Kahariang Transylvania

59 47 14
                                    


⚠️ DISCLAIMER ⚠️
Transylvania Academy is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of my imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2022 BlackInk - All Rights Reserved

May apat na Kaharian na tinatawag na Kingdom of Transylvania kung saan ang Hari at Reyna dito ay isang Bampira. Kingdom of Northleaf forest kung saan ang Hari at Reyna dito ay isang Diwata.Kingdom of Eastwood forest kung saan ang Hari at Reyna dito ay isang Lobo.Kingdom of WestBlack forest kung saan ang Hari at Reyna dito ay isang witch o may kapangyarihang mahika.

Ang Transylvania ang pinakamalaking Kahariang sa tatlo, kaya ang tatlong kaharian ay sakop na ito sa lugar ng Transylvania.Kaya masasabi nating ang Transylvania ay isang napakalaking siyudad.

Halos ang mga nakatira dito ay mga bampirang uri, may mga diwata at lobo din pero hindi gaano ka dami. Kung itinatanong ninyo kung may tao ba dito ang sagot ay wala.Ang nakatira sa Kahariang Transylvania ay may mga kapangyarihan o kaya'y mga imortal depende sa estado ng kanilang dugo.

Sa Kahariang Transylvania ay may tinatawag na Transylvania Academy, kung saan ang nakakapag aral lamang dito ay depende sa napili ng  Golden Book. Ang Golden Book ay pagmamay ari ng kauna unahang Hari ng Transylvania, kung saan may lalabas lamang na pangalan doon sa libro ng Golden Book.

Ang unang lalabas na pangalan doon ay siyang padalhan ng sulat para makapunta sa Transylvania Academy.Ang sino mang makaka pagkatapos sa Transylvania Academy ay maaaring  maging isang Royal Blood estado o prinsipe at  prinsesa sa Palasyo. Maaari din itong maging asawa ng anak ng Hari at Reyna sa Transylvania.

Kada Dalawang pung taon halos lahat ng mga kabataan sa Apat na kaharian ay nasasabik dahil magbubukas ulit ang Transylvania Academy.Kung saan ang napiling mag aaral dito ay manatili sa Academy ng Apat na taon, bawal siyang lumabas dito dependi sa magiging pagsasanay sa kapangyarihan nila.

Ang Transylvania Academy ay napakalaking paaralan, may dorm ito kung saan doon ang mag aaral titira sa loob ng Apat na taon. Sa isang Dorm may tatlong taong ilalagay doon dependi sa nakasulat sa ipinadala ng Golden Book. Magkahiwalay ang para sa lalaki at babaeng dorm pero sa loob ng classroom ay magsama na sila.

Kung ikaw ay hindi pinadalhan ng sulat ay hinding hindi ka makakapasok sa Golden Door ng Transylvania Academy, dahil ang taong pinadalhan ng sulat ay magkakaroon ito ng marka at nakadepende ito sa kapangyarihan mo.

Ang Transylvania Academy ay libre lang kaya kung ikaw o kaya'y ang anak mo ay nakatanggap ng sulat galing sa Academy ay isa sa pinaka swerte.Kada taon sa Academy ay magbabawas ito dependi kung ikaw ay nakapasa o hindi.

Sobrang ganda ng Transylvania Academy pero paano kung may nakapasok na isang ordinaryong tao na babae sa paaralan na ito? Isa nga ba siyang Tao? Paano siya nakapasok? Paano siya nakatanggap ng sulat? Ano kaya ang layunin ng Golden Book sa isang taong babae? May kapangyarihan kaya siya?

Nako! nako! nako! ang daming tanong diba? Haha, Halikana ! at simulan na natin ang istoryang likha ng mga bulate sa utak at tiyan ko.

TRANSYLVANIA ACADEMY written by Blackink Writer, kabanata start now..

TRANSYLVANIA ACADEMY Where stories live. Discover now