Kabanata 2

60 2 0
                                    

Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko ang diretsong tingin sakin ni papa!

"Pa?"

Lumapit si papa sa akin. "Kamusta Sabrina?"

Nanatili ang tingin ko kay mama, naghahanap ng sagot, akala ko ay susunod pang taon uuwi si papa kaya nagulat ako nandito na siya sa harap ko ngayon.

Niyakap ko si papa. "Pa! Na miss po kita." Kumalas ako. "Akala ko sa susunod na taon pa po kayo uuwi?"

Tumawa si papa. "Pwede naman akong uuwi kung kailan ko gusto. Mabait naman ang amo ko doon."

"Mag bihis ka na Sabrina, kakauwi mo lang galing paaralan tapos yumakap ka pa sa papa mo." Humalakhak si mama pagkatapos niya sinabi yon.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkababa ko ay nakaupo na si papa sa dining table namin.

Umupo ako. "Pa, akala ko po ibang lalaki yung kauspa ni mama kanina."

Natawa si papa. "Bakit?"

"Naririnig ko po yung boses niyo galing sa labas. Di ko naman po nahulihan si mama na may kausap na lalaki tuwing uuwi ako kaya nagulat ako." Kinuha ko ang saging sa gilid ng mesa at binalatan.

"Mabuti naman." Tanging nasabi niya.

"Uh pa, kailan ka po uuwi?" Tanong ko sa kanya habang nagngunguya ng saging.

"Isang buwan lang ang bakasyon ko Sabrina pagkatapos ay uuwi agad ako."

Kaunti lang ang paguusap namin ni papa hanggang sa matapos kaming kumain. May part sakin na hindi komportable tuwing kausap si papa. Naninibago lang siguro ako dahil ilang taon kaming hindi nagkita, ngayon na nandito siya sa harap ko hindi ko alam kung saan ako huhugot ng istorya para makausap siya ng masinsinan.

Nasa study table ako ngayon. Gumawaga ng assignment sa English. This is all about essay. Nasa kalagitnaan na ako ng napagisipan kong mag cellphone muna. Nangangalay na din ang mga daliri ko sa kakasulat.

Nakilala ko siyang masungit kaya hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong pansinin kanina. Paano kung may nag utos lang sa kaniya? Gusto kong mag chat. Problema? Nakakahiya. Yan na naman tayo sa hiya Sabrina! Tatagan na ang loob.

Kahit isang "hi" lang. Bruh. Tinapon ko ang cellphone ko sa kama at nagpatuloy mag sulat. Ngunit hindi na ako makaka concentrate kainis! Pinulot ko ulit ang cellphone ko at nagtipa.

Ako:

Hi naka uwi ka na?

Pangit. Nagmumukha akong asawa niya. Binura ko at nagtipa ulit.

Ako:

Hello?

Hays! Ano ba naman to! Ang ikli naman kasi kapag hello lang. Okay suko na ako. Ayoko na mag chat. Right? Nakausap ko naman na siya kanina di na siguro kailangan na mag chat pa. Halos mabalikwas ako sa upuan ko ng may tumunog sa cellphone ko!

Agad kong kinuha yun at binuksan. Nanlaki ang mata ko ng nakita na nag chat si Harvey!

Harvey:

I saw you typing... What do you want to say?

Nakita niya akong nagtitipa? Ibig sabihin nag aabang siya sa chat ko? Oh god Sabrina. This men really knows how to make my heart turns to electricity. Nagtipa ako.

Ako:

Nakita mo?

In off ko kaagad ang cellphone pagkatapos ma send yun. Obvious  naman Sabrina na nakita niya diba?

Wala pang ilang minuto tumunog agad.

Harvey:

Yeah nakita ko nga.

Hills Witnesses The Lies (Alcazar Series 1)Where stories live. Discover now