Halos maliguan na ako ng laway ni Zaira sa pambabarang tanong niya sa akin ng matapos na mapagdesisyon na si Harvey na ang gagawa sa aming tula. Ano bang bago? May kasamang pang sampal sakin ang kilig niya dahil narinig niya daw kuno ang sinabi ni Harvey sa akin pagkatapos akong mauntog.
Nagdaan ang araw bumalik si papa. Bumalik na din kami sa dating gawi ni mama. Isang buwan lang ang ang bakasyon ni papa dito dahil wala daw papalit sa kanya. Siya lang naman ang inaasahan ng kaniyang amo. I feel sad for him. That's why gusto ko na din makapagtapos agad para makapag trabaho. Pero syempre hindi naman puwede na bukas makalawa makapagtapos na ako. Nananaginip lang ata ako kung ganoon.
"Hoy! Sabrina!"
Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin. "Bat di niyo ko inaya? Pumunta ka pala sa bahay ni Zaira nong gumawa kayo ng Tula!" Si Xia.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Kasalanan ko bang hindi mo sinasagot mga tawag namin?" Tumigil ako at nilagay ang dalawang kamay sa baywang. "Teka? May pinuntahan ka no?"
Natigilan siya. "A-anong pinuntahan? W-wala no!" Sabi niya sabay iwas ng tingin.
Kunot noo ko siyang tinignan. "Sige mag sinunggaling ka pa, Magpapanggap na lang ba ako na hindi ko nahahalata?"
Kinuha niya ang braso ko at hinatak. "Halika na nga!"
Tumigil ako. "Sige ayaw mong sabihin? O hindi ko ilalagay pangalan mo doon?"
Ngumuso siya at bumuntong hininga. "Hmm...mamaya."
Sabay kaming pumasok ni Xia sa room. As usual wala pa si Zaira, Natural laging late iyon. Pagkatatapos kong mailagay ang bag ko sa upuan may biglang umupo. Nagulat ako syempre, nauna ako dito baka agawin niya.
"Anong problema mo, Ryle?" Tanong ko sa kaklase kong papansin.
Tumawa siya. "Makiupo lang naman. Bawal ba?"
"Wala akong sinabing bawal. Bakit wala ka bang upuan?" Tanong ko sa kanya at sinirado ang zipper ng bag ko na kanina pa pala bukas.
"Meron naman. Pero pangit ng area."
Tumawa ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Oh e, bakit doon pinili mo? Pinagbigyan naman tayo ni miss Tavara kung saan uupo ah?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko din alam. Puwede ba dito umupo?" Tanong niya at hinampas ang arm chair ko.
"Sige lagot ka kay Ivan bakla pa naman yon. Mumurahin ka sa abot ng makakaya. Hindi na nga lumilipat ng upuan iyan simula ng naging katabi niya ako. Lagi daw siyang perfect sa quiz eh."
"Madali lang naman yun siya makumbinsi!" Pagmamayabang niya.
Nagulat ako ng biglang may bumagsak na bagay sa likod ko. Nang tignan ko, Bag pala na iyon ni Ivan na masamang tinitignan si Ryle.
"At sinong maysabi na makumbinsi mo akong maupo ka dito?" He crossed his arms while looking at Ryle, tinaasan niya pa ito ng kilay.
Tumayo si Ryle at humakbang papalapit kay Ivan. Nakakunot noo akong pinagmamasdan silang dalawa? What the hell is wrong with this two? Napansin ko na rin ang pagkabalisa ni Ivan na para bang nanlalamig sa kinatatayuan at hindi na makalagaw.
"Can i sit to your chair, Ivan?" He said in a low tone.
Nanlaki ang mata ko!
Lahat ng mga panga sa loob ng room ay sabay-sabay na naglaglagan, ang iba naman ay halos mamukhang tarsier na nanlalakihan ng mga mata. Namataan ko si Xia na nasa pintuan akmang kakainin iyong dalang tinapay ng matigilan dahil sa nangyari. Kaya pala wala dito pumunta pala sa canteen.
YOU ARE READING
Hills Witnesses The Lies (Alcazar Series 1)
RomantiekLove sometimes need a lies to sacrifice the person you really love. Paano kung sa kabila ng kasinungalingan na maibubunyag ay may mas malalim pang nililihim? How you handle the situation that is really hard to decide which is easy to do? Did Sabrina...