9 -TSBM
Ginanap ang reception sa lugar kung saan ako dinala ni Ralph noong kami pa. Yung sa dagat? Kung saan naranasan ko ang mga bagay na una ko pa lang naranasan. Kasama siya.
Siguro iniisip niyo na ang tanga ko. Martyr? Gaga? Desperada? Di oy. Pwede pang tanga pero di ako desperada. Anong parte ako naging desperada ha? Sapak you want? Kidding.
So, yun nga. Di ako tanga sa point of view ko dahil ito lang ang pwede kong gawin para sa kanya. Sa dami ng ginawa niya sa akin, ito ang isa sa pwede kong isukli sa kanya. Ang maging saksi sa kasal niya.
Dahil nga sa dagat ang reception, lahat kami nakawhite shirt at shorts na medyo maiksi. Conservative siguro ang pamilya nila, na ayos naman sa akin dahil ganun din ako.
Habang nagpapalit ng white shirt at shorts may nakita akong lalaki na nagpapalit.
"What the hell?!" Tili ko. Lumapit siya sa akin at tinakpan ang bibig ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. He rolled his eyes. Gosh!
"Bawal magpalit dito, Girl? Kaloka ha? Pagnanasaan kasi ng boys yung sexy body ko." Sabi niya sa pinakamatinis na paraan pero lumalabas pa rin ang tunay niyang boses. Natawa tuloy ako.
"Sira na ba ang ulo mo girl? Tumatawa ka habang umiiyak?" Sabi niya sa akin. Ngumisi naman ako.
"Yan na ang uso ngayon. Ikaw naman, di ka updated." Sagot ko sabay pahid ng luha na tumutulo galing sa mata ko. Inabutan niya ako ng brief.
"Oh," tiningnan ko siya, "Pampahid ng luha. Wala akong panyo eh." Dugtong niya. Binatukan ko naman siya. Feeling close lang.
"Ano bang problema mo?" Tanong niya habang sinusuot ang white shirt niya.
"Yung groom, bwisit. Ex ko. Nakipagbreak tapos ikakasal agad? Three weeks lang ang pagitan ah? Pero hindi naman ako bitter. Hindi ko lang maiwasan na di masaktan. Pitong taon yun eh." Kwento ko. Tumango naman siya.
"Kaya pala pagpasok mo dito, umiiyak ka," naiiling na saad niya, "at sa men's bathroom ka pa talaga nakapasok. Everything happens for a reason, naniniwala ka?" Seryosong dugtong niya. Napatingin tuloy ako sa buong restroom. Damn. Nasa men's nga ako!
"H-hindi ka bading?" Nauutal na tanong ko. Humagalpak siya ng tawa.
"I'll show you." Katagang binitawan niya bago ako hinila palapit sa kanya.
Hinalikan niya ako sa gilid ng labi! Oo, part pa rin ng pisngi pero kahit na! Muntik na yun ah?!
"Kaya pala wala kanina sa kasal ko, nakikipaglandian dito." Napaatras ako ng marinig ko ang tinig na 'yun. Di ako pwedeng magkamali...
"R-ralph." Pumiyok ang boses ko. Pero who cares? Tatlo lang naman kami dito. At saka bakit ba ako pumipiyok? Para tuloy akong nahuli na nagtatalsil eh.
"Ralph! Hello! Nga pala, bro, best wishes. Wag mong sasaktan si Sandra ah? Ako ang makakalaban mo." Salamat. Salamat at sinagip mo ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Totoo pala yung pakiramdam na yun? Hindi ka makakapagsalita kapag kailangan mong mag-explain. Inis.
"Oo, kuya." Madiing sagot niya.
Unti-unti akong humarap sa kanya. Tumutulo ang mga luha ko. Pagod na ako. Please. Pagod na ako.
"R-ralph, b-best wishes. I'm h-happy that you're happy with her." I'll give myself a reward after this.
"..." Isang malalim na buntong hininga ang natanggap ko.
Tumagal ang katahimikan ng halos limang minuto. Nagtititigan lang kami ng biglang may kumatok. Kinabahan agad ako.
"Damn! May babae dito, paano tayo lalabas?" Tanong ni Kuya? Di ko pa rin kasi siya kilala.
"Baby? What took you so long? Bakit nakalock ang buong restroom?" Rinig kong tanong ng isang babae sa labas. Si Sandra...
"Sandra baby, let's go." Yaya ni Ralph sa kanya.
Dati ako daw ang baby niya. Saya 'no?
"Halika na. Wala na sila." Inakbayan ako nung lalaki. Dapat kumakawala na ako sa kanya ngayon. Hindi ako komportable sa ibang lalaki pero wala na akong lakas. Bahala na.
Pagdating namin sa tabing dagat, lahat sila nagsasaya. Si Zy, maayos na ata. Nakikipag-usap na siya sa iba pero hindi pa sa parents niya. Ang lahat ay nag-iinuman, nagkukwentuhan, at lahat nakangiti. Ngumiti rin kaya akong mag-isa?
"Wag kang ganyan. Mukha kang baliw. Natatakot ako." Bulong ng katabi ko. Napangisi ako.
"Ano bang pangalan mo, Kuya Bading?" Asar ko. Gusto kong maging masaya rin ngayon. Para sa kanya. Baka makonsensya pa siya pag nakita akong miserable.
"Sinong bading ha? Gusto mo tuluyan na kitang halikan?" Banta niya. Itinaas ko ang kamay ko sa ere na para bang manununtok.
"Chill," binaba niya ang kamay ko, "Ako si Laurence, Sandra's older brother." Pakilala niya.
"I'm Daniella." Kailangan ko bang idugtong ang 'Ralph's ex-girlfriend' ?
"I want to know more. Can you tell me your story? Is it okay?" Yung mata niya parang kumikislap. Bading talaga eh. Kidding.
"Sa isang kondisyon," sabi ko, "kailangan may bonfire sa gitna, drinks and foods, sama mo na yung higaan para ready pag nakatulog ako." Tumango siya pero biglang ngumisi.
"Copy. I'll get everything we need. Stay there." Nakangising saad niya. Ngumiti naman ako bilang ganti.
"Hey. Take note! Dalawang higaan ah? Bye!" Tumaas ang kilay niya pero tumawa rin bigla.
Sana makalimot din ako. Sana makamove on ako. Scratch that.
MAKAKALIMOT DIN AKO. MAKAKAMOVE ON DIN AKO.