"Sabrina!" Tawag ng babaeng naglalakad patungo sakin.
Nanatiling nakayuko ang ulo ko habang nasa swing.
"Harina!"
"Inasar ka na't lahat di mo pa rin ako nililingon? Umuulan oh? Gusto mo bang maging apoy?"
Di ko siya sinagot. Wala naman akong pakialam kahit umuulan. Hindi naman malakas eh mga katamtaman lang siguro.
"Tinatawag na tayo ni teacher, Sabrina Tara na! Tapos na ang recess time ano pa bang ginagawa mo dito?"
Napabuntong hininga ako at tumayo inakbayan ko tong babaeng kasama ko apakadaldal. "Sa susunod na pagsabihan mo ko ikalma mo naman yang sarili mo parang lalabas mga ugat mo sa leeg eh!"
Tumawa siya at sabay na kaming pumasok sa classroom. 4 pm na, atat na akong umuwi. Wala naman akong gagawin sa bahay pero bakit ba gusto kong umuwi?
Panay hatak ni Zairalyn ng buhok ko sa likod habang nag didiscuss si teacher Danica. Naririnig ko ang mga hagitgit niya sa likod na "Nakakabwisit naman to oh! 4 pm na pasado di pa nag bebell?"
Gusto kong lingunin tong bakulaw na to pero dahil nasa harap ako at nasa likod siya talagang matapunan pa ako ng chalk.
Di kalaunan nag bell na. Atat naman akong umuwi pero yung sundo ko wala pa. Oo! Sinusundo pa ako.
"Oh Xia! Wala pa din sundo mo?" Sigaw ni Zaira sa tabi ko.
Lumapit si Xia samin. "Oo. Kayo? Wala din?"
"Ovious naman ah! Yung mga crush natin sa kabilang section ang tagal lumabas grr!"
Sabay naming nilingon ni Xia si Zaira na nakatitig don sa ika-lawang palapag ng classroom ng College. Ay wala talaga akong crush don sa kanila. Wala.
Sinabunutan ni Xia si Zaira. Ngumisi ako. "Hoy Zaira! Kung gusto mo mag confess kay Nathan wag mo kaming idamay!"
"Aba! Bakit ako? Kasalanan ko bang barkada niya rin mga crush niyo?" Kiniliti ni Zaira si Xia. "Yiiee!! Gusto mo ako na rin mag confess kay Gio para sayo?" Tinarayan siya ni Xia.
Ngayon na sa akin na ang attensyon niya. " Syempre at sayo din Sabrina! Tutulungan kita kay Harvey!"
Umiling ako. "Tss, Di ko na yun crush ang sungit." Simpleng sabi ko.
"Sus! Ego mo Sabrina! Baliw na baliw ka kaya sa kan-" Di niya naituloy ang sabihin dahil nasubson ko na mga kamay ko sa bibig niya.
"Ano ka ba Zaira! Nakalabas na sila oh!" Kita ko ang paglipat ng mga mata nila sa tatlong lalaking papalabas ng classroom.
Kinuha ko ang kamay ko sa bibig niya at inamoy. "Sabihan ko kaya si Nathan regaluhan ka ng toothbrush."
Humagalpak sa tawa si Xia. Naramdaman ko ang galit na titig ni Zaira sakin. "Gago ka!" Sigaw niya.
Bago niya pa ako sabunutan tumakbo na ako. Ramdam kong gusto niya talaga akong tirisin sa inis. Hinahabol niya ako sa likod, malawak naman yung campus kaya malabo niya akong maabot. Pero dahil mabilis akong maubusan ng hininga ay tumigil na ako sa monkey bar.
"Bwisit ka!" Halos tanggalin niya na ang buhok ko.
"Aray! Haha! Nagbibiro lang eh!" Tumigil siya pero naka gapos ang kamay niya sa tikas ng buhok ko.
"Pag ako talaga maka asar sayo iyak ka sakin!"
Tumawa ako. "Easy, di naman ako iyakin."
Sabay kaming bumaling kay Xia na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa habang papalapit samin.
Napapansin ko siya kanina habang tumatakbo ako. Tumatawa mag isa na para bang baliw sa kalye. Nakalimutan kong tignan si Gio kung ano reaction niya. Di ko naman alam kong may gusto ba tong si Gio kay Xia kaya malabong mapansin niya.
YOU ARE READING
Hills Witnesses The Lies (Alcazar Series 1)
RomanceLove sometimes need a lies to sacrifice the person you really love. Paano kung sa kabila ng kasinungalingan na maibubunyag ay may mas malalim pang nililihim? How you handle the situation that is really hard to decide which is easy to do? Did Sabrina...