Chapter 2:Di inaasahan

42 2 0
                                    


'Hoy nerd gumising ka na diyan papasok ka pa'sabi ng panget kong kuya
'Oo na gigising na'sabi ko.Pero nasahigaan pa ako habang sinasabi ko yun.
'Gumising ka na kasi kundi bubuhusan kita diyan ng mainit na tubig makikita mo'sabi ng panget.
'Sabi ko nga eh gigising na'sabi ko habang nililigpit ang higaan ko.
Mahal ko yang panget kung Kuya kahit brutal minsan.

'Bat ang init ng ulo mo binasted ka ba ng nililigawan mo ha?'
Uh-oh!kasi naman 'tong bibig ko bigla bigla na lang may lumalabas kung ano ano.
Ang sama ng tingin niya sa'kin.
'Bilisan mo na diyan aantayin ka namin ni mama sa baba wag kang VIP nerd!'sabay padabog na isinara ang pintuan ko aba!sisirain pa ang maganda kong pintuan.

Tumakbo ako papuntang cabinet at kinuha ko ang towel ko sabay pasok sa c.r.Pagkatapos kung maligo ay nagsuot na ako ng damit,mahabang damit at maikling palda maabutan na ata ng damit ko yung palda ko ah,nevermind.Syempre mawawala ba ang salamin ko,nagtataka ako sa ibang tao kapag nakakita ng malaki at makapal na eyeglasses nerd agad?Di ba pwede munang malabo lang ang mata.
Bumaba na ako papuntang sala kumain,pero nakita ko ang panget kung Kuya nakatingin sa'kin siguro gutom na 'to ahahaha.Pero ang sama parin ng tingin sa'kin ng Kuya ko ano 'to staring contest pero hindi ako magaling diyan.

'Hoy nerd bat ang tagal mo ha?'pagalit na sabi niya.
'Eh matagal eh!'sagot ko.
Yes! ang hinihintay kong ang ulam ko na *drum rolls* cheesedog and bacon pero pag hindi yan ulam ko aalis na lang agad ako.
'Ano ba yan eh puro na lang cheesedog at bacon ang ulam kapag hindi cheesedog,bacon kapag hindi bacon,cheesedog.Kasawa!'sabi ng magaling kung Kuya.
'Sorry kuya AHAHAHA Mother's knows best*evil laugh*'sabi ko.

'Anak'sabi ni mama

'Po?'

'Bakit wala ka pang boyfriend?'

Nabulunan ako ng sabihin ni mama yun, kay mama pa mismong nanggaling yung boyfriend na yun ah.Buti na lang at inabutan agad ako ni Kuya ng tubig.

'Ma parang nagmamadali naman po kayo ah!'

'Hindi naman sa ganun anak palagi ka na lang kasing nakababad sa mga libro na yan parang wala pa ngang kurapan eh.

'Paano naman magkakaboyfriend yang nerd na yan tignan mo nga yung pananamit niyan at yung makapal na salamin niyan.'sabi ng panget.

'Ma,alis na po ko baka malate ako eh'sabay kiss sa cheeks

'Sige, anak ingat.'kiniss din ako ni mama sa cheeks.

'Bye nerd'paalam ng panget kumg Kuya.

'Bye panget'then I rolled my eyes.

Lumabas na ako ng bahay,naglakad pa ako ng ilang minutes para makalabas ng subdivision para pumara ng taxi.Habang naglalakad ako may nakita akong matanda na nanghihinhi sa'kin ng pagkain.

'Ija,pahingi naman kahit konting pagkain'sabi nung matandang babae.
Naghalungkat muna ako ng bag ko para tignan kung nilagay ni mama yung baon ko na pangrecess ibibigay ko na lang sa matanda.

'Ah eto po oh'sabay bigay ng pagkain.

'Salamat Ija,ang bait mo naman sa kapalit pwede ba kitang hulaan?'
Wala naman atang mawawala kumg magpapahula ako.Pero malalate na ako sa first class ko eh,pagbibigyan ko na lang yung matanda.
'Uhm.sige po'
'Akin na ang palad mo'utos nung matandang babae.
Binigay ko naman ang palad ko dun sa matanda,mukhang gulat ang reaction nung matanda,kinabahan tuloy ako.
'Ano po ba ang nakita niyo nanay'tanong ko sa matanda.
'May makikilala kang mga tao na magpapabago ng lahat dahil dito may magiging kaaway ka o marami pa ang darating sayo na mga kaibigan,at dito ka rin masusubok ng tadhana mo'
Habang nilalagay ko sa utak ang lahat ng sinabi ng matanda pagkalingon ko ay bigla na lang itong nawala.
Kinikilabutan tuloy ako.Nagloloading pa lahat sa utak ko.
Pumapara ako ng taxi pero di ako hinihintuan puro puno kasi eh.Lord bigyan niyo ako ng taxi pleasee.
Sakto may pumarang taxi pumasok agad ako sa loob.Ang bait talaga ni Lord.Mga 10 minutes andun na ako sa school,pero sana di traffic.
Pumasok na ako sa loob ng university dali dali akong pumunta ng locker para kunin yung mga gamit ko.Amp!4th floor pa pala yung room ko pero extension bat kasi ang laki laki ng university na 'to eh.Nagelevator na lang ako para mabilis pagkabukas ng elevator tumakbo talaga ako ng mabilis pero biglang-
'Sh*t!bakit nahulog pa yung gamit ko,minamalas pa ata ako ngayon ah second day palang may detention slip na agad ako'
Malapit na ako sa room ko malapit na malapit na, ayan malapit na malapit na malapit na biglang-
'Miss your late in 5minutes'-sabi nung teacher ko
'And the three of you!'sabay turo sa kanila.
Pagkalingon ko ay nakita ko ang mukha nung Jeremie Flores na gustong gusto ng mga babae,pero sorry di ko siya gusto,Mygosh!Isang galaw ko lang dito ay mawawala na ang first kiss ko,ang lapit ng mukha ko sa kanya Geez!!parang namumula ata ako sana hindi.Biglang ngumiti ang unggoy,siniringan ko na lang siya.Pagkaharap ko sa klase ay lahat ng babae ay ang sama ng tingin sa'kin Ugh! nakakainis na sila ahh kanina si kuya ganyan, ano ba'to staring contest di ako magaling diyan eh.
'Go back to your seat now!'utos samin ng teacher namin,syempre dun pa rin ako sa‌ upuan ko,bandang likod pero ka line ko yung mga unggoy na lalaki.

Ms.Right meets Mr.WrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora