"Yam okay lang naman na makaramdam ako ng kaba diba?" Tanong ko kay gyle habang siya naman ay nasa kiliran ko at hinahawakan ang mini fan ko,
"Normal lang yan yam, basta pag nasa stage kana focus ka lang sa prinactice niyo!" Sagot niya sa tanong ko, mini make-upan na kasi ako ngayon, hinahanda na kami for the introductory ramp and dance, suot suot ko na nga yung T-shirt namin na binigay nila, color yellow ito since yun ang color ng grade level namin, at may nakalagay sa front ng shirt na *Mr. & Ms. ICNHS* tas sa likuran ang nakalagay ay *Yellow Tigers*, fit na fit siya sa katawan ko kaya makikita mo talaga kung gaano ka liit ang bewang at mga braso ko, inipit pa ito ng stylist ko sa bra na suot suot ko kaya nagmumukha na siyang crop top, tapos ang ginawa naman nila sa hair ko ay half pony tail, and they curled the ends of my hair, may dinagdag pa silang hair extensions para makapal tignan ang buhok ko, ang kulay naman sa contact lense ko ay kulay grey kaya yung eye shadow na ginamit nila saakin ay bagay na bagay sa kulay ng contact lense ko.
"Inhale, exhale, inhale exhale" yan ang pa ulit ulit na sinasabi ni ma'am Villanueva at ni ma'am Falguerra saamin ni aldrin, hinawakan naman ni aldrin ang mga kamay ko, napaghalataan ata niya na kinakabahan ako
"Kumalma ka alya" bulong niya saakin agad naman akong tumango sa sinabi niya,
"Let's all welcome the Mr. And Ms. ICNHS!!" Pagkasabi nung emcee ay na unang lumabas ang grade 7 level, and after 3 seconds ay kami na naman, nung tuluyan na kaming naka labas ni aldrin ay todo hiyawan naman ang grade level namin, rumampa ako at pumunta kung saan ang position ko, yun na kasi ang introductory ramp namin, at susunod naman etong sayaw, ang kanta pa nga ay "Amakabogera" by Maymay Entrata, nung natapos na ang lahat ng grade level lumabas ay nagsimula na kaming sumayaw, mabuti nalang talaga sanay naako sa heels, kasi kung hindi kanina paako natapilok, it's so hard to balance yourself especially when you are dancing, at laking pasalamat ko kay gyle dahil tinuruan niya akong sumayaw kaya di masyado stiff ang movements ko,
Nung matapos na kami sumayaw ay bumalik agad kami sa backstage, nag perform pa ng sayaw ang SPA track kaya may oras pa kaming mag bihis, magpapalit kasi kami ng cocktail dress namin for the introduction na talaga, ang kulay ng dress naming lahat ay puti since gods and goddesses nga diba yung theme, ang dress ko ay off shoulder siya knee length, di siya fitted bali para siyang skirt na style, inayos lang nila ng konti ang make up ko tapos nilagyan nila ng yellow na bulaklak ang right wrist ko at ready naako for introduction,
"Next the Yellow Tigers representative!!" Pag tawag saamin ni aldrin, nasa kabilang side si aldrin para mag tagpo kami sa center, nung nagtagpo na kami ay hinawakan niya ako sa bewang ko at nag pose kaming dalawa, pagkatapos ay pumunta na kami sa microphone, dalawa ito, para sa boys yung isa at yung isa ay saamin, sa practice namin ay mauuna akong mag introduce tapos siya, then sabay kaming sisigaw ng 'Grade 8 Yellow Tigers'
"A pleasant evening to everyone! I am Alyanna Louisse Bautista, 15 years old, from Yellow Tigers!, and I do believe that beauty depends on the eye of the beholder, and I thank you!" Pagpakilala ko, ako ang kinakabahan para kay aldrin!
"Good evening to everyone!, I am Aldrin Gian Montefalcon, 15 years old, from Yellow Tigers!, and I believe that Crowns are not made of rhinestones, they are made of discipline, determination and courage, and I thank you!" Wow naman aldrin di ko inexpect yun!
"And we are the Grade 8 Yellow Tigers!!" Sabay naming sigaw bago kami nag ramp ulit at umalis na sa entablado
"ANG GALING NIYO!!!" tili ni gyle habang hinahanda na nila ma'am Villanueva at ma'am Falguerra ang susuotin namin for Sports Attire, after neto ay talent portion na namin,
Suot suot ko na yung binili namin ni aldrin for the sports attire, yung hair ko ay same parin sa hair ko kanina, babaguhin lang ata eto pag evening gown na, hindi ko na kasama si aldrin, nandoon na siya sa ibang entrance kung nasaan ang ibang boys,
"Grade 8 Yellow Tigers!!" Tawag saamin nung emcee, kaya nagtagpo ulit kami ni aldrin, nag pose siya habang ako ay hinawakan siya sa shoulders niya, at pinatong ko yung golf club sa shouders ko at pumorma din, after nun ay pumunta kaming dalawa sa center at nag pose ulit nasa likod ko siya tinitignan ako habang ako ay nagkukunwaring may pinapalo na bola, tapos sunod ay ako na naman ang naka tingin sakanya ang he did the same as I did, pagkatapos nun kinuha namin aming mga golf cap at tinapon ito kung saan ang mga audience, rinig naman namin ang mga hiyawan nila, at sinisigaw ang number namin, ewan ko kung anong grade level nung naka kuha, basta sakanila na yun, pagkatapos nun ay nag exit na kami,
[Playing "Ang Wakas" by Arthur Miguel ft. Trisha Macapagal]
"Mahirap bang ipilit ang lumaban 'pag hindi na kaya?Saan na kukuha ng lakas?
Ibuhos man lahat-lahat, wala pa rin itong pag-asa
Kung mag-isa kang lalaban
Sa pagtakbo ng oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas" pagsisimula ni aldrin sa kanta, talent portion na at kami ang naunang mag perform, kasi bubunot raw sila kung sino ang unang mag peperform tas yun kami ang nauna!, Simple lang ang suot namin, naka dress ako na color yellow, habang si aldrin ay naka polo na color yellow din at naka maong, nakaupo siya at nag giguitara, ako rin ay nakaupo, he knows how to play guitar kaya yun nalang ang ginawa namin para mas maganda,"Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?" Pagpapatuloy niya sa kanta, sa pag kanta niyang nun ay naka tingin siya saakin, naririnig ko naman ang mga hiyawan ng mga nanonood, pero part naman ito ng practice namin eh, kinakabahan naako kasi ako na ang kakanta, pero nakita ko sa mga mata ni aldrin na he is cheering for me kaya ngumiti ako sakanya at,"Kapag damdamin na'ng nagsalita
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito kahit ayaw
Wala na ngang natitira, lahat-lahat, naglaho na
Konting pilit pa'y masusugatan, bumitaw ka na
Sa pagtakbo ng ang oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas"
Pag kanta ko, narinig ko naman na humihiyaw ang mga nanonood, kaya ang laki ng ngiti ko,"Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?"
Sabay naming kanta, tumigil siya sa pag guitara at tumayo siya ganun din ako, pumunta kami sa center habang naka hawak ang mga kamay at patuloy sa pag kanta.Nung matapos na kaming kumanta ay bigla niya lang akong niyakap, kaya niyakap ko nalang din siya pabalik, todo sigaw naman ang nanonood saamin, nung bumitaw na siya sa pagkakayakap ay ningitian niya ako, ganun din ang ginawa ko sakanya......
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
Teen Fiction"Happy Crush" "Puppy Love" "First Love" "Love" They keep on saying that there is no such thing as "True Love" when you're in elementary and highschool, but why does the pain feels the same?, why do we feel pain even though its just a Happy Crush or...