6 -TSBM

15 1 0
                                    

6 -TSBM

Kung may kasiyahan, may kalungkutan. Sobra-sobra na ata ang kasiyahang naibigay aa akin ni Ralph kaya naman ngayon, kailangan ko namang masaktan.

Alam ko namang hindi normal na palagi lang akong masaya. Hindi balanse kung ganoon nga iyon. Ang iba nga diyan, nasasaktan, naghihirap, naaabuso ng halos araw-araw. Diba dapat masaya naman ako kahit papaano? Kasi kung ikukumpara sa problema na pinagdaanan ng ibang tao, mababaw lang ang sa akin.

Ang Kuya ko, mag-aasawa na. Lilipat sila sa U.S. I'll consider that as a blessing. Bakit? Masaya na siya kasama ang mahal niya kaya kailangan ko ring maging masaya. Si Mama at Papa, pupunta sa Korea. They will stay there for good. Simula ng malaman nilang ikakasal na ako kay Ralph, naisip nilang doon na manirahan tutal wala na rin kami ni kuya sa puder nila. That's a blessing too. Magkakasama sila nila Lola at Lolo. Pero syempre, pagkatapos na ng kasal namin ni Ralph.

Maayos naman ang lahat sa akin at nagpapasalamat ako doon. Tanggap si Ralph ng pamilya ko, masaya sila at maayos ang kalagayan nila pero sa side ni Ralph kami nagkaproblema.

Ayaw ng mga magulang niya sa akin. Simula pa lang naman, alam ko na yun. Alam kong nakikipagplastikan lang sila sa akin noong ipakilala ako sa kanila ni Ralph. Pero nawala iyon sa isip ko ng makita kong masaya si Ralph.

Ngayon, noong sinabi ni Ralph sa pamilya niya na magpapakasal kami, halos lahat ata nagwawala.

"Ma, Pa, Zy, magpapakasal na kami ni Daniella." Nang sabihan yan ni Ralph, literal na naibuga ni Tita Alexandra ang iniinom niyang kape.

"Ma!" Sigaw ni Ralph. Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. Kinuha na lang niya ang panyo niya at pinunasan ang mukha ko na nabugahan. Magkaharap kasi kami ng nanay niya.

"She's not a baby, kuya. Bakit ikaw ang nagcle-clean sa face niya? Is she baldado?" Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin ang kapatid niyang si Zyrile.

"She is my baby, Zy." Korning banat ni Ralph na nakapagpainit ng mukha ko. Siniko ko naman siya.

"Are you serious, Ralph?" Seryosong tanong ng dad niya. Tumango si Ralph. Nag-igting ang bagang ng ama niya.

"Alam mong may tradisyon tayong sinusunod." Nagtaka ako. Uso pa pala 'yon? Makaluma ang tatay niya, grabe.

"Nag-usap na tayo dito, Dad." Humigpit ang hawak sa akin ni Ralph. Nginitian ko lamang siya bilang ganti.

"May nakausap na ako. Kaibigan ko siya at business partner. You're going to marry her daughter. And that's final." Madiin na anunsyo ni Tito. Nainis ata si Ralph kaya hinatak na niya ako paalis.

"Ralph, baka hindi pa tamang panahon." Pangungumbinsi ko sa kanya. Umiling siya.

"Alam kong ayaw nila sa 'yo simula pa lang pero ipaglalaban kita. Don't worry, okay?" He assured. Hinalikan niya ako sa noo, then I felt secured.

Akala ko malalampasan namin iyon. Akala ko lang pala iyon. Masakit. Masakit umasa. Pero siya na ang nagdesisyon. Kaya pinalaya ko siya.

That Should Be Me(TSBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon