3 -TSBM
As a couple, we do normal things. Ewan ko kung normal nga 'to.
Noong magyaya akong magswimming, dinala niya ako sa probinsya nila. Nasa probinsya ba ang swimming pool nila? Yung sa amin kasi, nasa labas lang ng bahay.
Pagdating sa probinsya nila, dinala niya ako sa dagat. Walang katao-tao doon. May isang resthouse na two-storey. Meron ding kubo sa tabi nito.
Doon, naranasan ko lahat ng pinapangarap ko. Makakita at makanood ng meteor shower. Makapag-star gazing. Makaligo sa dagat aa gabi. Magbonfire sa tabing dagat. Manghuli ng isda. Maranasan ang scuba diving, jet ski, pagsakay sa yate, at iba pang pwede kong maranasan kasama siya. Noong huling gabi nga namin doon, may fireworks pa. Anong matindi? Ang makikita mo doon ay ganito...
Mahal kita, Daniella.
Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko siya. Hinalikan ko siya sa labi. Sandali lang iyon pero hindi maalis ang ngiti sa mga labi namin. First kiss namin eh. Ayun, lalo tuloy nabigyang pansin ang mga dimples niya.
Noong gabing iyon, magkatabi kaming natulog. Wag madumi ang isip niyo. Magkatabi kaming natulog pero may mga taong nakapalibot sa amin. Magkakasama kaming natulog sa tent na itinayo sa tabi ng dagat.
Nauna akong nagising noon. Ang lapit niya sa akin kaya naman tinitigan ko siya. Pakiramdam ko kailangan kong sauluhin ang bawat parte ng pagkatao niya.
Matangos na ilong, mahabang pilikmata, katamtamang kapal ng labi, hindi malaki ang katawan, mas matangkad ako, hindi seloso, hindi clingy, hindi magaling sumayaw, hindi magaling magrap, magaling kumanta, singkit, hindi mahilig sa martial arts, kayumanggi, takot sa piranha na napakarare lang naman, matalino, mabait, may salamin sa mata na nagbibigay ng nerd image sa kanya. Hindi lahat ng characteristics ng idolo ko eh nasa kanya, pero bakit mahal ko siya?
Sabi na eh. Kapag iniisip mo ang mga bagay na gusto mo, pag dumating kabaliktaran, pero mapapasaya ka naman.
Dati sabi ko, ang korni ng mga taong nagmamahal. Pero ngayon, alam ko na ang dahilan.
Dahil gusto lang nilang mapasaya ang mga minamahal nila. Kaya ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila.