"Bruha kaaa! Namiss kitaaa!" Tili ni gyle nung nagkita na kami, 7:00 am palang at 7:30 pa start ng class namin kaya dito muna ako sa room nila tumambay, tutal malapit lang nama ang room namin sa isat isa, room 4 kami ni ashton at room 2 naman sila gyle at aldrin, isang room lang ang pagitan,
"I miss you too goat" sabi ko at dahil don naka tanggap agad ako ng batok sakanya, hahaha ayaw niya kasing tinatawag ko siya niyan, yan ang ginawa kong nickname sakanya, bakit nga ba 'goat' ang nickname niya? Simple kasi kasing ingay niya yung kambing, though naliligo yan araw araw ahh, wag kayong judger,
"T*ngina neto, binabawi ko na, di na kita miss!" Sabi niya na agad ko naman ikinatawa, I hugged her tightly
"I miss you too yam" sabi ko sakanya
"Para kayong mag jowa ah" komento ng kakarating na aldrin
"Wow himala di ka late" sabi ni gyle sakanya at bumitaw na kami saaming yakapan session, nilagay muna ni aldrin yung bag niya sa upuan niya at agad siya lumapit saakin at ginulo ang buhok ko
"Inamo aldrin!" Hiyaw ko at pinalo siya sa braso
"I miss you too alya" sabi niya saakin habang tumatawa, at nabigla ako sa ginawa niya kasi niyakap niya ako, naka tayo lang kasi ako kaya madali lang sakanya ang yakapin ako, ayokong umupo baka pagalitan ako ng adviser nila gyle
"Sanaol" narinig kong ani nung isa nilang kaklase, binalewala ko nalang, friendly hug lang naman yun, masyado lang talaga silang issue
"Kamusta?" Tanong niya saakin nung bumitaw na siya sa pagkaka yakap
"Okay lang, napagod dahil sa kompanya" sagot ko sa tanong niya, at doon na pinagkwento ako ni gyle, at tinanong ko din naman siya kung kamusta yung audition niya, sabi niya na sa susunod na sabado pa raw ang results kung natanggap ba siya sa grupo o hindi,
"By the way yam, did you know na naghiwalay na yung crush mo at ng jowa niya?" Mahinang ani ni gyle, nagtaka naman ako sa nakalap na information,
"Ha? Bakit daw?" Tanong ko sakanya, si aldrin naman ay nag cecellphone lang at sure ako na nakikinig ito sa pinaguusapan namin,
"Nag cheat raw kasi si girl!" Bulong niya pabalik, wow naman sa pogi at talino ni Liam nagawa niya pang mag cheat?!, Pero bat nakadama ako ng saya?, Alam ko naman na di niya ako papatulan eh, pero bat sumaya ang buong sistema ko?,
"May chance kana!" Tili naman ni gyle, agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya,
Bago paako maka sagot sa sinabi niya ay nag ring na ang bell,
"Una naako sainyo" paalam ko sakanila and before I leave hinawakan ni aldrin ang pulupulsuhan ko, kaya napalingon agad ako sakanya,
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sakanya, lumapit naman siya saakin at may binulong
"Don't get hurt" bulong niya saakin bago ako bitawan at nagtungo siya sa upuan niya
Nakabalik naako sa room namin at wala parin si Ma'am, kaya nag cellphone nalang muna ako at tinignan ang mga posts ni crush, at oo nga hiwalay na talaga sila, nakita ko yung mga tag memes ng mga kaibigan niya na binibiro siya,
"Goodmorning class" bati saamin ni ma'am Villanueva, siya pala ang bagong adviser namin for this school year, tumayo kami lahat at binati siya, pagkatapos ng pagbati namin ay pinaupo niya kami agad
"So I have an announcement, since malapit na ang Mr. And Ms. ICNHS, sino ang gusto sainyo maging representative?" Tanong ni maam saamin, ang piniling class officer kasi ay hanggang treasurer lang, kaya walang muse at escort, pagkasabi ni maam nun ay napatingin naman sila agad lahat saakin, WTF?!,
"Si Alyana nalang maam, tutal naka experience na siya sa stage nung grade 7 pa kami" sarap murahin ni ashton! Siya ba naman ang nag suggest
"What do you think Ms. Bautista?" Tanong niya saakin
"Sige na alya!"
"Alya go naaa!"
"Kaya nga alya pumayag kana!"
"Ikaw nalang pag asa namin alyaa!"
Sabi ng mga kaklase ko yan, halatanag pinipilit nila ako
"Sure ma'am, it's not like I have a choice" sabi ko pero hininaan ko ang boses ko, at yung sure maam lang nilakasan kong pagkasabi, naghiyawan naman ang mga kaklase ko, ano ba naman yaaan T.T
"Sa lalaki sino pwede?" Tanong ni ma'am Villanueva saamin, agad naman akong nakaisip ng kalokohan
"Maam what if si Mr. Fortalejo nalang po?, I can help naman po sa practice" Suggest ko at ningitian ko si Ashton
"Pwede rin, is it okay with you Mr. Fortalejo?" Tanong ni maam sakanya at agad naman nag uunahan ang mga kaklase kong pilitin siya kaya nagpipigil nalang ako ng tawa, serves you right biach!
"Inamo alya!" Bungad niya saakin nung inanunsyo na ang recess namin
"Ikaw kaya nauna tonton, sumabay lang ako" pang aasar ko sakanya, agad naman niya ako inakbayan at sinadya niya talaga na bigatan ito,
"Tigilan moko Ashton Oliver!" Sigaw ko sakanya
"Ayoko, Alyana Louisse" sagot naman niya saakin at ginulo pa ang buhok ko, bagay sila pag untugin ni aldrin! Ano ba problema nila sa buhok ko?!, I pinched his arms really hard kaya agad niya ako nabitawan, nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa room nila gyle, nakita ko na nasa labas si Aldrin ay agad ako nagtago sa likod niya
"Anyare?" Tanong niya saakin
"Hinahabol ako ni tonton!" Sumbong ko at nung nakarating na si Asthon ay ginawa kong harang si aldrin dahil pilit niya parin akong hinahawakan
"Hoiii mga bata mag si tigil nga kayo!" Sabi ni gyle saamin kaya napatigil naman si ashton at siya na naman ngayon ang inaasar, habang ako tawa lang ng tawa, hinawakan ko si aldrin sa braso at hinila na siya papunta sa canteen habang nasa likod sila gyle at ashton nag aasaran, pag sila nagkatuluyan aasarin ko talaga sila hahahaha
"Ngiti ngiti mo jan?" Tanong ni aldrin saakin
"Wala trip ko lang, by the way anong ibig sabihin nung sinabi mo kanina?" Tanong ko sakanya, ayoko mag overthink kaya tatanungin ko na siya agad
"I already saw you crying, kaya ayoko masaktan ka" sabi niya at agad na tinignan ako, napatingin din ako sakanya, agad ko naman siya ningitian sabay palo sa mga braso niya
"Thank you for caring aldrin!" Na sabi ko nalang at nagpatuloy kami sa paglalakad
Nakarating na kami sa canteen at nakita ko si agad si Liam na naging sanhi ng pag ngiti ko, kinikilig na naman ako!, Tadhana nga naman pinagtagpo kami agad, kakabalik ko palang ihh!
"Hoi gag@ wag kang masyado halata!" Pasigaw na bulong saakin ni gyle, kaya naputol ang pag tingin ko sa kay liam
"Landi mo talaga!" Tawa ni gyle kaya natawa nalang din ako, yung dalawang lalaki ang bumili ng snacks namin kasi mahaba ang line ehh, at tinatamad kami ni gyle, nandito lang kami sa labas ng canteen dahil may upuan dito, kaya doon muna kami tumambay habang hinihintay ang mga boys
"So hula ko ikaw ang napili na maging representative sa section niyo noh?" Tanong ni gyle saakin, I'm sure she's talking about the pageant, kaya napa hinga nalang ako ng malalim
"Sabi ko na nga ba!" Tawa niya
"Pero si tonton ang napili sa lalaki" natatawa kong sabi sakanya na agad naman niyang ikinatawa ng malakas
"Deserveeee!" Sabi niya at nagtawanan kami
Gosh I missed my friends!
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
Teen Fiction"Happy Crush" "Puppy Love" "First Love" "Love" They keep on saying that there is no such thing as "True Love" when you're in elementary and highschool, but why does the pain feels the same?, why do we feel pain even though its just a Happy Crush or...