3

364 6 0
                                        

"Alyaaaa! Crush mo ohhh!" Sigaw na bulong saakin ni gyle at tinuro kung nasaan ang crush ko,

HALA BAT NASA HARAP SIYA NG CLASSROOM NAMIN?!

Lumapit naman sakanya ang classroom president namin, ngunit di ko na narinig ang pinaguusapan nila

"Gyle may naghahanap sayo" ah so si gyle pala hinahanap niya, nagtatakang tumayo naman si gyle at nilapitan siya, may pinaguusapan muna sila at may binigay si Liam sa kay Gyle, pagkatapos niya ibigay ito ay bumalik naman agad si Gyle sa tabi ko

"Siya pala inutusan ng pinsan ko na ihatid tong lunch ko" sabi niya at nilagay na sa bag niya ang lunchbox

"Sanaol" na sabi ko nalang

"Oh shvt up di naman siya ang crush ko!" Sabi niya, agad naman ako natawa dahil dun,

"Good morning class" bati ng teacher namin, agad naman kaming tumayo lahat

"Goodmorning Ma'am Castro, Welcome to grade 7 Charity!, Mabuhay!" Sabay sabay naming ani, Ma'am Castro is our adviser at pag friday siya ang first sub namin for our homeroom guidance, and because today is friday, kaya siya ang first sub namin

"You may now take your seat" pagkasabi niya nun ay agad naman kami umupo

"So may I know who's the Muse and Escort for this section?" Tanong niya, agad naman lumapit sakanya ang president namin at pinakita ang notebook nito, nandoon siguro sa notebook niya ang list ng mga officers

"Okay come here infront Alyana Louisse Bautista and Aldrin Isaac Montefalcon" did I mention that I was the muse of our classroom?, Labag sa kalooban ko ang position na to pero dahil demonyita tong si Gyle inelect ako at di ko din gets kung bakit ako ang vinote ng mga kaklase ko, agad naman kami tumayo ni aldrin may mga kinikilig naman dahil bagay raw kami, were not even that close, we talk but not much, casual lang kami sa isa't isa

"Both of you will represent our classroom for this coming Career Guidance" sabi ni Ma'am Castro, naghiyawan naman ang mga kaklase ko habang ako napa iling nalang, Its like I have a choice?

"Anong gusto niyong suotin?" Tanong ni maam

"Ma'am how about we'll let them wear a Pilot and a Flight attendant outfit!" Sigaw ni Angel, ang Secretary namin, agad naman sumang ayon ang iba kong kaklase sa suggestion na ibinigay nito

"Okay lang ba sainyo? Aldrin and Alyana?" Tanong ni maam saamin,

"Yes Maam" sabay naming ani dalawa

"Okay good, pagkatapos ng meeting namin mga teachers punta agad kayo sa gym para mag ensayo" sabi ni maam tumango naman ako ganun din si aldrin

"Sama ako sayo mamaya baka may pogi kayong kasama hehehe" agad na sabi ni gyle nung naka upo naako

" Kaya ba ako inelect mo na maging muse para jan?" Tanong ko sakanya na ikinatawa naman niya

"Well isa rin yan, pero maganda ka naman talaga ah! Smart pa" sabi niya na agad ko namang tinanggi

" Humble mo talaga sis" sabi niya, napailing nalang ako at nakinig na lang ulit kami sa kay maam Castro








Tapos na ang aming homeroom guidance at di na pumasok ang next sub namin kasi may meeting nga mga teachers na gaganapin sa gym, bali half day kami, di naman maka uwi agad ang mga kaklase ko kahit maaga ang uwian kasi napaka arte ba naman ng mga guard, habang kani naman ni Aldrin ay hindi pinauwi kasi pagkatapos raw ng meeting ay mag eensayo na kami agad, next week na kasi ang career guidance kaya minadali nila,

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now