"All students must stay on their assigned area. Am i clear?"
"Yes, Miss!" Sigaw nila.
Halos mapuno ang campus sa dami ng estudyanteng nakakalakat sa tapat ng kanilang silid. Sa sobrang lawak ng campus halos di ko na makita ang mga estudyante sa dulo. Para na silang langgam oo.
Junior High school Students assigned in the outside of the campus. Pati na rin ang mga Senior high school students. Ang mga lower grade level naman ay sa loob. Malawak ang campus namin at mas marami ang bilang ng elementary students kaysa sa amin. Mabuti nga at medyo malinis ang sa loob ng campus dahill nalinisan ito ng ng estduyanteng na laging nacocommunity service dahil laging late. Paano naman sa amin na sa labas. Panigurado pati mga kanal doon lilinisan.
"Yes! Buti sa labas tayo pina linis! Nakaka umay doon sa loob." Si Ryle na nasa tabi ko pala habang nakalinya papalabas.
"Naku! Ikaw lang ata may gusto sa labas mag linis." Singit ni Xia.
"Bakit ba ayaw niyo doon? Maganda kaya, marami makakakita sayo, tapos sasabihin na masunurin ka!" Pagmamayabang niya.
Nang makalabas agad kaming pumulot ni Zaira ng basura, hindi namin naabutan na kumuha ng walis dahil naunahan nila kami. Kung maka takbo kanina akala mo may paligsahan.
"Sus, ang paplastik!" Asik ni Zaira.
Siniko ko siya. "Yung boses mo, baka may makarinig. Bakit panay reklamo mo diyan?"
Sinipat niya ang mga babaeng kaklase namin na sabay-sabay nagwawalis ng mga dahon ng mahogany. Nakita ko ang tingin niya kay Jassy na masama. "Akala mo naman kung masunurin yan! Alam mo ba Sab? Napadaan ako sa bahay nila kahapon."
Kunot noo ko siyang tinignan. "Oh tapos? Pabitin ka ah."
"Tapos narinig kong inutusan siya nga lola niya na mag walis, Nang umalis ang lola niya di siya sumunod, panay tawa siya sa cellphone." Kung nakakamatay ang titig pinaglalamayan na si Jassy.
"Shh....hayaan mo na yan. Di ka naman inaano eh." Sabi ko at pinulot ang bottle ng yakult.
"Anong hindi inaano? Sab jusko! Binabackstab tayo niyan! Syempre hindi mo alam, hindi mo naman kasi kilala mga kaklase natin, kasi wala kang paki alam sa kanila. Ako? Tss....alam ko na yang mga baho nila."
Agad kung tinakpan ang bibig niya. "Jesus Zaira! Dahan-dahan naman sa bibig mo oh. Mapapaaway tayo diyan."
Sumimangot siya. "Wala akong paki alam Sab. Sino ba siya para katakutan?"
Natigil kami at napatingin kay miss Tavara na mukhang papunta sa gawi namin. Napatingin ako kay Zaira na pinanlakihan ako ng mata. I sighed.
"Tapos na kayo?"
"Opo miss." Sabay naming tugon ni Zaira.
"Zaira, Tulungan mo sina Ryle doon."
Gulat na napalingon si Zaira kay miss Tavara. "P-po? Saan po?"
"Si Xia nandoon. Halos lalaki ang lahat ang kasama niya sa paglilinis ng kanal, samahan mo siya banda sa likod, katabi ng water net."
Tumango si Zaira at sumenyas na mag papaalam sakin. Ngayon, hinarap na ako ni miss Tavara. Sana lang talaga madali lang ang ipapautos sakin.
"And Sabrina, I need you to get the trash bags inside the storage room, Nasa dulo ng third floor. Pagkatapos ihatid mo kina Xia." Ngumiti si miss Tavara sa akin.
Ngumiti ako pabalik. "Sige po miss."
Agad ako tumakbo papasok. Nakita ko ang mga elementary students na halos mangisay na sa kaka linis. Ang iba ay panay kuha ng litrato. Required ba na kuhanan? Umiiling-iling ako. Oo na maganda na kayo, pinanganak lang ata ako na mukhang basurahan. Kanina pa sana ako nasa garbage bag ngayon.
YOU ARE READING
Hills Witnesses The Lies (Alcazar Series 1)
RomanceLove sometimes need a lies to sacrifice the person you really love. Paano kung sa kabila ng kasinungalingan na maibubunyag ay may mas malalim pang nililihim? How you handle the situation that is really hard to decide which is easy to do? Did Sabrina...