Prologue

255 4 0
                                    

Nagulantang ang lahat sa isang malakas na pagsabog. Nag-aagaw ang dilim at ang liwanag, ramdam na ramdam ng mga tao ang malalakas na pagyanig dulot ng pagsabog. Puno ng usok ang buong siyudad. Takot ang namayani sa kanilang mga puso. Hindi nila alam kung anong gagawin, tuliro ang lahat at iba naman ay nagpapanic. Maririnig sa buong paligid ang malalakas na putok ng baril. Ang mga tao ay kanya kanya ng takbo at tago para hindi makagat ng mga Infected.

"Ma–Pa–anong gagawin natin?" bakas sa mukha ni Kohei ang pangamba. Hindi alam ng binata kung ano ang gagawin niya. Sa edad na ay ganito na agad ang kakaharapin niya. Hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan, nangangatal ang kanyang kalamnan sa takot.

Muli niyang tinignan kung nailock niya ba ang mga bintana at mga pintuan. Kinakabahan siya hindi niya mawari kung matatae siya o maiihi sa kanyang shorts sa sobrang kaba at takot na nararamdaman.

"Anak, kuhanin mo yung mga pako at martilyo sa may basement. Ipapako natin ang mga pinto at bintana para walang makapasok na mga Infected!" Tarantang wika ni Mang Omar.

Rinig na rinig ng pamilya ang malalakas na sigawan ng mga tao sa siyudad. Walang nag-expect na may ganitong mangyayari.

"Merna, pumasok ka na sa loob ng kwarto. Ako ng bahala dito!"utos nito sa asawa, bakas sa boses nito ang pagkataranta at takot.

"Pero Omar—"tutol pa sana ang babae pero nagsalita ang asawa niya.

"Myrna, makinig ka na lang sa akin at wag ka ng umangal pa!" agad namang tumalima ang asawa. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto at inilock ito.

Dali-dali si Kohei bumaba sa basement, puno ng panagamba at takot ang kanyang puso. Maging ang kanyang isip ay tuliro at hindi maintindihan ang nangyare.

Agad niyang binuksan ang pinto sa kanilang basement. Nangangatal ang kanyang mga kamay, tahimik siyang bumaba sa basement. Tanging ang kanyang hawak na flashlight lamang ang panangga niya sa dilim ng basement.

Naiiyak siya sa takot na kanyang nararamdaman. Basa na din ang kanyang salawal, naihi siya sa sobrang takot.

Malikot ang kanyang kamay at hindi niya alam kung saan itututok ang flashlight na kanyang hawak.

Agad niyang ibinitang ang dala niyang flashlight at tarantang kinalkal ang mga lagayan.

"Nasaan na ba kasi yun?" puno ng tarantang wika nito.

Wala siyang paki alam kung maglahok ang kanyang sipon at pawis sa paghahanap ng martilyo at pako. Punong puno siya ng pressure na mahanap ng mabilis ang kanyang hinahanap. Buhay ng kanyang pamilya ang nakataya.

"KOHEI, SARADUHAN MO ANG PINTO NG BASEMENT NAKAPASOK NA SILA!!!!" buong lakas na sigaw ng kanyang Ama.

Dala ng takot ng binata ay hindi na niya inisip ang kalalabasan ng kanyang gagawin. Mabilis niyang isinara ang pinto ng basement. Dala ng adrenaline rush ay kinaya niyang buhatin ang isang malaking cabinet at iakyat ito sa pintuan ng basement.

Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak ng mahina, naghahalo na ang sipon at kanyang luha. Agad niyang tinakpan ang kayang bibig para hindi makawala ang kanyang mga hagolhol.

Paano ba nagsimula ang lahat ng ito? Nagsimulang bumalik sa kanyang utak ang lahat ng nangyari.

The Infected (R18+)Where stories live. Discover now