Chapter 4:Grounded

16 1 0
                                    

Camille's POV

Nagising na lang ako ng may yumuyugyog ng kama ko.Binuksan ko ang mata at ang bumungad sa'kin ay si Angel ang pinaka cute at pinaka maganda kong pusa sa buong mundo.Tumayo na ako sa hinihigaan ko at pumunta ng c.r. para maligo.Natapos na akong maligo inayos ko na ang mga gamit ko para pumasok na sa school,at baka malate na naman ako.Palabas na ako ng room ko pero parang may nakalimutan akong gamit pero di ko alam kung ano yun.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko para maalala ko kung ano yung nakalimutan kong gamit.At naalala ko na yung laptop at cellphone ko ay nawawala,may magnanakaw dito sa subdivision.

Tinawag ko si kuya ng pasigaw mula dito sa kwarto ko.

"Kuyaaaaaaaaaa"sigaw ko habang hinihingal ako.

"Ano ba yun aga aga ang lakas ng boses mo alam mo namang may natutulog pa!!"sabi niya habang hinihingal din,baka nagulat ko mukhang kagigising lang eh.

"Ano ba ang problema mo bakit mo ko tinawag?"tanong niya mukhang galit na.

"May magnanakaw dito kuya!nawawala ang cellphone at laptop ko!!!"sabi ko ng pasigaw,kasi pasigaw niya akong kinakausap kanina eh.

"Your grounded."sabi niya.

"But why?! ano ba ang ginawa ko!"irita kong sabi.Nakakainis bakit grounded ako wala naman akong ginawang masama.

"Umuwi ka kahapon gabi na,I said to you'll be going home at 7:00PM not 10:00PM Camille!,tinatawagan kita pero di ka sumasagot tama bang uwi 'yon ng isang estyudante?!"pagalit na sabi niya.Di ko namalayan na ganung oras na ako nakauwi,naiinis tuloy ako sa sarili ko bat ko pa tinulungan yung unggoy na yun.

"But Kuya-"di ko na natapos ang pagsasalita ko ng bigla siyang nagsalita.Bastos na bata.

"No but's one week kang grounded,pag nagdismiss na ang class diretso uwi sa bahay"bossy niyang sabi.Buti na lang kuya ko 'to kundi nako talaga.

"Pero Kuya ang unfair!!"sigaw ko sabay irap.Para akong bata dito.

"Hihirit ka pa? o madadagdagan ng isang week ang grounded mo"ngumisi siya habang sinasabi niya yun Ugh! I hate him,wala akong kakampi ngayon wala kasi si mama may pinuntahan,one week siyang mawawala sa bahay dahil sa work niya.

"Sabi ko nga tatahimik na."then I zip my mouth.Wala na akong nagawa,he win again porque wala si mama dito sinasamantala niya.

Paano na yan,dun pa naman ako nagresearch ng mga works or assignments ko,Geez!Kairita si kuya paano niya nalaman na ganoong oras ako umuwi eh wala namang tao nung gabi.

Parang may CCTV dito teka mahanap nga,ay wag na lang malalate na ako,kainis gandang simula nito Camille LATE.

"Bye panget"

"Bye nerd"

Goshh malalate na ako 5minutes na lang sana maka abot ako nito.Sumakay ako ng taxi,dapat magje-jeep ako pero sayang sa oras eh kaya taxi no choice kahit mahal pamasahe ok lang.

Patakbo na ako nung pumunta sa school bigla akong pinigilan ni Manong Guard.

"Teka lang"pigil niya.

"Bakit po kuya guard?"tanong ko.Yun pala inspection lang kainis bawas sa oras bili manong guard malalate na ako.

Tumakbo ako ng tumakbo okay Camille fourth floor extension kaya mo yan.Aja!

Best runner kaya ako lol.

Malapit na camille takbo pa,sige pa takbo lang malapit na ayan na malapit na malapit na malapit n-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms.Right meets Mr.WrongWhere stories live. Discover now