HE ACCEPTED MY FRIEND REQUEST!
Di ko namalayan na napatili ako kaya agad napalingon saakin si mama habang si papa ay nakita kong tinitigan niya ako gamit ang rearview mirror ng sasakyan
"Ayy hehehe sorry" na sabi ko nalang at agad na nagpatuloy si papa mag drive, nung makarating na kami sa bahay ay agad kinuha ng katulong namin ang bag ko,
"Thank you manang" sabi ko at pinagpatuloy ang paglakad papunta sa kwarto ko
"Sweetie may business trip kami bukas, okay lang ba na maiwan ka muna?" Parang di naman ako sanay sa pag iwan niyo
"Yes ma!" Sigaw ko pabalik at agad nahiga sa kama ko, mamaya naako magbibihis stalk ko muna si kwassy hehehe agad ko binuksan ang phone ko at chineck ang mga posts niya sa facebook, ohh so only son lang pala siya, he's also a year older than me, zodiac sign is Gemini, birthday is May 26, his dad is the American one while his mom is the filipina,
[Bruha okay kana?!] I can literally hear her, napaka powerful naman netong si Gyle, chinat niya ako bigla kaya muntik ko na mabitawan phone ko sa gulat! Bruhang toh!, I checked the time and currently its our math time now, tapos siya nagchachat pa saakin pag toh nakita ni sir
[Yeah, stop chatting me baka makita ka ni sir, I will call you later] I chatted back, di na siya nag reply after nun, namili naako ng susuotin ko at agad na nagtungo sa C.R, andami kong memories sa C.R nato, naramdaman ko naman na tumulo yung mga luha ko na kanina pa gusto kumawala, agad ko naman ito pinunasan at tinignan ang sarili ko sa salamin
"You should be grateful of what you have, and have more courage Alyana, you only have yourself so you should be strong" sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pag hahalf bath, nung matapos naako mag half bath ay sinuot ko na yung favorite barbie pajamas ko and yes nagsuot naako ng pajamas ket 1pm pa! Bakit ba di din naman ako gagala ehh, nasabi ko na ba na yung room ko is pinaghalong white at pink? Wala pa? Okay ngayon alam niyo na hahaha, I'm really a fan of barbie and pink is my favorite color!,
Nung matapos naako sa routine ko humiga naako ulit at nag browse sa socmed ko, I'm not that famous but because of my parents job, madami naakong mutuals lalo na sa fashion industry, it's my mom's specialty at parang nagugustuhan ko na rin, she always spoils me with limited edition bags, shoes, make ups and more, tapos yung mga shirts ko is kung hindi galing sa Chanel is sa Gucci or Celine, or di kaya sa product ni mama, so yun scroll lang ako ng scroll sa insta ko, nung nagsawa naako sa insta ko sa Facebook ko na naman, madami ang ng ddm saakin na hindi ko naman kilala at wala akong balak kilalanin,
[Bruha uwian na namin, punta ako sainyo, kasama ko si ashton] gyle chatted, napatagal ata pag browse ko sa socmed at di ko na namalayan ang time, alam na niya kung nasaan bahay namin, tho nagtataka ako kung bakit sasama si ashton, pero di ko nalang tinanong
[Okay, I will tell our guard nalang na you will go] I replied
[Conyo mo sipain kita eh!] reply niya saakin kaya napatawa nalang ako
[Whatevs, ingat kayo] last na chat ko at bumaba nalang para hintayin sila, it's currently 3:10 pm and Im sure wala na sila mama at papa sa bahay dahil may meeting ang dalawang yun, kinancel lang talaga nila ang afternoon meeting nung malaman nila ang sitwasyon ko sa school
"Manang lita pwede po ba mag prepare kayo ng sandwich at juice, and please make it for three people, thank you!" Sabi ko sa kay manang lita, yung pinaka matanda naming katulong dito na parang naging nanay ko na din
"Sige iha" sagot niya at tumungo na sa kitchen namin, ako naman ay dito muna umupo sa couch at binuksan ang TV para manood ng barbie sa Netflix, ang pinapanood ko ay Barbie in a mermaid tale, one of my fave barbie movie!

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
Teen Fiction"Happy Crush" "Puppy Love" "First Love" "Love" They keep on saying that there is no such thing as "True Love" when you're in elementary and highschool, but why does the pain feels the same?, why do we feel pain even though its just a Happy Crush or...