••• The Hidden Forest •••
Andito ako ngayon sa harap ng maraming estudyante, bakas sa mukha ko ang pagkagulat at pagtataka. Nasa kaliwa ko naka tayo sina Evora, Ravana at yung Sullivan, tinignan ko ang kinaroroonan nina Lila at Nisha nakita kong kausapan nila yung lalaking kausapa ko kanina at ilang sandali lang ay kasama ko na sila.
"Yehey!!" galak na salita ni Lila na may patalon talon pa.
Si Nisha ay mahiyain kaya nakatago ito sa likuran ko,nilibot ko ang paningin ko at hinanap yung lalaki ulit.Ando siya sa pwesto nina Demian at ilang sandali ay katabi na namin silang apat, tinignan ko si Demian seryoso ang mukha na naka tingin sa harap.
Lumapit si Delvin sa amin at kinausap si Lila na umayos dahil sa sobrang kulit nito na parang batang naka labas ng bahay.Umayos ng tayo si Lila at lumapit sa akin si Nisha naman nakahawak sa kanang balikat ko, kitang kita naming lahat kung paano unti unting napunta sa harap ang ibang mga estudyante.
Sa sinabi nga ni Evora na 60 na estudyante lang yung kinakailangan sa 120 na mga estudyante. Ilang sandali lang ay natapos na ito, may ibang estudyante na nagtataka kung bakit hindi sila na pili. Simple lang sabi nga nong lalaki kanina dapat makita lang siya, siguro naka dependi sa kapangyarihan kung anong meron ka.
Biglang lumitaw yung lalaki sa harapan namin at ikinagulat yun ng mga estudyanteng nasa upuan pa rin nila. Nag anunsyo na agad si Evora.
"Ang mga nasa harap ay ang mga estudyanteng nakapasa sa unang pasulit, at ang mga nanatili pa rin ay uuwi na sa kanilang kaharian"
May nag taas kamay sa harapan
"Wizard Evora, pwede ho bang magtanong? Ano po ba yung unang pasulit, marami kasi kami nagtataka"
"Simple lang, ang makita ninyo ang Wizard King na si Azazel, may ginamit itong mahika na ang tanging nakakakita lamang sa kanya ay may 300 average na kapangyarihan ng isang estudyante. Kung hindi mo siya nakita ibig sabihin ay mababa sa 300 average ang iyong kapangyarihan " paliwanag ni Evora
Dahan dahang umupo ang estudyanteng nag tanong at kita sa mukha ang pagkadismaya at lungkot nito.
"Maraming salamat sa pag attend sa Transylvania Academy, wag mag alala may susunod pa namang batch" sabi ni Ravana na nakangiti
"May susunod pa nga pero maghihintay na naman ng dalawang pung taon " mahinang salita ni Sullivan kaya sineko naman ito Ravana
Binuka ni Ravana ang kanyang palad at may hinipan ito na parang Silverdust, papunta sa harap ng mga estudyante na hindi na pili may biglang lumiwanag sa kanilang harapan.
"Regalo ko yan sa inyo, paalala na nakatungtong kayo sa Transylvania Academy " Masayang saad nito sabay palakpak
Kung noon ang mga mukha ng mga estudyante ay malungkot ay napalitan ito ng malaking ngiti. Dahil ang natanggap ni lang regalo ay isang magic stick nasa Transylvania Academy lang ang meron.
Kinuha naman ni Sullivan ang kanyang mukhang panungkod at itinutok sa mga estudyante sa harap, biglang lumiwanag ito ng sobra na pati kami napatakip sa aming mga mata. Ilang sandali lang ay biglang nawala yung liwanag at pati yung mga estudyante na wala na rin.
Humarap ang apat na mga wizard sa amin nasa gitna yung Azazel katabi niya si Sullivan at magkabila naman sina Evora at Ravana.Nagsalita ulit si Evora
"Ang mga estudyanteng nasa harapan namin ngayon ay nakapasok na sa Transylvania Academy" anunsyo niya sa aming lahat at sobrang saya nang iba pati rin ako napangiti hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko masayang adventure to sa akin.
YOU ARE READING
TRANSYLVANIA ACADEMY
FantasySa Kahariang Transylvania ay may tinatawag na Transylvania Academy, kung saan ang nakakapag aral lamang dito ay depende sa napili ng Golden Book. Ang Golden Book ay pagmamay ari ng kauna unahang Hari ng Transylvania, kung saan may lalabas lamang na...