Chapter 3:That Detention!

46 2 0
                                    


Papunta na ako kung saan kami ay magkikita ng friend ko na si Gale.Imbis na dumaan ako sa mismong labasan ay pumunta ako sa kabilang daan kung saan ay konti o madalang lang ang may napunta doon.Habang nagbabasa ako ay biglang may humila ng buhok k-
'Hoy malanding babae kung sino ka man huwag na huwag mong lalapitan ang Baby Jeremie ko kundi malilintikan ka samin TANDAAN MO YAN NERD!'hindi na ako nakalaban kasi nanghihina na ako at parang nahihilo na ako,bigla na lang may naramdaman ako na malamig.
'Yan ang bagay sayo loser ahahahaha'sabay buhos ng malamig na malamig na juice.Narinig ko na lang na nagtatawanan ang mga babae.
'Bye loser!' 'Bye nerd!' Sabi mung dalawang babae.

Ako anong itsura ko dito eto basang basa,giniginaw pa malilintikan talaga sa'kin yung mga babae na yun.Itetext ko sana si Gale pero wala nga pala akong number nun,ano ba yan kainis!
Paano ako pupunta doon kung ganito ang itsura ko.Ganito na lang pupunta na lang ako ng detention room para maglinis and then pagkatapos nun wala na ang mga students,tapos uuwi na ako.Bright Idea!Bukas ko na lang kakausapin si Gale kung ano ang nangyari sa'kin.

Habang naglalakad ako papuntang detention room ay may nakita ang mga mata ko na naghahalikan!Bakit dito pa pwede naman sa iba ugh! Kadiri!
Habang nandidiri ako sa dalawang students kanina,may narinig akong nakanta infairness ang ganda ng boses niya,emotionally ang pagkanta niya parang may pinaghuhugutan sa bawat salita.
Pumunta ako malapit sa pinto para tignan kung sino ang nakanta nagulat ako sa nakita ko isang lalaki yung nakanta at s-si Jeremie Flores yun,yung cold na lalaki,may pagka jerk.
Kinabahan agad ako bigla ng tumigil ang kanta nagtago ako sa gilid para hindi niya ako makita.Aalis na sana ako ng biglang may yumakap sa'kin mula sa likod.

'Dito ka lang Celine wag kang aalis sa tabi ko mahal na mahal kita'malungkot na sabi niya,nagtataka ako bakit niya akong niyakap.

'Bitawan mo nga ako hindi ako si Celine pwede ba itigil mo na yan'sa sobrang higpit ng yakap niya ay di na ako makaalis.

'Please Celine dito ka lang wag mo akong iwan please'umiiyak na sabi niya.Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako,naiilang na talaga ako,baka masuntok ko 'to baka magising,wag ganun masyadong brutal pero may naaamoy akong parang alak,hindi naman ako inamoy ko ang unggoy sa likuran ko at siya nga yun.Maya maya ay natahimik na siya pagkatingin ko ay nakatulog na ito.Aba! Ginawang higaan ang likod ko.Paano na lang ako nito basa na nga damit ko may isang unggoy pa nasa likuran ko na natutulog.Ugh! I hate this life.
Iniwan ko muna si jeremie sa isang room para matulog ang bigat niya ahh sobra bakit kaya kapag tulog ang amo ng mukha niya at mukhang mag gygym ang unggoy.Ang haba ng pilik mata niya,ang tangos ng ilong,mapula ang labi.Camille wag kang manyak.Ano ba yan nakokonsensya na agad ako.Parang babae eh.Bahala ka diyan sa buhay mo maglilinis ako.

Nasa detention room na ako binigay ko na ang detention slip ko kay Ms.Sungitan bagay lang pala sakanya yang surname na yan kasi ang sungit niya.
'Pumasok ka na sa loob mag hintay ka diyan ng 15 minutes at tatawagin kita kung saan ka maglilinis'
'Opo.'sabi ko.I hate you life.

After 15 minutes

'Miss Fuentes linisin mo ang isang room sa 4th floor pagkatapos nun ay pwede ka nang umuwi,at teka anong nangyari sayo Ija bat basa yang damit mo?'tanong niya

'Ahh nabasa lang po ako ng tubig sige po punta na ako sa 4th floor'

At andito na nga ako sa 4th floor.Okay lilinisin ko pa ang isang buong room.

Linis dito,linis doon,linis diyan,linis kahit saan

Umupo muna ako saglit para magpahinga ang hirap pa lang maglinis,parang ilang kwarto ko na ang nalinis ko nito.
Pagkatapos kung maglinis ay uuwi na ako Yes! Uwian time na makapagbabasa na ako ng libro nito.
Habang naglalakad ako ay naalala ko si Jeremie iniwan ko nga pala siya sa isang room.Binalikan ko si Jeremie,pagkakita ko ay wala siya doon,bigla tuloy akong kinabahan kanina andyan lang siya eh,pero nawala paano yun.
Hinanap ko siya sa buong room at nakita ko siya,nasa likod tulog na tulog at humihilik pa.
'Ano bayan paano kita ihahatid sa inyo di ko nga alam bahay niyo'inis kung sabi.
'Dapat kasi di na lang ako nakinig sayo obligado pa tuloy akong ihatid ka napakagentleman mo talaga noo!'sacrastic kung sabi.

Tinignan ko kung may bag siyang dala,pero wala ano ba'tong klaseng studnt wala man lamang bag.
Kinuha ko ang cellphone niya sa bulsa niya baka may makita akong information.Pagkatingin ko ay may message and calls
50 messages,25 calls
Binuksan ko ang isa sa mga message ang nakita ko ay-
From:Steven
Jeremie where are you? we have a practice
From:Kurt
Dude!asan ka na?

Biglang nagring ang phone niya.
Calling...
Steven
Sinagot ko ang tawag.

'Jeremie!asan ka na?anong oras na!'pasigaw na sabi sa kabilang linya.

'Hello'

'Sino to!? Bakit nasayo ang phone ni Jeremie!?'

'Im Camille Fuentes'

'Camille! Yung babae na ano-'

'Oo nga ako nga yun'

'Bakit na sa yo ang phone ni jeremie?'

'Mahabang kwento pwede ba pumunta ka na dito tapos ihatid mo siya sa bahay nila'

'Sorry di kita mapupuntahan diyan,may family dinner pa kami,itetext ko na lang kung saan yung condo niya sige Bye.'

'Bye'

Inend call ko na ang tawag ano ba yan kasi paano nalang ang sasabihin ko kay Kuya tiyak,papagalitan ako nun.
One text message received:
From:Steven
Alam mo ba yung Flores Condominium?Andun yung condo niya sa Room 269,yung susi niya ay nasa kabilang bulsa.Goodluck:)

Kinabahan agad ako bigla bakit siya nag gogoodluck may mangyayari ba?Hays gutom lang 'to.
Nag grab ako ng taxi,mga ilabg minutes ay nasa Flores Condominium na ako grabe ang yaman naman nila,nahh nevermind.Sinunod ko ang sinabi ni Steven sa room 269.Andito na ako sa tapat ng pintuan niya,grabe ang bigat niya huh!Kinuha ko ang susi sa bulsa niya at nabuksan ko ang condo.
'Hay salamat nahatid na kita,ang bigat mo naman pala ang sakit ng balikat ko'habang minamassage ko ang balikat ko.

Inilibot ko ang mga mata ko sa condo niya makikita mo yung plain na mga colors o yung mga natural lang.Makikita mo rin ang mga gamit niya para sa banda,ang hilig niya talaga sa music.
Pumunta ako sa may kusina para gumawa ng coffee nilagyan ko pa ng leaf design yung ibabaw effort ako dun ah.
Pinuntahan ko na siya para ibigay yung coffee,pero tulog pa rin ito.Sinundot sundot ko ang mukha para magising.
'Uy gumising ka na nga diyan'habang sinusundot ko ang mukha niya.
'Oy gising na!'
'Mmmmmm'sabi niya.Sa dinami nami ng sundot ko sa mukha niya di pa rin siya nagising.
Nako konti na lang ang pasensya ko bubuhusan na kita ng na tubig,makikita mo.
'Mmmmmm'sabi niya.

Di ko na namalayan ang oras gabi na pala patay na ako sa kuya ko nito,parang magkaka World War 3 na nito sa bahay.

---

A/N:
Hi!Readers may Part 2 pa ang chapter nito.Pabitin muna ahahaha.Thank you sa pagbabasa ng story ko Labyu all :*
---

∞사랑해요∞

Ms.Right meets Mr.WrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora