- Diamond -
MADALING ARAW pa lang pero nagising na ako sa ingay na nang gagaling ata sa kusina.
Papungas-pungas akong naglakad patungo roon upang makita kung anong nangyayari.
"Good morning," isang baritong boses ang nagpatulos sa akin sa kinatatayuan ko.
"G-Good morning," mahina ko ring saad.
Nanlalaki ang mata kong makita ito, he's wearing a boxer and grey sando, sa kaliwang kamay nito ay may hawak siyang sandok habang masayang naka ngiti sa akin.
"Mukha ba akong multo," nguso niya sa akin.
Tumikhim ako para maialis ang bara sa aking lalamunan. Saka inirapan ito.
"Anong ginagawa mo dito? Alas kuwatro pa lang ng madaling araw, Tyron." inis kung turan upang supilin ang naging pag bilis ng tibok ng aking puso.
Napalunok ako ng ipinaghila niya pa ako ng upuan. Shit!
Patago kong hinawakan ang aking dibdib. Anong nangyayari sa puso ko?!"Coffee?" he asked. I nod.
Hinalo na muna niya ang sinasangag saka humarap sa stante upang kumuha sa platera ng tasa.
Nag umpisa na siyang buksan ang malilit na tupper wear upang magtimpla ng kape."Salamat." wika ko ng maibaba na niya sa harap ko ang tasa na may kape.
Ngumiti lang siya sa akin saka ipinag patuloy na ang pagluluto.
"Bakit nga pala ang aga mo?" muling tanong ko.
"Mas malapit kasi ang daan dito kesa sa condo," sagot lang niya "At saka nami-miss ko na rin kayo kaya dito na ako dumiretso."
Tumango-tango na lang ako kahit na hindi naman niya iyon nakikita.
- Third Pov -
The man standing viewing the city. Hawak sa kanang kamay ang baso na may lamang alak.
"What's going on?" the man asked.
"You know I hate failed plans right," humarap ang lalaki sa kausap at matalim itong tinitigan.
Habang sa kabilang banda naman naka yuko lang ang babae.
"Fix this mess, E. Ayuko ng paulit-ulit," saad ng matandang lalaki sa babae.
The girl stands straight and nods "Copy, Sir."
The man sat on his swivel and poured some wine again into his glass "Leave."
Iyon lang at tinalikoran na ni E ang matandang lalaking nakausap.
- Diamond -
"So how's my cook?" Tyron asked.
"Masarap po, Tito." si Rain ang sumagot na tuwang tuwa sa niluto nitong bacon and ham.
"It's just a fried. Nothing special," komento naman ni Moon habang naka ismid.
"Moon." saway ko sa anak.
"Sorry po." Moon said.
Sabado ngayon kaya walang pasok ang mga bata. Naka sanayan na rin ng mga itong magising ng maaga.
Rain sips on his chocolate milk before facing his mother "Mama, family day na po sa Monday."
Napalunok si Dayam sa uri ng tingin sa kanya ng anak. Wala siyang makapang salita upang sagutin ito.
"Anak, alam --"
"Yeah, Ma. Sorry po. Why did I mention it anyway," malungkot na saad ni Rain.
Huminga ako ng malalim "Rain."
BINABASA MO ANG
TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our Diamond
De TodoWARNiNG ⚠️ WARNiNG ⚠️ Read at your own risk 'cause it's a POLY story.