PAHINA 6 :

561 9 0
                                    

       After 10years 😌 Sorry sa mabagal
       na Ud ☹️ Nabusy lang talaga...

- Diamond -

ILANG LINGGO na ang lumipas matapos ang usapan namin ni Moon, tungkol sa 'yun na nga.

Sa mga nakalipas na araw kahit pumunta sa aming bahay si Troy hindi na nao-open ang tungkol sa kanilang ama. Hindi na niya pinipilit na baka raw si Troy ang kanyang -- kanilang ama.

"Hows school, Boys?" hapon na at kararating lang ni Troy dito sa bahay.

Kasalukuyan na akong nag-aasikaso para sa raket naming magkakaybigan.
Kaylangan daw kasi ng waitres kay ate Daisy, may catering bussiness kasi ito at pag kaylangan talaga ng extrang tao ay kaming tatlong magkakaybigan ang tinatawag.

"Okay naman po, Tito Troy." rinig kong sagot ni Rain habang lumalantak ng cake na dala ni Troy.

"Good." si Sky na nagso-solve ng math assignments nilang magkakapatid.

Si Moon namang silent treatment. He's reading a Science book na hindi ko rin naman maintindihan. Mahina utak ko sa Science lalo na sa Math. Buti na nga lang kahit na mahina ako sa mga gano'ng subject eh magaling naman ang mga anak ko.

"Dayam, dalhin mo na 'tong ulam para kila Sasa at Em-em." Sasa ang tawag ni mama kay Sapphire at Em-em naman ang tawag niya kay Emerald.

Marami kasing niluto si mama na adubo sa gatang pato, nagkatay si manong Kaloy at bumili si mama.

"Troy, Anak tikmam mo nga ito." tawag naman si mama kay Troy.

"Wait po, Mama," hinubad muna ni Troy ang kanyang coat saka nagtungo sa kusina.

Nag make-up na ako dahil sa mismong bahay na raw kami magkikita-kita sabi ni Sapphire.

"Ma, tapos na ako. Alis na po ako." lumapit muna ako sa mga anak kong busy sa pagkaen at pag-aaral. Humalik ako sa mga ito isa-isa at niyakap.

"Hmp! Amoy araw." ungot ko ng yakapin ko si Rain.

"Laro kasi ng laro sa init ng araw 'yan, Mama." sumbong ni Sky sa akin habang sa notebook pa rin nila nakatuon.

"Ma, hatid ko na po muna si Dayam," saad ni Troy.

"Osige. Mag ingat kayo huh." sigaw ni mama nasa kusina kasi siya.

Nagpaalam na rin muna siya sa mga bata at tumango lang ang mga ito maliban kay Moon na talagang kinarer ang pagiging tahimik.

Ganyan naman siya lagi pag nandiyan si Troy, pero kung wala ang lalaki ay hindi.
Hindi ko na rin naman maawat si Troy sa pagpunta rito dahil ang kulit niya. Hindi na nga siya nag te-txt sa akin kung pupunta siya eh. Basta pasok na lang din 'yan sa bahay. Feeling home nga ang kurimaw.

Nakiki-mama na rin sa mama ko. Minsan napapairap ako sa kanilang dalawa pag nagtatawanan sila. Kung sobrang malisyosa ko nga lang aakalain kong sugar mommy ni Troy si mama, ang halay ko diba!

Pa'no ba naman kasi mag tatawanan na lang eh may pa keme pang hampas si mama kay Troy na animoy teenager. Ah! Basta!

Nakarating na kami sa malaking bahay kong saan ang venue. Nagpaalam na ako kay Troy at nagpasalamat saka lumapit sa mga kasamahan.

Mga alas syete pa raw gaganapin ang party kaya nag-aayos na rin kami ng mga pagkaen, mesa, upuan at mga decoration.

Nang sumapit ang oras ng party ay naging busy na kami. Sumasakit na rin ang paa sa heels na suot ko.
Napangiwi ako ng makitang mapula na ang sakong, may paltos na nga rin ata ang likod ng paa ko.

Ilang oras pa ang lumipas at alas dos na ng madaling araw kami natapos.
Inabotan ako ni Emerald ng band-aid.

"Salamat," ngiti ko "Si Sapphire pala?" takang tanong ko ng hindi na ito makita.

"Nauna na. Kaylangan daw siya sa amponan," sagot nito sa akin.

"May problema ba?" malungkot kong tanong.

Kibit balikat lang ang sagot niya "Wala siyang sinabi. Pero pakiramdam ko meron." seryuson niyang wika.

Sabay kami napabuntong-hininga. Ako si Sapphire at Emerald ay limang taon nang magkakaybigan. Si Sapphire sa amponan siya lumaki samantalang si Emerald hmf! She's not talking about her family.

Ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol doon. Hindi na rin naman namin siya pinipilit pa.

Inabot na sa amin ni ate Daisy ang sahod namin. Sumabay na rin ako kay Emerald para tipid pamasahe. Hinatid na niya ako hanggang sa tapat ng bahay, wala na ang kotse ni Troy doon siguro ay umuwi na rin.

Madilim na ang buong bahay ng makapasok ako bago magpasalamat kay Em. Cellphone ko na lang ang pinang-ilaw ko para makapunta sa kusina at uminom ng tubig.

Pagpasok sa aking kuwarto ay agad akong naupo sa kama at tinanggal ang aking heels. Tamad akong nahiga sa kama saka inilagay ang aking braso sa tapat ng mata. Huminga ako ng malalim.

Pagod ang katawan ko pero mamayang alas singko ay kaylangan ko na namang pumasok sa cafe ni ms. Darya.

Fully scheduled ako ngayon. Maraming raket para maraming pera. I have three kids to support bawal ang tatamad-tamad kaylangan push ng push.

Nag-alarm na ako saka umidlip. Kaylangan ko ng lakas para sa paglilinis at decorate mamaya sa cafe ni ms. Darya.
May birthday party daw kasing gaganapin doon.
Simula noong dalaga ako naging habbit ko na talaga 'yun kaya pag may birthdi-han dito malapit sa amin ay kinukuha ako.

Hindi ko naman matanggihan dahil pera na rin 'yun.
Nagkumot na lang ako saka pumukit na.

Napakamot ako sa kilay ng marinig ang alarm ng aking cellphone.
Nakapikit pa akong umupo sa kama, antok na antok pa rin kasi ako.
Dumilat ako saka nag-unat. Naglakad na ako palabas ng kuwarto at dumiretso sa cr.

Mukha akong zombie ng tumingin sa maliit na salamin na nakasabit sa pako. Binuksan ko na ang gripo para magpatulo sa timba saka lumabas na at nagtungo naman sa kusina.

Naabotan ko roon si mama nag magluluto ng pansit. Ito siguro ang ilalako niya ngayon.

"Saan raket mo ngayon, Dayam?" tanong ni mama habang hinahalo 'yung pansit sa gulay.

"Diyan sa cafe ni Ms. Darya, Ma. May nag rent daw na birtday kaya ako mag decorate," sagot ko.

Kinuha ko ang asukal at naglagay no'n sa tasa. Narinig ko na umaapaw na ang tubig sa timba sa cr kaya pumunta ako roon at pinatay ang gripo, saka nag patuloy sa pagtitimpla ng kape.

"Pagtapos ko naman po, Ma, diretso na ako sa --"

"Ang Ate mo hindi mo ba siya dadalawin?" putol niya sa akin.

Huminga ako ng malalim "Wala pa po akong oras, Ma, ikaw ba?" tanong ko rin.

"Kaylangan ng pera. Wala pa akong naiipon, sinabi ko na rin naman sa kanya noong minsang nagkausap kami." sagot niya.

Tumango ako saka humigop sa aking kape. Nag umpisa na akong mag-asikaso ng aking sarili.

Sabado naman ngayon kaya walang pasok ang mga bata.
'Tsaka malamang sa alamang mamaya ay narito na rin naman si Troy dahil may usapan silang gagala ng mga bata.

Simpleng jeans at t-shirt ang sinuot ko, pinarisan ko na rin ng puting sapatos. Pulbo at lipstick lang okay na. Hindi na rin ako nag-abalang mag-ipit dahil basa pa naman ang buhok ko. Mamaya na lang siguro.

Dumaan muna ako sa kuwarto ng mga bata saka humalik sa kanilang mga ulo.

"Work ka na po?" si Sky na naalimpungatan.

"Opo eh." sagot ko.

"Take care, Ma, i love you po." inaantok na wika niya.

"Take care also. I love you more, my Sky," I kissed him again on his cheek.

Sabay na kaming lumabas ni mama ng bahay. Mamaya pa naman ang gising ng mga bata dahil madaling araw pa lang.
Ibabagsak na lang daw naman ni mama ang niluto niyang spaghetti at pansit kay aling Kulasa.

Pagdating sa kanto ay nagpaalam na ako kay mama at sumakay ng tricycle patungong bayan si mama kasi ilang lakad lang nasa karinderya na ni aling Kulasa.

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon