Today is monday and I can't wait na pumasok na sa school kasi sasabihan ko si gyle about sa pagpunta namin sa Korea,
"Kuya drakeeee!" Tili ko nung makita ko siyang hinihintay ako sa may sala, nagmamadali naman akong pumunta sa kinaroroonan niya at niyakap
"Bat ngayon ka lang kuya?" Tanong ko sakanya habang nakayakap
"Sorry nabusy lang princess, hayaan mo sasama ako sainyo nila tito pa korea next month" sabi niya bago ako halikan sa noo
"Really?! Sasama din po ba si Kuya Duke? " Tanong ko ulit, kuya Duke is kuya drake's younger brother, hindi kami same age kasi ako 14 si kuya duke 19 habang si kuya drake ay 21 na, college na si kuya Drake and kuya duke, both of them are currently learning at Ateneo,
"Hindi princess ehh, alam mo naman busy yun sa mga bb girls niya" tawa ni kuya drake at bumitaw na sa yakap
"Tara hatid na kita, tapos kanang mag breakfast di ba?" Tanong niya saakin at tumango naman ako agad
"Good, lets go" sabi niya at kinuha na ang bag ko,
"What if kuya Drake punta tayo sa Ateneo! Lets surprise kuya Duke" sabi ko habang nasa biyahe kami
"Kailan naman yan?" Tanong niya saakin
"Kung kailan hindi kana busy?" Patanong kong ani sakanya
"Babalik naako sa Manila this coming Friday, ano gusto mo sumama saakin?" Tanong niya saakin
"I will check my sched first kuya, kasi di pa sure kung kailan ba talaga yung career guidance na yan, ako pa naman ang napiling representative" sabi ko sakanya
"Really? That's good, bata ka palang gusto na ni Tita na pinapasali ka sa mga ganyan" sabi naman niya saakin
"Yes, mama is very supportive naman sa mga decisions ko, and I realized that I would also like to try pageants" sabi ko sa kay kuya drake
"Sabihan mo ako kung kailan yan ahh, manonood ako" ani niya
"Kuya, after flag ceremony yan magaganap, so Im sure maaga yan" sabi ko sakanya
"Princess, maaga nga ako ngayon para ma hatid ka, yan pa kaya" sabi niya at ginulo ang buhok ko
"Mag drive ka na nga lang jan!" Sabi ko sakanya at pinagpatuloy ang pag cecellphone ko
Nasa school naako at naka alis na si kuya Drake dahil may ibang lakad pa raw siya
"Gyle!!!" Tili ko nung makita ko na si gyle
"Kay aga aga alya, tumitili kana! Ano nag chat ang crush mo sayo????" Tanong niya
"Hindi naman pero sana totoo hehehe, by the waaaay! Sabi ni mama at papa sumama ka raw saamin papuntang korea! Dalawang araw lang naman daw tayo roon" sabi ko sakanya, pero hinanaan ko ang boses ko
"Hoi!! Hala, baka di papayag si mama, at tsaka wala akong pera, wala rin akong passport!" Sabi niya at parang mababaliw na siya kaya natawa nalang ako
"Gaga ka hahaha fyi we will use our private plane and about tita, ako na magpapaalam! Pupunta ako sainyo mamaya hehehe" excited kong ani
"And don't worry, si mama at papa nag offer na isama ka afterall you are their favorite friend of mine" dagdag ko pa at inakbayan siya
Natapos na ang class namin for this morning at pinatawag na kaming lahat na representative may meeting raw kasi, kasabay ko ngayon ang adviser namin at ang representative ng love at ang adviser nila, nung naka pasok na kami kung saan sila mag memeeting ay nakita ko siya!, Yung crush koooo!, Siya pala ang napili maging representative ng grade 8, Oh myyy, alya pigilan mo kilig mooooo!
"We will be discussing kung ano ang ipapasuot sainyo sa meeting" sabi ni maam castro saamin pero mahina lang ang boses niya
Nasa English Department kami ngayon dito raw kasi magaganap ang meeting, tahimik lang ako at hinayaan silang mag decide, habang pa sulyap sulyap lang ako kay crush hehehe, pansin ko naman na kanina pa tong naka tingin si Mark saakin, I can sense it kaya,
"May kailangan ka?" Tanong ko sakanya pero mahina lang ang pagka banggit ko, kasi baka ma distorbo sina maam
"Wala" ani nito at umiwas sa mga titig ko, kaya napa irap nalang ako
"Its settled then, Grade 7 representative will do the Doctor and Nurse outfit, Grade 8 will do the Teacher outfit, Grade 9 will do the Engineer and Architect outfit, Grade 10 will do the Policeman and woman outfit, Grade 11 will do the Soldier outfit, and Lastly, Grade 12 will do the Pilot and Flight attendant outfit" sabi nung department head, na agad naman sumang ayon ang mga advisers each class, sayang Flight attendant pa naman ang gusto ko, pero whatever maganda parin naman ang Nurse
"Advisers kayo na ang bahala sa representative niyo, meeting is over" sabi nung department head at umalis na agad kami
"May practice pa kayo mamaya, don't worry ngayon at sa Tuesday nalang ang practice niyo, since sa Wednesday na magaganap ang career guidance" wait what?! Ang bilis naman
"Eh yung susuotin namin maam?" Tanong ni Mark sakanila
"How about I will provide the outfit maam?" Offer ko, para naman same design talaga kami ni Mark
"Sige babayaran ka nalang namin" sabi nung adviser ni Mark
"No need na po maam, para din naman po toh saakin at sa whole grade 7" sabi ko at ngumiti sakanila
"Salamat iha" sabi nung adviser ng section Love, at nagpaalam na sila saamin ni maam Castro
"Kamusta ang meeting?" Tanong ni gyle saakin
"Nurse at Doctor ang outfit namin ni Mark" sabi ko sakanya
"Ayyy akala ko Pilot at Flight attendant ang susuotin niyo?" Tanong niya saakin
"Sayang nga ehhh, peroooo I'm still happy today kasii si crush ang representative ng Grade 8 at nakita ko siya kanina!!" Tili ko at hinampas hampas ko pa mga braso niya
"Aray haaa! Sasakalin talaga kita" sabi niya saakin at natawa naman ako
"At oo nga pala sa Wednesday na gaganapin yung Career guidance, mamayang hapon may practice na naman" sabi ko at huminga ng malalim
"Sama ako sa practice, after class yan diba?" Tanong niya at tumango naman ako, nilabas ko na yung lunch box ko kasi 30 minutes nalang time na, mabilisang kain na toh!, Habang kumakain ako ay nililinisan na nila ang room, kaya di ko nalang muna tatapusin ang pagkain ko kasi baka madumihan ito, habang hinihintay kong matapos sila maglinis ay hinila ako ni Aldrin, at kinuha niya ang lunch ko
"Bakit?" Tanong ko sakanya
"Dito ka kumain sa cubicle ni maam, nakapag paalam na ako sakanya" sabi niya at nilagay ang lunch box ko sa table ni maam
"Hala thank you" sabi ko at ningitian siya, ganun din ang ginawa niya saakin bago umalis, nung natapos naakong kumain ay tsaka naman dumating si maam
"Ikaw pala ang kakain akala ko si Aldrin, nagpaalam kasi siya saakin" sabi ni maam, kaya nilinisan ko yung table niya at nagpasalamat sakanya bago umalis, nakakahiya kaya
The class is finally over at papunta na kami ni gyle, ashton at aldrin sa gym, oo sinamahan nila akong tatlo, ewan ko ba bat sumama pa tong dalawang lalaki
"Hi alya" bati saakin ni mark nung tuluyan naakong nakarating sa gym
"Hi mark" bati ko din sakanya, kinuha naman ni aldrin ang bag ko, siya na raw magdadala, apaka gentleman naman sanaol, habang hinihintay namin ang ibang representative nakita ko si crush, agad naman ako lumapit kay gyle at sakanya ko binuhos ang kilig ko
"Apaka landi talaga nito!" Bulong niya pabalik saakin, habang sina aldrin at ashton ay may sariling mga mundo
"Okay lets start" sabi nung bakla kaya nagmamadali akong lumapit kaso na tapilok ako and I lost my balance mabuti nalang at may sumalo saakin
"Careful" ani niya at pagkita ko kung sino
OH MY GOSHHH!!! SI CRUSH ANG SUMALO SAAKIN!!!

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
Teen Fiction"Happy Crush" "Puppy Love" "First Love" "Love" They keep on saying that there is no such thing as "True Love" when you're in elementary and highschool, but why does the pain feels the same?, why do we feel pain even though its just a Happy Crush or...