KABANATA #3

39 42 0
                                    

@KAHARIAN NG TRANSYLVANIA

Alas sais pa lang ng umaga sobrang abala na ng mga katulong sa palasyo ng Transylvania,mag kakaroon kasi ng peging para sa ikasampung taon na kaarawan ng anak ng Reyna at Hari.

King Vlad Dracula IV ang Hari ng Transylvania isang Neonate vampire.Anak ni King Dracula III at Queen Qarinah sila ay Ancillae vampire.

Queen Selene ang goddess of moon anak siya ng Reyna at Hari ng Buwan na sina King Kale at Queen Melinoe.

Si Queen Selene ay ang napili sa ika limang henerasyon ng Transylvania Academy,siya ang napili na magiging asawa noon ni King Vlad Dracula IV.

Matagal nagka anak ang Reyna at Hari pero dahil sa tulong nang kaibigan ni Queen Selene na si Princess Archangel Hera ang goddess of fertility.Dahil sa tulong at kapangyarihan nito ay nabigyan ng anak ang Hari at Reyna ng Transylvania.

Siya ay si Prince Vlad Demian isang kalahating bampira at neonate vampire.Ang nag iisang prinsipe ng kahariang Transylvania, tahimik na bata lang ito at malayong malayo sa kinagisnan ng ibang prinsipe sa kaharian.Siguro dahil ay epekto ito ng sumpa na ibinigay sa kanyang ina noong siya ay ipapanganak pa lamang.

Ang Reyna na si Selene ay sampung taon nang natutulog dahil sa sumpa na ibinigay ng isa sa mga prinsesa sa kahariang Empyerno na si Lilith ang witch demon.

Noong unang panahon ay bukas pa ang kaharian ng Langit at Impyerno kung saan ma laya ang mga Archangel at Demon na nakapunta sa Kahariang Transylvania.Nahinto lamang ito dahil sa pag iibigan nina Princess Archangel Hera ang anak ng Inang Reyna ng Kahariang Langit at Prince Abigor ang anak ng Hari ng Impyerno.

Ang pag iibigan ng magkaibang lahi ay napakalaking kasalanan sa mga uri nila, napakalaking parusa ang haharapin sa bawat Kaharian nila.Mula ng mangyari yun ay hindi na binuksan ang pinto ng Kahariang Langit at Kahariang Empyerno.

Buti nalang at may naging kaibigan si Prince Demian sina Delvin ang prinsipe ng Kahariang Northleaf forest ng mga Diwata at prinsipe Draven ng Kahariang Eastwood forest ng mga Lobo.

Dahil Kaarawan ngayon ni Demian nangako si Delvin na pupunta sila sa mundo ng mga tao, para bilhin yung isang uri ng sangkap para sa gagawin niyang experimento.

Malapit kasi sa Northleaf forest yung natagpuan na lagusan ni Delvin noong siya ay anim na taong gulang pa lamang, tinago niya ito sa mga magulang niya at nilagyan niya ng barrier para hindi makita o mapasukan.

Si prinsipe Delvin ay susunod na Hari sa kaharian ng mga Diwata tatlo silang magkakapatid, dalawang babae at siya. Panganay sa magkakapatid si Delvin at sa murang edad pa lang nito ay maraming natutunan sa tungkol sa kapangyarihan niya.

Ang ina niya ay si Queen Alena wala silang ama dahil sila lamang ay lumabas mula sa bulaklak na inaalagaan ng kapangyarihan ni Queen Alena.

Sasama din Draven ang nagiisang anak na lalaki nina King Starrk Alpha of the packs and Queen Nueva strongest Alpha women of the packs.

Maagang pumunta sina Delvin at Draven sa Kahariang Transylvania para puntahan si Demian.

"Magandang umaga po, gising na po ba si Demian?" tanong ni Delvin sa isa sa mga katulong sa kaharian

"Ipagpaumanhin niyo po mahal na prinsipe Delvin, ngunit hindi ko po alam kung gising na si prinsipe Demian dahil kararating ko lang mula sa palengke " sabi nang babaeng may dalang malaking basket ng mga sangkap ng pagkain

"Sige po,puntahan nalang namin sa silid niya" sabi naman ni Delvin sa babae

Tumango lamang ang babae sabay yuko simbolo ng pagrespeto sa dugong maharlika.

Naglakad na ang dalawa papunta sa silid ng prinsipe, sa sobrang laki ng palasyo ay nainip si Draven sa paglalakad kaya naisipan niyang sabihin kay Delvin na gumamit na lang ng portal papunta sa silid ni Demian.

Pumayag naman si Delvin kaya binuksan niya ang portal papuntang silid,pero nung makarating na sila silid hindi nila nakita si Demian.Kaya lumabas sila sa silid upang hanapin ito,may nakasalubong silang katulong kaya agad nag tanong si Delvin

"Nakita niyo po ba si Demian?" tanong niya sa babaeng may dala dalang mga kumot

"Si prinsipe Demian po ay nasa silid ng kanyang ina, doon kasi natulog kagabi" sabi ng babae

"Ahh, sige po maraming salamat " sabi ni Delvin sa baba

"Walang anuman po prinsipe Delvin, mauna na po ako" sabi nito sabay yuko

Agad pumunta ang dalawa sa silid ng mahal na Reyna na si Selene,pagbukas nila sa kwarto ay andon si Demian nakaupo sa gilid ng ina niyang natutulog.

"Demian" tawag ni Draven sa kanya kaya  napa tingin ito sa likod ng kinauupuan niya.

Lumapit ang dalawa sa hinigaan ng mahal na reyna at yumuko simbolo ng paggalang sa mahal na reyna.

"Halikana" bulong ni Draven ky Demian

Tumango lang si Demian at tumayo,binitawan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ng ina nito.Lumabas na ang tatlo sa silid at biglang binuksan ni Delvin ang portal patungo sa kahariang Northleaf forest.

Ilang sandali lang ay nakarating din sila sa harap ng lagusan papuntang mundo ng mga tao.

"oh" sabi ni Delvin sabay abot ng dalawang malalaking talukbong na kulay pula

"isuot ninyo yan nilagyan ko yan ng invisible magic hindi tayo ma kikita ng mga tao habang suot natin to,maliban nalang kung siya ay isang kauri natin"

"Ang galing mo talaga Delvin" sabi ni Draven na may paghanga na reaction

Samantalang si Demian ay tahimik lang na sinuot ang pulang talukbong.

Pagkatapos na nilang magsuot ay binuksan na ni Delvin ang Lagusan papuntang mundo ng mga tao.Malaking liwanag ang sumalubong sa kanila at ilang sandali lang ay lumabas na sila sa napakaraming tao sa lungsod.

Walang nakakakita sa biglaang paglabas nila dahil sa talukbong, nagsimula na silang mag lakad nauna si Delvin at nakasunod lang si Draven at Demian sa kanya.Si Delvin lang kasi ang nakakaalam sa lugar na pinuntahan nila.

Biglang lumipad sa himpapawid si Delvin at pumatong sa bubong ng malaking bahay, si Draven at Demian naman ay tumalon.Nakapatong silang tatlo ngayon sa bubong

"Asan kaya naka pwesto si aling Esing ngayon" sabi ni Delvin sabay tingin tingin sa baba para hanapin ang suki niyang si Aling Esing na nagbebenta ng mga gamot na halaman.

"Ayon!" sabi niya sabay turo sa kinaroroonan ni Aling Esing lumipad ito at sumunod naman si Draven samantalang si Demian ay nakatitig lamang sa batang babae na nakahawak sa kanyang ina.

Iba kasi ang pakiramdam niya noong makita niya ito, kaya nilapitan niya ito at tumalon sa may matandang nagbebenta ng mga lumang kagamitan.Pero laking gulat niya nung nilapitan siya nito at binati sabay tanong

"Hi! Paano mo yun nagawa?" nasasabik na tanong nito

Tiningnan niya ito at laking gulat niya na nakatingin ito sa kanya,napalunok ito nang laway sa takot dahil sa sinabi ni Delvin na hindi raw sila makikita ng tao kapag suot ang talukbong.

"Hello" sabi ulit ng batang babae sa kanya sabay kaway kaway sa harap nito at biglang nag salita ang matanda, sakto rin na hinablot siya nina Delvin At Draven palayo sa batang babae.

Hindi nakapagsalita si Demian at nakatingin lamang ito sa batang babae na kinakausap ang matandang tendero.

TRANSYLVANIA ACADEMY Where stories live. Discover now