LOSD Chapter 6

173 7 13
                                    

Una po sa lahat... GOMENASAI ^_^ ...sorry talaga sa tagal ng update ko...kung ano ang dahilan ...? marami haha....Meron po pala akong ginawang pagbabago sa Chapter 1 to 5 ng LOSD...konting pagbabago lang naman...

Simula po ngayon, ako na po ang mag PPOV :D masyado kasing matagal kung palipat lipat ako ng POV tska para maless yung Flashbacks diba?..tska maganda na rin ung isa lang ung nagkukwento...in case man na kailangan ko ng palitan ang P.O.V ilalagay ko naman, pero sa tingin ko eh ako nalang talaga ang magPPOV hanggang sa matapos(sa tingin palang naman)...tska kaya ko rin naisip na ako nalang ung magPPOV kasi ano eh...sa totoo pati ako maguguluhan kung palipat lipat ako ng POV..ahaha..

--green_soybeans ^_^ namiss nyo ko no? ahahah

LOSD CHAPTER 6

"nakakainis na talaga yung Jason Fernandez na un! o kung sinu man sya!...paimportante masyado?! tatlong beses na nyang kinacancel yung paglipat nya ah tapos pangatlo na ngayon...kung ayaw nyang lumipat pansamantala dito sa section natin, edi wag syang lumipat! Problema ba un? Sabihin nya agad di yung umaasa tayo na lilipat sya." reklamo ni Jade. Last week kasi, hindi sumulpot ung si Jason Fernandez na un...ung E.C na dapat eh madidistribute sa section nina Gail, tapos ganun din yung nangyari nung sumunod na araw. Ganun din ang nangyari ngayong araw na ito, pinasabi ni Jason Fernandez sa Adviser nina Gail na hindi pa ito lilipat ngayon sa kadahilanang ayaw pa nyang lumipat. Sya nalang ang natitira sa mga E.C na di pa lumilipat hanggang ngayon. May karapatan naman kasi silang lumipat sa panahong gusto nila.

"yaan nyo na un, siguro mas maganda nang wag na tayong magready sa pagdating nya." matamlay na sagot ni Mina. Bilang Presidente  ng klase alam nya na naiinis na ang kanyang mga kaklase, pangatlong beses nang nababalewala ang kanilang paghahanda sa pagdating ng E.C Student sa kanila. "guys," sabi ni Mina na tumayo at naglakad papuntang harap "ok, alam ko naiinis na siguro kayo or nalulungkot..kaya naman nakapagdesisyon na ako..tigilan na natin ito, ok lang ba?...kung dumating man yung E.C Student na yun, edi dumating sya. Lagi tayong nageexpect na dumating sya and every expectations natin nadidisappoint tayo...so he deserve to be disappoint also di ba?...and sa tingin ko wala naman syang pakialam kung may welcome chuvanersss man tayo haha.." natawa naman ang klase dahil sa expression ni Mina. Tama naman sya eh, nakakapagod ding umasa na darating ung E.C Student, nakakadisappoint..at tama lang siguro na wag na silang magready sa pagdating nito, kung kailan man iyon.

"tama ka Mina hayaan nyo nalang yung baliw na yun..." sabi ni Jeric nang makabalik si Mina sa upuan nya. "mas mabuting wag na syang dumating sa klaseng ito kasi lalo lang kayong maiinis..haha." medyo natatawang sabi ni Jeric, hindi naman kaila sa mga sinasabi nya na mukha ngang kakilala nya itong si Jason Fernandez..

"diba Jeric, sabi mo kilalang-kilala mo sya? Bakit di mo sya ikuwento samin, or bakit di mo ikuwento kung bakit ayaw nya pang lumipat dito sa atin? kasi naman diba, baka alam mo kung bakit ayaw nya pang lumipat dito.." sabi ni Gail na no'oy nagsusulat ng assignment na nakasulat sa blackboard, malapit na rin kasing magtime at lunchbreak na..

"ewan ko....trip nya siguro" maikling sagot ni Jeric..makikita naman sa mukha ni Gail na huh-trip-lang-?-face ...

"Enzo...pwede sabay tayo ulit mamayang pag-uwi?" mula sa likod ni Gail narinig nya ang boses ni Mielle. Medyo napalingon sya..

"sure ^_^" sabay ngiti pa ni Enzo...hindi alam ni Gail kung anung nararamdaman nya..oo siguro, nagseselos sya, this past few days kasi laging nakikita nya si Mielle at Enzo na laging nag-uusap, nagiging close sila..

Nagring na ang Bell .... LUNCH TIME.

Habang naglalakad papuntang canteen, kinausap ni Carla si Mielle....

LOSV BOOK 2: LOVE ON SCHOOL DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon