Kabanata 4

80 2 0
                                    

"So, How's basketball Charles? Nanalo ba kayo ni Harvey?" Singit ni Zaira habang kumakain kami. Kahit na ako, nabibingi na sa sobrang tahimik.

"Yes, nanalo kami." Simpleng sabi ni Charles at kinain ang pasta na kumalabit sa tinidor.

I caught Harvey's eyes staring at me. Muntik na akong mabilaukan! Uminom agad ako ng tubig, mabuti at walang nakapansin, maliban sa kanya na natatawang umiiling.

"So, what brings you here?" Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Well obvious naman na ako, tanga na lang siya kung tatanungin niya si Zaira malamang bahay niya to.

"Gagawa kami ng project." I said.

Narinig ko ang hagikhik ni Zaira sa gilid. Anong nakakatawa?

"Anong project?" Harvey asked.

I gritted my teeth. "Basta Project, Bakit ka ba nagtatanong?" Iritado kong sabi sa kaniya.

"Maybe i can help?" He said with annoying tone.

"Hindi na, kaya na namin to."

Tumawa si Zaira. "Hey! Bakit ba ang ang init ng ulo mo Sab? Gusto lang naman tumulong ni Harvey eh."

Napalingon ako kay Charles na tahimik sa gilid, para bang hangin lang siya dito. I saw him watching me. Umiwas agad siya ng tingin at binalik ang tingin sa pagkain.

Tumayo ako. "Bilisan mo ng kumain Zaira. Kailangan nating matapos 'to ng maaga at para makauwi na ako agad." Tugon ko at agad na umalis para kunin ang gamit ko sa bakuran nila Zaira. Doon namin gagawin ang proyekto kaya doon ko na rin nilagay.

Nasa gitna ako ng pagkuha ng mga materyales ng biglang may umubo sa likod ko.

"Uhumm..sorry" si Harvey na mukhang monggoloid.

"Nakakaistorbo ba ako?" Dagdag niya ng hindi ko siya pinansin.

Well obviously nakakaistorbo. Bakit ba siya nagtatanong? Kita niya na nga na nakakaistorbo siya, ano bang mga gamot ang pinangiinom ng nanay niya ng pinagbuntis ito?

Napabuntong hininga ako at hinarap siya. "Hindi Harvey, hindi ka nakakaistorbo."

He smirked. "So, pwede ba kitang tulungan?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Kaya na namin to Zaira, kaya nga kami pinagrupo diba? Sabay kaming gagawa."

Nagkagat labi siya. Nag iwas ako ng tingin.

"Paano kung sasabihin ni Zaira na may gagawin siya?" Nagtaas siya ng kilay.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Pakulo mo ba to Harvey?"

Hindi siya nag salita. Tumatango-tango habang nakangiti.

Baliw ata to.

Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob. Diretso akong pumunta sa kusina kung saan nakita kong naghuhugas si Zaira habang si charles ay nakasandal sa gilid ng ref.

"Zaira!" Tawag ko.

Agad siyang tumigil sa paghuhugas at hinarap ako. "Oh bakit?" Sabi niya habang nagpupunas ng kamay.

"Akala ko ba sabay nating gagawin tong project?"

"Sabay nga. Bakit? Anong problema?"

Tinignan ko siya ng masama. "Di mo ba ako tutulungan?"

Ngumisi siya. "Ano bang problema? Tutulungan nga kita paulit-ulit ka Sabby."

"Oh eh ano pang ginagawa mo? Naghihintay na mga materyales natin doon oh?" Sabay turo ko sa labas kung nasaan yung mga gamit.

Hills Witnesses The Lies (Alcazar Series 1)Where stories live. Discover now