4 -TSBM

17 1 0
                                    

4 -TSBM

Sa loob ng pitong taon na relasyon namin ni Ralph, marami na kaming pagsubok na pinagdaanan. Nariyan yung nakipag-away siya dahil nabastos ako. Nariyan yung nagtampo siya at halos isang buwang hindi nagparamdam. Nangyari ring nagselos siya dahil sa paninira ng isa sa dati kong kaibigan. Nag-away kami dahil sa ayaw kong pumunta sa isang lugar. Sinubukan pa nga naming maghiwalay eh. Biruin niyo? Siya yung nakipaghiwalay. Eh di ako naman, pinalaya ko siya dahil nga doon ko nai-apply ang kasabihang 'if you love him, then set him free.' Sinubukan kong mag-isip ng mga paraan para makamove on pero wala pang thirty minutes, nagulat ako na nasa labas siya ng bahay at nagpapaulan.

"Anong balak mo sa buhay mo, ha? Ralph! Akala mo naman ang lakas ng resistensya mo para magpaulan ka ng ganyan!" Inis na sabi ko. Oo, naghiwalay kami. Pero mahalaga pa rin siya sa akin. Thirty minutes lang ang nakalipas ano?!

"Sorry, Daniella. Sorry. Nababaliw na ata ako. Kanina nakipaghiwalay ako pero sinusubukan ko lang naman ang pagmamahal mo eh. Tapos nagtampo ako kasi di mo man lang ako pinigilan. Parang ang dali-dali akong pakawalan. Nakakainis. Sobra. Dapat nga papatagalin ko pa 'to eh. Kaso naisip ko, baka magluksa ka na dahil di mo na makikita ang gwapo kong mukha at macho kong katawan." Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Nagtaka pa nga ako noon eh. Sino ba ang babae sa amin? Ako o siya.

"Ralph. Alam mo? Nakakaloka ka. Bakit? Lakas ng loob mong makipaghiwalay eh hindi mo nga ako kayang tiisin. Sino kaya sa atin ang mas namumugto ang mata? Ha?" Pang-aasar ko. Ngumuso naman siya. Kapal ng labi. Hahaha.

"Nagtatampo kasi ako! Kaya mo akong pakawalan?! Saka, ang sakit kaya ng sampal mo!" Naniningkit ang mata niya. Napangiti ako. Hindi pala totoo na hindi niya ako mahal. Grabe ang eksena namin kanina eh. Sampalan at sigawan. Saan ka pa?

"Tss. Hindi kita kayang pakawalan kung hindi mo rin gustong kumawala! Pwede ka namang magstay kung ayaw mong umalis, pero mas pinili mong umalis. Akala ko naman hindi ka masaya sa akin. Bwisit ka." Tumutulo ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Clichè ba? Sumabay eh. Sabihan niyo yung ulap o kaya weather man.

"Hilig mong magsakripisyo, ano? Diba nga sabi ko sa 'yo, papasayahin kita?" Tumango ako. Umiiyak din siya.

"Napasaya mo na ako ng sobra, Ralph. Kaya nga willing akong palayain ka kung hindi ka masaya sa akin eh." Niyakap niya ako bigla. Doon ko narinig ang paghikbi niya. Natawa naman ako.

"Ba't ka tumatawa ha?! Nakakatawa bang umiiyak ako? Eh di wag na." Pinahid niya ang luha niya pero patuloy ang pagtulo nito. Natawa na naman ako.

"Arte mo. Saan ba ang masakit sa pisngi mo? Saan ba kita nasampal? Ganoon ba yun kasakit at hanggang ngayon naiiyak ka?" Pabirong tanong ko. Tinuro naman niya ang magkaparehong pisngi niya.

"Dalawang beses kitang sinampal? Alam ko isa lang." Nagtatakang tanong ko.

"Sinampal ko yung sarili ko. Gago ko eh." Sagot naman niya. Napangiti ako. Hinalikan ko ang kaliwang pisngi niya.

"Oy! Hindi yan ang nasampal mo! Itong kanan kaya!" Sabi niya. Isip bata na naman. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanang pisngi niya.

"Hoy. Wag ka ngang ngumingiti pag hinahalikan kita sa mukha. Nalubog eh." Panloloko ko. Natawa naman siya. At doon kami nagkabati.

Bilib na ako sa pinagsamahan namin. Kung ano-ano ang kalokohang naiisip niya, na siya namang nasasakyan ko. Kung ano-ano ang ginagawa niya para mapasaya ako, na siya namang nasusuklian ko sa ibang paraan. Korni na kung korni pero ito talaga ang nararamdaman ko.

Kahit sa anong paraan, napapasaya niya ako. Tulad noong nakipaghiwalay siya. Kung hindi dahil doon, hindi ko mararanasang maligo sa ulan. Hindi ko mararanasang masaktan ng sobra-sobra. Hindi ko malalamang kaya kong palayain ang mahal ko kahit nasasaktan ako. Hindi ko mararamdaman ang pakiramdam na may umiiyak na tao para sa 'yo, na hindi mo kamag-anak. Hindi ko malalaman na hot siya pag wet look. Joke. Hindi ko malalaman na ganun namin kamahal ang isa't-isa.

Sa dami ng pinagdaanan namin at sa tingin niya ay tama na lahat ng bagay, naisipan niyang magpropose. Na siya namang tinanggap ko.

That Should Be Me(TSBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon