[•Sampung Taon ang nakalipas•]
Diana's POV
Nagising ako sa ingay ng tandang namin,tiningnan ko yung higaan ko wala na sina papa at mama nasa baba na siguro.Bumangon na ako at agad binuksan ang bintana sa may gilid ng higaan ko.
" Good morning sa inyong lahat! "
masayang bati ko sa mga hayop namin pasikat palang ang araw kaya kinuha kuna yung jacket ko kasi medyo malamig pa.
Pagkababa ko amoy na amoy ko na ang niluto ni mama
"Good morning mama" sabi ko sabay yakap kay mama habang nakatalikod ito,nagluluto kasi si mama ng paborito kong hotdog at itlog.
"Good morning diin mahal kong prinsesa " sabi ni mama sabay halik sa noo ko kaya lalo ko itong yinakap ng mahigpit
"Oh! gising na pala yung prinsesa ko" biglang salita naman ni tatay sa may pintuan ng kusina namin, tinanggal niya yung butas niya at sumbrero at nilagay yung basket ng gulay sa lamesa
Tumakbo ako papunta kay tatay
"Good morning itay!" sabi ko sabay yakap
"Good morning din prinsesa namin" sabi ni tatay sabay halik sa noo ko
"Luto na ang agahan" sabi ni mama sabay lagay nang kanin,itlog at hotdog sa lamesa
Agad kaming lumapit sa lamesa ni tatay kinuha ni mama yung tsokolate na nakasalang sa takure at nilagyan ang baso namin.Umupo na si mama at nakaharap siya kay papa, ako naman na sa gitna ng lamesa at nagsimula na kaming kumain.
"Nak? sasama kaba kay mama ngayon sa Lungsod? Bibili lang ako ng kakailanganin natin dito sa bahay medyo ubos na yung stocks natin" tanong ni mama sa akin habang nilagyan ako ng kanin sa plato ko
"Opo! mama gusto kong sumama" nasasabik kong salita habang sumusubo ng kanin at ulam
"Basta! wag makulit hah wag na wag hihiwalay kay mama" sabi nito sa akin
Naalala ko kasi noong sumama ako kay mama sa baryo para mamalengke, eh nahiwalay ako sa kanya sinagip ko lang naman yung pusang itim na binabato ng mga bata.Sinasabi kasi nilang malas daw dahil itim kaya binato nila eh yung pusa may sugat na sa paa kaya hindi makalakad , ang ginawa ko kinuha ko ito kahit ako yung na bato ng mga bulok na gulay.
Sobrang nag alala si mama noon pero nakita ko rin naman siya kalaunan dinala ko yung pusang itim, una ayaw ni mama dahil sa pamahiin pero sinabi kung hindi naman totoo yun kaya pumayag si mama na dalhin ko sa bahay.
Pinangalanan ko itong si Lucky kasi sabi ni malas daw pero para sa akin ma swerte naman siya, staka lalaking pusa siya kaya saktong saktong yung pangalan na Lucky sa kanya.
Tapos na kaming nag agahan at naligo na rin ako maaga kaming aalis kasi isang beses lang dadaan yung sasakyan dito sa lugar namin.Nagpaalam na kami ni tatay at nasa kalsada na kami naghihintay nang sasakyan papuntang lungsod, naka fuchsia pink yung dress ko hanggang tuhod.
Ilang sandali lang ay nakasakay na kami ng jeep papuntang lungsod, mahigit kalahating oras ang layo at dalawang beses lang kami pupunta sa lungsod.Hindi gaano ka dami yung pasahero ngayon nasa anim lang kaming nakasakay.
Dumating na kami sa lungsod at bumaba na kami sa jeep maliit lang yung palengke dito, may nagtitinda din sa gilid lang naka pwesto yung iba naman nasa ilalim ng puno.
Hinawakan ni mama yung kamay ko habang papasok kami sa palengke medyo madami ng tao sa loob, hindi tulad sa pasukan ng palengke na watak watak lang yung mga tao.
Huminto kami sa harap ng tindahan na may mga gamit pang bahay,binitawan muna ako ni mama kaya humawak lang ako sa damit niya.Habang namili si mama tingin tingin din ako sa paligid, may bigla akong nakitang isang batang kasing edad ko na naka talukbong na mataas at kulay pula.
Lumaki ang mata ko ng makita ko itong tumatakbo sa bubong na parang lumilipad,bigla kong kinamot ang dalawang mata ko baka kasi ay na malikmata lang ako.Pero hindi, dahil bigla itong huminto sa may harapan ko at tumalon sa harap ng mamang may binebentang mga lumang gamit.
Tiningnan ko ang mga tao pero parang hindi sila nakakita na may batang tumalon mula sa bubong, tinitigan ko lang ito pero hindi kita ang mukha niya dahil sa laki ng talukbong niya.
Namili na siya ng mga gamit sa paninda ng matanda na naka pwesto sa may gilid ko,pero yung matanda parang walang nakita sa harap niya.Dahil sa interesado ako kung paano siya lumipad biglang kong binitawan si mama at lumapit sa kanya.
"Hi! Paano mo yun nagawa?" nasasabik kong tanong sa kanya at bigla ito nagulat ng marinig niya ako
Tiningnan niya ako at parehong lumaki ang mga mata namin, sobrang puti niya pala staka yung mga mata niya ang ganda may kulay pula.Tapos yung labi niya parang naka lipstick din hindi ko alam kung babae or lalaki ba ito dahil kalahati lang ng mukha niya yung kita ko.
Tinitigan niya lang ako kaya nag tanong ulit ako
"Hello?" sabi ko sabay kaway kaway ng dalawa kung kamay sa harap niya
"Bata ? okay ka lang ba?" Biglang tanong ng matandang tindero sakin
Lumingon ako sa matanda "Po?" sabi ko
"Sinong kausap mo diyan?" tanong niya sa akin
"Siya po" sabi ko sabay turo ng batang nakatalukbong sa gilid ko
" Nako bata, wala namang tao sa gilid mo " sabi ng matanda sakin habng kamot kamot ang ulo
" Diana! " tawag sakin kaya napatingin ako sa likod si mama pala palapit na siya sa akin
Lumingon ako sa pwesto ng batang naka talukbong pero wala na ito
"Diba sinabi ko sayo wag na wag kang bibitaw" sermon ni mama sa akin
Tiningnan ko ang paligid pero wala na yung bata gusto ko pa naman tanungin kung paano siya lumipad.
"Mama may nakita akong batang tumalon mula bubong hanggang dito sa baba" sabi ko kay mama habang hawak hawak niya kamay ko
"Ikaw talagang bata ka kung ano ano na talagang pumasok dyan sa isip mo, gutom ka lang siguro kaya halika kumain muna tayo" sabi naman ni mama sa akin habang naglalakad at bitbit ang mga nabili niya.
"Hindi ma totoo talagang may batang tumalon, promise hindi ako nagsisinungaling" nakanguso kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.
"Mga imahinasyon mo lang yan anak, buti pa punta nalang tayo sa bakeshop kung saan andon ang paborito mong cheesecake" sabi ni mama kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
YOU ARE READING
TRANSYLVANIA ACADEMY
FantasySa Kahariang Transylvania ay may tinatawag na Transylvania Academy, kung saan ang nakakapag aral lamang dito ay depende sa napili ng Golden Book. Ang Golden Book ay pagmamay ari ng kauna unahang Hari ng Transylvania, kung saan may lalabas lamang na...