- Dayam -
DALAWA. Dalawang araw na simula noong family day.
At simula noon ay nailang na rin ako.Wow huh! Ako pa talaga ang maiilang. Eh ako nga ang nanyakap.
Wala namang sinabi noon si Tyron at niyakap lang din niya ako pabalik, pero kahit na gano'n hindi ko pa rin talaga maiwasang mailang dahil doon.
Hindi na ako bata para hindi alam itong kagagahang nararamdaman ko.
Na may gusto ako sa kanya.Mabait si Tyron, kahit ilang buwan pa lang ang nakakalipas ng magkakilala kami.
Mabait siya kay mama pati na rin sa mga anak ko na talaga namang gusto ko.
Alam kong napag-usapan na namin ni Moon ang bagay na ito pero ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa anak ko para sa akin nararamdaman.Mahirap supilin ang puso. Mahirap itong kalaban lalo na kung pati ang isip mo ay kalaban mo na rin.
"Ayos ka lang ba?" tapik sa akin ni ma'am Kia na nagpabalik sa aking ulirat.
Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako "M-ma'am,"
"May problema ba, Diamond?" tanong niya sa akin.
Narito ako sa counter katabi siya. Umiling ako saka sumagot ng "Sorry, Ma'am. May iniisip lang ako."
"Is there any problem with your sons?" she asked with a worried tone.
Huminga ako ng malalim saka tumango "Oo eh." kamot nuo kong sagot.
"If that's the case puwede ka namang mag under time." sagot nito sa akin.
"Hindi 'yon, Ma'am Kia," sagot ko.
Taka naman siyang tumingin sa akin. Mabuti na lang at walang omu-order ngayon kaya nakakapag-usap kami ni ma'am Kia.
"Huh? So, what's the problem then?" takang tanong niya.
"Ahm! Ano. Ano kasi..." napaisip ako kung puwedi ko bang sabihin kay ma'am Kai ang nararamdaman ko ngayon.
I know ma'am Kia is a nice, kind person, kalog nga rin na talaga namang nagustohan namin dahil talaga namang kasundo namin siya.
"Acclaaaaa," malakas na sigaw na nag mumula sa pintoan pa lang ng resto-bar kaya lahat ng tao ay talaga namang napalingon.
"Ang hudas na bakla nandito na naman," irap ni ma'am Kia sa babae este lalaking parating.
"Aclaa, shopping tayes." tapik nito kay ma'am ng makalapit.
"Later na, Vaks. So many people in the house pa oh." ismid nito.
"Ay taray! Wapakels na so many chu-chu ka naman detey. Diba may dear Dayam." ngiting baling nito sa akin.
"Oo, Ma'am Kia, kaya na po namin dito. Andiyan naman po si Ma'am Larne." sagot ko rin.
Matapos ang shift ko sa resto-bar ay sa apartment na ako nila Sapphire at Emerald dumiretso.
"Kamusta?" bungad kong bati sa dalawa ng maabotang nanunuod sila ng tv.
Agad namang tumayo si Sapphire at yumakap sa akin.
Isang linggo ko rin silang hindi nakita, mukhang kagaya ko ay talagang busy din sila."I'm good." sagot ni Emerald.
"Ako hindi." malungkot na sagot ni Sapphire, habang yapos pa rin ako nito.
"May problema na naman ba sa ampunan?" tanong ni Emerald na ikinatango lang ni Sapphire saka nagtungo pa-upo sa sofa.
Sumunod ako kay Sapphire pa-upo rin sa tabi niya "Anong nangyari?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our Diamond
RandomWARNiNG ⚠️ WARNiNG ⚠️ Read at your own risk 'cause it's a POLY story.