5 -TSBM

13 1 0
                                    

5 -TSBM

Hindi ko pinapangarap dati na yayain akong magpakasal ng isang tao sa masakit na paraan. Ayos sana sa akin na yayayain ako ng taong mahal ko. Kahit na yung tipong naglalakad lang kami sa kalsada tapos bigla na lang siyang magtatanong. O kaya naman, kumakain lang kami ng street foods tapos sasabihan niya ako ng 'Will you marry me?'. Pwede rin namang pupunta lang siya sa bahay namin tapos hihingin niya ang kamay ko sa mga magulang ko. Diba? Pero knowing Ralph, kakaiba siya. He's different in showing his emotions and what he feel. One factor and reason why I love him.

Naglalakad kami noon sa amusement park. Normal naman ang lahat. Children that were playing, Couples that were dating, normal staffs and crews. Lahat naman maayos, pero ang masasabi ko, kaunti lang ang tao.

"Ralph. Ang ganda dito ah? Di ba bakasyon na? Bakit ang kaunti ng mga tao?" Tanong ko kay Ralph. Pinisil niya ang kamay ko na siyang hawak-hawak niya kanina pa.

"Baka nalaman nilang darating tayo. Alam mo na? Yung mga single at iba pang bitter sa buhay, baka magselos at mainggit sa atin." Biro niya. Tumawa na lang ako dahil ayokong masira ang gabing ito. It's my first time here so I need to make this day memorable.

"Daniella, bibili lang ako ng makakain ah? Dito ka muna. Wait for me." Paalam niya. Nagtaka ako dahil wala siyang sinabing 'see you'. Madalas niya kasing sinasabi iyan pag maghihiwalay kami. Kahit na oorder lang ang isa sa amin at maiiwan sa upuan ang isa. Weird. Pero siguro, nakalimutan lang niya. First time.

Lumipas ang sampung minuto at wala pa ring bumabalik na Ralph. What took him so long? Kaunti lang ang mga tao kaya sigurado akong hindi mahaba ang pila. Well, malay ko ba kung maraming gutom. Daniella, stop it.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin siya. Nagsimula na akong mag-alala. Pero baka naman nagCR lang diba? Daniella, stop overthinking! It's useless!

Naghintay pa ako ng limang minuto. After that, nagdecide na akong maghanap. Nagulat ako ng may biglang nagtitili.

"T-tulong! AHHHHH!" Nataranta ako. Anong meron? Hostage? Kidnapping? What?

Pagdating ko sa scene, nanginig ang mga kamay at labi ko. Sa tapat ng hotdog stand, may isang lalaking nakahandusay. He's wearing a black shirt and gray pants.

Unti-unti akong lumakad papalapit. Unti-unti ring bumabagsak ang luha ko. Nahahawi ang dinadaanan ko na para bang alam nilang ako ang hinihintay ng lalaking nakahiga na iyon.

"T-tumawag kayo ng ambulansya! Please! Please!" Sigaw ko. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Inilagay ko ang ulo niya sa lap ko. Hinaplos ko ang mukha niya. Malabo ang paningin ko pero alam kong may pasa siya sa gilid ng labi niya at sa mata.

"D-daniella." Tawag niya sa pangalan ko. Lalong bumuhos ang luha ko. Dahan-dahan niyang inangat ang kanang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Para bang pinapahiran ang mga luha ko.

"R-ralph. Ano na naman bang ginawa mo?" Nanginginig ang boses ko.

"Y-yung lalaki kasi eh. K-kinukuha yung last na french fries. Eh di ba paborito mo iyon?" Putol-putol ang pagsasalita niya. Napatingin ako sa paligid. Natapong drinks, fries, ice cream, at hotdog sandwich ang nakakalat.

"Pwede ba kitang murahin? Ha?" Sabi ko na nakapagpangiti sa kanya. Gusto ko siyang bugbugin. Pero ayoko pa siyang mawala ng tuluyan kaya hindi ko na ginawa. May saksak na siya sa tagiliran at nabugbog pa. Sapat na 'yon.

"Wag kang ngumiti. Bwisit ka. Saksakin ko yang noo mo eh. Bakit ka naman nakipag-away ng dahil lang sa fries ha? Baliw ka na ba?" Umubo siya. Naalarma ako. Sumigaw ulit ako na tumawag na sila ng ambulansya.

" D-daniella. Tumigil ka na. Wag ka ngang umiyak. Pumapangit ka." He can still manage to smile.

"Ralph. Umayos ka. Wag kang pumikit! Papatayin kita!" Banta ko. Parang hinahabol na niya ang paghinga niya.

Hinawakan niya ang kamay ko, "D, matagal na akong patay. P-patay na patay sa 'yo." Naningkit ang mata ko. Niyakap ko siya kahit na pumula pa ang suot kong kulay puti.

"Kumapit ka, Ralph. Sinasabi ko sa 'yo. Hindi na ako mabubuhay ng wala ka! Oo na. Korni na kung korni. Kahit lokohin mo pa ako habambuhay basta maging maayos ka lang." Tuloy-tuloy na sabi ko. Ngumisi naman siya na siyang nagpalabas sa dalawa niyang dimples. Abnormal. Nasa bingit na ng kamatayan eh.

"H-hindi ka na ba talaga mabubuhay ng wala ako?" Malumanay na tanong niya. Nakangisi pa rin siya. Sikmurahan ko kaya siya?

Imbes na gumanti, tumango lang ako.

"Pakamatay ka na lang. See you, sa langit." Ito ba ang dahilan kaya di siya nagsabi ng 'see you' kanina? Pero paano niya malalaman?

Unti-unting tumayo si Ralph. Nananatiling nakangiti pero mabilis ang paghinga niya.

"Bakit ka ba tumatayo? Hoy! Bakit ka naman nakaluhod ngayon? Saka ka pa magsisisi sa kasalanan mo? Peste ka talaga!" Inis na litanya ko. Napansin ko namang tumawa ang mga tao sa paligid ko. Wow ha? Live show.

Tinitigan ko si Ralph. Nagulat ako ng bigla siyang kumanta.

"People fall in love in mysterious ways

Maybe just the touch of a hand

Oh me I fall in love with you every single day

And I just wanna tell you I am..."

"Daniella, will you marry me?" Naglabas siya ng singsing mula sa bulsa niya. Sino ako para umayaw? Pero naguguluhan ako.

"A-ano 'to?" Tanong ko. Ngumiti siya at kasabay no'n ang pagbuhos ng tubig. Hindi siya ulan dahil sa amin lang bumubuhos. Hindi ko alam kung ano ang ginamit pero wala na akong pakialam pa. Marami akong tanong. Naguguluhan ako.

Walang nagsalita sa amin. Hanggang sa mawala lahat ng dumi sa katawan naming dalawa.

"Daniella, mahal kita. I love you. Saranghae. Wo ai ni. Kahit na anong mangyari, hindi kita iiwan. Again, I'll repeat my question, will you marry me?" Bumuhos ang luha ko. Sunod sunod na tango ang sinagot ko. Sinuot niya ang singsing sa akin at saka ako niyakap.

"I wanna hear it from you, D." Malambing na sabi niya. Ngumisi ako.

"Oo, Ralph. I'll marry you. Para makaganti ako sa pagpapaiyak mo sa akin. Dami ng salitang binitawan ko na sobrang korni. Bwisit ka." Sagot ko. Wala siyang reklamo sa sinabi ko at saka niya ako hinalikan.

Doon ko napatunayan na hindi ako mabubuhay ng wala si Ralph. Okay. Exaggerated. Doon ko napatunayan na si Ralph ay parte na ng sistema ko. Pero kung hindi naman kami para sa isa't-isa, matatanggap ko. Sorry na lang, ako ang mahal niya kaya sigurado na akong magsasama kami, habambuhay.

That Should Be Me(TSBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon