(WRONG GRAMMARS AND TYPOS AHEAD!!)
//02//
Zefelia Raivery Zybelle's POV
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng makaramdam ako ng subrang lamig. Nanginginig na bumangon ako sa aking kinahihigaan saka kunot noong tinignan ang aking kinaroroonan. Ang alam ko ay nasa bench lang ako sa labas? Bakit...
"**Cough(3x)**"
Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa itim na coat na nakapatong sa akin. Kahit na nalilito ay mas pinili ko na lamang tingnan ang oras sa aking cellphone.
It's already 2:34 am.
"K-Kailangan ko ng umuwi d-d*mn" Pilit akong tumayo kahit na nanginginig at masama ang aking pakiramdam. Sinuot ko na rin ang itim na coat na hindi ko Naman alam kung kanino , kahit na gusto kong alamin o hukayin ang aking memorya upang malaman kung bakit nasa Isang kubo na ako at kung kanino ang coat na nakakumot sa akin kanina ay pinagsawalang bahala ko na lamang kuna lalo na't mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa lubos na pagiisip.
"Mag kakalagnat pa yata ako **cough** **cough**" mahina kong bulong bago lumabas sa kubo.
Agad akong napayakap ng mahigpit sa aking sarili ng maramdaman ko ang malakas at malamig na simoy ng hangin.
Mabuti na lamang at huminto na ang ulan.
I look up the sky , a tear scape at the side of my eyes.
"Nakatulog nga ako ngunit bakit maging sa panaginip ay nandoon ka pa rin heix? B-Bakit patuloy mo pa rin akong sinasaktan?"
_________
Nanghihina at nanginginig kong binuksan ang main door ng bahay. Pilit ko ring iniipit ang aking pag ubo upang hindi marinig ng kung sino ngunit agad na nasilaw ang aking mga mata ng tumambad sa akin ang nakabukas na ilaw ng bahay.
Napatingin ako sa taong nakatayo katabi ng light switch.
"Naku iha! Anong nangyari at basa ka? At mukhang nilalamig ka pa!" Agad na tumakbo palapit sa akin si manang Nela upang daluhan ako. Inalalayan ako nitong maupo sa sofa sala kumuha ng tuwalya upang ipamunas sa akin.
Nag aalala itong tumitig sa kabuoan ko.
"Ano bang nangyari at ginabi ka Elia!? Nakuuu kang bata ka! Magkakasakit ka nito eh." Napangiti na lamang ako ng tipid dahil sa ipinapakitang pag aalala nito sa akin.
"N-Nasaan po si heix? T-Tulog na po ba sya?" Kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang Tanong na kanina ko pang gustong itanong. Agad namang natigilan si manang saka reryusong tumingin sa mukha ko.
She combed my hair with her fingers habang pinapatuyo nya rin ito ng tuwalyang hawak nya.
"Hindi nya ba nasabi sayo' iha?" Tanong nito na may bahid na pag aalala ang nga mata. Kumunot Naman ang noo ko.
"A-Ang akin po Nanay Neli?" Pilit kong usisa kahit na alam kong hindi ko magugustuhan ang maaaring sagot.
Huminto ito sa ginagawa saka hinawakan ang aking dalawang kamay kasabay ng pagtitig nya ng diretso sa aking mga mata. Napalunok ako.
"Iha , Isang linggo syang mawawala at baka'y umabot pa ng dalawang linggo dahil sa hindi inaasahang business meeting na magaganap sa Italy. Nagpaalam sya sa akin kanina at ang Akala ko ay nasabi na nya sa iyo?"
Agad na nangilid ang aking luha dahil sa narinig.
B-Bakit hindi manlang nya sinabi sa akin kanina? B-Bakit... Ganon nya ba talaga ako hindi kagusto maging asawa nya? Inaasahan ko pa Naman na kahit Ngayon lang ay sya ang mag aalaga sa akin. K-Kahit Ngayon lang sana...
"Iha..."agad akong napasinghap at napatawa ng mahina ng marinig ko ang nag aalangan tawag sa akin ni nanay Neli.
Nanginginig kong pinunasan ang aking mga luha na tuloy tuloy na Naman sa pagtulo saka ngumiti na lamang kay nanay Neli.
"Ayos lang po ako nay. S-Siguro ay nakalimutan nya lang" pilit kong tinatago ang lungkot sa aking boses kahit na walang tigil sa patulo ang aking luha.
Napabuntong hininga Naman ito saka nagkusang punasan ang aking mga luha.
"Kahit na masayang pagsasama ang nakikita ko sa inyong nag asawa kapag narito ako ay alam kong may nangyayaring hindi tama sa pagitan nyong dalawa Elia. Matanda na ako at marami ng karanasan. Lalo na ng makita ko ang magandang babaeng kasalo nya kanina sa pagkain ay alam kong may mali na sa relasyon nyo iha" napatigil ako dahil sa narinig ko mula sa kanya.
Unti unti ay kumawala ang malakas na Hagulgol sa aking bibig saka sya agad yumakap ng mahigpit sa kanya at umiyak ng umiyak sa kanyang balikat.
"N-Nay... B-Bakit ganon. B-Bakit ganon sya? A-Ang sakit. Subrang s-sakit d-dito sa dibdib N-Nay" iyak ko na tila batang nagsusumbong sa kanyang ina.
Ramdam ko Naman ang lalong paghigpit ng yakap nito sa akin at ang paghaplos nito sa aking buhok at likod.
"Nak. Sa Isang relasyon at hindi natin maiiwasan ang ganyan. Noon palang unang araw ng pagtatrabaho ko dito ay may pagdududa na ako sa relasyon nyong dalawa lalo na sa tuwing nakangiti kayo sa isa't isa na tila ba masayang mag asawa. Kitang Kita ko ang saya sa mga mata mo iha ngunit lubos na panlalamig Naman ang nakikita ko sa mga mata ng iyong asawa. At ng makita ko kung gaano kasaya ang kanyang mga ngiti at mga mata habang kausap ang babaeng kasama nya ay lubos na panghihinayang ang naramdaman ko dahil sa malapekeng relasyon nyo. Kinaya mong makasama sya ng dalawang taon sa iisang bubong ngunit hindi panghabang buhay ay kakayanin mo ito iha, dahil paulit ulit ka lamang masasaktan Elia."
Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib ng dahil sa sinabi nya. Tama sya, hindi panghabang buhay ay kakayanin kong makasama si heix sa iisang bubong ng hindi nasasaktan.
"Kaya't iha" dahan dahan syang humiwalay sa akin saka hinawakan ang dalawa kong pisngi at ngumiti sa akin ng Malumanay.
"Mas mabuting mag desisyon ka na habang maaga pa. Kung kaya mo pang magtiis ay nasa sa iyo iyan ngunit ihanda mo 'iyang' puso mo , bata ka pa iha at bata pa kayo kaya't marami pa kayong pagdadaanan. At kung kayo nga ang para sa isa't isa'y kahit anong balakid ay kaya nyong lampasan lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman. Kaya't iha kung subrang mabigat na ,kung subrang sakit na ay hindi masamang sumuko paminsan minsan lalo na kung ang puso mo na ang nakataya."
Tila Isang magic word ang mga salitang lumabas sa bibig ni nanay Neli na dahilan upang ako'y matigilan at mag isip.
Napahawak ako sa aking dibdib na patuloy pa rin sa pagkirot saka matamis na ngumiti kay nay Neli habang nangingilid ang mga luha.
"Mukhang tama ng kayo nay. Panahon na nga siguro para pakawalan ko itong nararamdaman ko , panahon na para piliin ko Naman ang sarili ko."
Napangiti ito sa aking sinabi at habang nangingilid na rin ang mga luha bago ako hinila para bigyan ng mahigpit na yakap.
"Nandito lang ako iha. Susuportahan Kita sa kahit anong desisyon mong alam mong makabubuti at makapagpapasaya sayo'."
"M-Maraming salamat nay"
_____
Written by: SinnerInk
BINABASA MO ANG
THAT DANGEROUS MAN'S OBSESSION
General FictionWhen her husband neglected her but, there's her hero who always makes her feel to be loved. An unknown man who secretly eyeing her until he snatch another man's woman. Story started:10/09/22 story ended:03/29/23