Six
Mailap sa akin ang antok. Isang oras na siguro akong nakahiga sa aking kama pero ang diwa ko ay gising pa rin. I sighed for the nth time. Hindi ko alam kung ano nais kong gawin. Sa huli, pinili ko na lamang ang bumangon at nagpalit ng damit pambahay. Sinulyapan ko si Bomi na naghihilik sa aking kama. Napangiti ako. Lumapit ako para ayusin ang pagkakakumot sa kanya. Laking pasalamat kong tulog na ito nang dumating ako dahil ayokong putaktihin ako nito ng mga tanong.
Bumaba ako sa unang palapag at tinungo ang aking panaderya.
I glanced at the wall clock. Pasado alas tres na ng madaling-araw. Isang oras mula ngayon ay darating na ang aking panadero na tagagawa ng ibang tinapay katulad ng ensaymada at cinnamon roll. Gigising na rin mayamaya ang aking tindera at assistant na si Lena.
Hinanda ko ang mga gamit at mga sangkap saka ako nagtimpla ng kape. I checked my notebook para tiyakin na walang nagpa-reserve ng cake para ngayong araw. Mabuti na lamang ay wala akong bookings for today. Gusto ko mang umpisahan ang paggawa ng tinapay ay tinablan ako ng katamaran. Hindi ko alam bakit wala akong ganang kumilos at tila ba wala akong lakas gumawa ng mga bagay na nakasanayan kong gawin. Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili. There's probably something wrong with me. Lunes na Lunes ay nanlalata ako. Mukhang lalagnatin yata ako.
Pinilig ko ang aking ulo. I am just probably tired and need a rest. Bukod pa sa dalawang gabing magkasunod na wala akong sapat na tulog. Bitbit ko ang tasa ng kape sa sala nang masumpungan ko ang pagbaba ni Bomi mula sa ikalawang palapag ng bahay.
Magulo ang kanyang buhok at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tila ba nagising ito mula sa isang bangungot. Naghihikab itong tumabi sa akin.
"Hindi ka makatulog?" Salubong na tanong nito sa akin.
"Hindi ka man lang ba nagulat na nakauwi na pala ako?" Ani ko.
"Naramdaman ko ang presensiya mo dahil panay ang baling mo sa kama. Pinapakiramdaman lamang kita, bestie." She answered knowingly.
"You should have told me. Pwede naman akong tumabi kay Darren para hindi ko madistorbo ang pagtulog mo."
"Akala ko kasi makakatulog ka kaagad pero nagising ulit ako sa kaluskos na gawa mo. Tell me..." Pinasadahan niya akong tingin. "What's running in that pretty head of yours?"
Nagkibit-balikat ako saka humigop ng kape. "Nothing. My mind is blank."
"What a load of crap, Porsche. I didn't know you're that good in bullshitting."
"What some coffee?" I disregarded her statement.
"The caffeine I drank since you started running the bakeshop could probably last me a lifetime. So...."
"Bomi.... please I don't want any interrogations at this moment. I'm exhausted."
"I can see that. But it seems like you're more exhausted emotionally, Porsche. So, what will happen next?"
"Huh?"
She rolled her eyes at me. "After your whirlwind affair and sexapade, what's the next step you're going to take?"
"There's no next step, Bomi. It was over." I said as I placed the cup of coffee on the center table.
"Ano?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Hinawakan nito ang aking balikat kaya tuluyan akong napaharap sa kanya. "Ganun lang yun?"
"Ganun lang yun." Sabi ko ng may diin.
"What? Ano ba yan. Akala ko pa naman si Matteo na ang sagot sa aking mga dasal para sa'yo. I got my hopes up for nothing. Gosh, I'm so disappointed. I'm angry. That asshole! Akala ko pa naman bukod tangi siya sa lahat!"
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest Downfall
RomanceThis is Fortress Island Series 3: Matteo, The Bastard's Sweetest Downfall
