K 14 0
                                        

- Diamond -

"Hi," bati sa akin ng lalaki.

"Hi," balik na bati ko rin.

Iginaya niya ako papasok sa kanyang sasakyan BMW black twenty twenty-two model.

"Feel free to ride," ngiti niya sa akin.

Tumango na lang ako.

"By the way, I'm Troy Salvador Monroe," baling niya sa akin.

Nag da-drive na siya kaya sa kalsada na ulit ang kanyang tingin.

"I'm Ysabel Devera," sagod ko naman. Not my true name.

Sa Academy kasi may mga sarili kaming code name. Si Mamita Reese lang ang nakakaalam ng mga tunay naming pagkakakilanlan.

"Yeah, I read about your background," sa background namin para sa mga client fifty-fifty din ang mga nando'n.

"You said you're a Monroe?" tanong ko.

Tumango tango siya.

"So what's the occasion?" tanong ko.

"It's just an anniversary, and," huminga siya ng malalim.

Huminto siya sa gilid saka tumingin sa akin.
Nagtataka rin akong humarap sa kanya.

Naramdaman ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, sobrang lungkot ng awra niya.

"Nothing," ngumiti siya and I don't like it.

"Wag mo akong ngitian kong malungkot ka naman," saad ko.

Nakatingin lang ako sa kanya kaya kita ko ang pag ngisi niya.

"Tell me, Troy. So that I know how to go about it," ngiti ko sa kanya.

Tumingin muna siya saglit sa akin, saka muling itinuon ang tingin sa daan.

He took a deep breath "My father wants to marry my girl to my brother," saad niya.

"For a family business," sagot ko naman.

"Yeah," ngiwi niya

"Why not just yours?" tanong ko. Ganyan naman ang mga mayayaman, kung dati sabi ko napakasarap ang maging mayaman dahil hindi na nila problema ang pera, they can buy what ever they want. Pero mali ako, dahil sa trabaho ko marami na akong nakakausap na kagaya niya.

They can get what they want but not the people they love.

"He's the legal son. Of course," mapait niyang saad.

Napabuntong hininga na lang rin ako. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit.
Siguro anak siya sa labas kaya gano'n.
Nakakalungkot namang isipin na may mga ganoong klase ng ama.

Mas mahalaga pa ang kapakanan ng yaman kesa kaligayahan ng anak nila.
Nakaramdam tuloy ako ng awa para kay Troy.

MONROE HOTEL basa ko sa taas ng building kong saan naroon ang pangalan nito.
Muli akong nakaramdam ng kaba na hindi ko mawari.

"Tara," aya sa akin ni Troy. Tumango lang ako.

Troy hold my hand while walking at the red carpet, halos masilaw na nga ako sa kislapan ng mga kamerang nasa harap namin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Troy ng tumama sa mata ko ang kislap ng isang camera.

"Are you ok?" tanong niya ng makitang isinangga ko ang aking kamay sa mata.

"Off your fvcking cameras or I will break it," anas ni Troy sa mga paparazzi na narito.

Nag patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa main hallway ng hotel.
Sumalubong sa amin ang elegant garden thyme ng lugar at mga nag lalakihang crystal chandeliers na nag bibigay ng liwanag ka kabuoan ng lugar.

"Do you like the thyme?" he asked.

"Kind of," tatango-tango kong saad.

Green is beautiful but blue is more than stunning.
Emerald will surely like, no love it very much.
Sapphire loves red and maroon.

"You are here na," may lumapit sa aming isang babae.

Shantal Alegre Salvador a famous model in the town, maliit pa lang ako ay hinahangaan na ni mama ang ginang. Ngunit ng mapabalitang nabuntis ito ay tumigil na sa pag mumudelo. May mga magazine pa nga si mama sa kanyang kabinet ng mga larawan nito.

"You're with?" baling naman sa akin ng ginang.

Isa lang ang masasabi ko, para siyang hindi umedad. Mula sa magazine noon hanggang ngayon sa personal ay ganon na ganon pa rin ang kanyang itsura.

"Mom, meet my girlfriend," Troy hold my waist saka bahagyang pinisil iyon "Ysabell Devera," ngiti niya sa ina.

Troy's mom is Ms.Shantal?

"Hi, Ma'am, nice to meet you," matamis ang ngiti ko, sabay lahad ng kamay.

"Your so formal, Hija. Besides you are Troy's girlfriend. Tita na lang ang itawag mo sa akin," nakipag shake hand siya sa akin "And you too," matamis din ang ngiting iginawad niya sa akin.

Yeah! It's genuine. At katulad nga ng sabi ni mama, mabait talaga si Ms. Shantal.

"The party will start within five minutes. Troy, Anak," malamlam ang matang tinignan niya ang anak.

Alam kong nalulungkot din siya para kay Troy, ako rin naman.
Pero wala ba siyang magagawa?

"Don't make any scene. Your Dad will be surely mad at you," inayos niya ang kuwelyo ni Troy saka ngumiti ulit ito at hinalikan ang anak sa pisnge.

"Balik na ako sa table namin ng Daddy mo," binalingan niya ako ng tango saka nag paalam na.

Ilang minuto pa at nag simula na nga ang party.
The M.C walk on the stage with a smile.

"Good evening ladies and gentlemen," pag uumpisa ng M.C

"Please welcome with a round of applause our Mr. Tyrus Santiago Monroe," masayang anunsyo ng baklang M.C

May umakyat na lalaki sa stage and I'm sure na si Mr. Tyrus Monroe na iyon.
Smile flashed at his face saka itinaas ang kamay para tumahimik ang lahat sa pag iingay at pag palakpak.

"Good evening, ladies and gentlemen's," pag uumpisa ng ginoo.

Troy and Mr. Tyrus have a same color eyes green. May edad na rin ito pero nanatiling matipuno ang pangangatawan.
Masasabi mong naging habulin din ito ng mga kababaehan dahil sa wow look into.
He still manages his adonis look, kaya naman pati si Ms. Shantal ay nabighani dito.

Ano bang iniisip mo, Dayam?
Pati ba naman tatay ni Troy pinag nanasahan mo? Saad ng isip ko.
Napailing na lang ako, dahil doon.

"I will not prolong my speech any longer. Thank you for coming tonight for the anniversary and for my son Timothy Santiago Monroe and my kumpare's daughter Kathalia Cy, enggament," saad nito.

Lumingon ako kay Troy at nakita ko ang pag galaw ng kanyang panga.
Humawak ako sa braso niya at ng tumingi siya sa akin ay ngumiti ako.

He smirks and I feel him hurt by what he watches.
Mas lalo rin kasing humigpit ang pag hawak niya sa kamay ko.

Nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya pero okay lang.
Alam ko kasing mas nasasaktan siya.

















A/N : Vote and Comment are appreciated, Babis 💦💙

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon