Chapter 3.2:Uh-oh!

32 2 0
                                    

Continuation...

Andito pa rin ako sa bahay ni Jeremie walang ginagawa kundi tinutusok yung pisngi niya para gumising.Gabi na ano na lang ang sasabihin ko sa kuya ko niyan madali pa naman yun magalit o sa madaling salita mainitin ang ulo.
Ewan ko ba bakit mainitin ang ulo nun.

Gusto ko nang umuwi,kumakalam na ang tiyan ko,natapos ko na ang lahat lahat na assignments ko di pa 'to nagigising.Tatakas na lang ako,bright idea(ting!)

Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko.Dahan dahan akong naglakad papuntang pintuan, ayan na malapit na konting hakbang na lang malapit ng biglang akong natapilok.Napapikit na lang ako kasi alam kong mahuhulog na ako,at napatili pa ako sa sobrang pagkagulat kaya tinakpan ko agad ang bibig ko.

Imbis na mahulog ako sa sahig pakiramdam ko ay parang nakalutang ako kaya minulat ko ang mga mata ko at pagkakita ko ay isang lalaki.Wait!?Isang lalaki at si Jeremie!?Akala ko tulog siya!Pinagmasdan ko ang mukha niya makikita mo na kulay abo ang mata niya matangos ang ilong yung labi mapula at yung kilay niya.Ang gwapo no!Di kayo bagay kami ang bagay.May narinig akong boses babae,konsensiya ko ata 'to eh bakit ganun parang may pagka maharot,pagkakita ko ay nasa taas siya kumakaway,siniringan ko na lang siya,napunta ako sa realidad ng marealize ko na buhat niya pa rin ako.Nakita ko sa mga mata niya na walang emosyon pero di ko maintindihan bakit ganun.
Ang  gwapo pala niya.
Parang namumula ata ako,sh*t I hate him.

'Bakit ang lampa mo?stupid shortcake'sabi niya

Nabasag ang katahimikan ng biglang bumukas ang pintuan.Bigla akong nahulog sa sahig.

'Ouch!'habang hinahaplos ang masakit na parte.Biglang may pumasok na isang lalaki matangkad,moreno.

'Hi Camille'bati niya sa'kin.'Ilang isda ang nahuli mo?'tanong niya na may pangaasar na tono.

Sinamaan ko agad siya ng tingin.

'De joke lang tara!'inabot niya ang kamay sa'kin at hinila niya ako patayo.

'Bakit ka nga pala nasa sahig diyan kanina?'tanong niya.

'Wala gusto ko lang may problema ba dun?'sagot ko

'Wala'sabi niya.

'Sige uuwi na ako ikaw na bahala diyan sa kaibigan mo!'pagalit kong sabi.Nakakainis kaya bigla ka na lang ibabagsak sa sahig

Aalis na ako ng biglang may humawak ng kamay ko.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko o parang kinabahan ako.

'Bakit?'irita kong sagot.

'Ihatid na kita'aya niya.

'Wag na kaya ko na ang sarili ko'walang gana kong sagot,pagod na rin kasi ako di pa ako kumakain.

Biglang nag ingay yung tiyan ko.Ikaw ba naman di kumain ng lunch,wala pang meryenda.
Nakatingin ang dalawang unggoy sa'kin.

'Ano?!'sabi ko.

Nakatitig pa rin sa'kin yung dalawa,kaya umamin na ako.

'Ok,ok nagugutom na ako wala pa kasi akong kain simula nung lunch hanggang ngayon kaya wag kayong makatitig ng ganyan,dukutin ko yung mga mata niyo diyan eh.'habang tinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sumusuko.

'Dito ka na kumain'sabay na sabi ng dalawang unggoy.

'Ako na ang magluluto'sabay ulit na sabi nung dalawa.

Ang AWKWARD ng atmosphere.Kaya ako na lang ang nagvolunteer na magluto.

'Ok ako na lang ang magluluto'marahan kung sabi.

Ms.Right meets Mr.WrongWhere stories live. Discover now