Stupid
Kupkop ko ang aking cellphone na nahulog ko kanina habang naglalakad ako paroo't parito sa sala. Tinatambol ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang nakalipas pero hindi ko magawang kumalma o maupo man lang. Ang daming tumatakbo sa aking isipan. Ang mga ganap kaninang umaga ay paulit-ulit na aking binabalikan. Ang sumbat at poot sa mga mata ni Ahreum ay tila punyal na nakabaon sa aking dibdib at hindi ko alam paano ito alisin. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa aking anak ang ginawa kong pagkakamali.
Humugot ako ng malalim na hininga. Pagkakamali. Ewan ko ba pero mabigat sa loob ko na tawagin si Matt na isang pagkakamali. Hindi ko maipagkakailang naging masaya ako sa ilang sandali na nakapiling ko ito. At hindi ko kailanman matandaan ang huling beses na naging tunay na masaya ako bago ko nakilala ang lalake.
"Ate. May naghahanap sa'yo."
Napaigtad ako sa pagpukaw na iyon ni Lena mula sa aking malalim na pag-iisip.
"Huh? Magpapasinsilyo ba?" Lutang na sagot ko.
Kumunot ang noo ni Lena sa akin. Parang nagdadalawang-isip ito kung tatawa ba o mag-aalala sa sinabi ko. Napakamot ito sa kanyang batok. "Yung pogi na nandito nung nakaraan, nandito ulit, ate. Hinahanap ka kako."
Napalunok ako at tumango sa kanya. "Papasukin mo, Lena."
Nagulat ito sa aking sinabi. Agad na lumawak ang ngising nakapaskil sa kanyang mga labi. Bakas sa kanyang mukha ang panunukso. Wala akong lakas na pasubalian ito. Bahala siya o kung sino man sa gusto nilang isipin.
"Sige, sige, te. Papapasukin ko na agad-agad." She winked at me at agad na nawala ito sa aking paningin.
Pinili kong umupo sa sofa at humalukipkip. Ilang sandali pa'y rinig ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa akin. Bago pa ako makatingala ay halos napatili ako sa biglaan nitong paghila sa akin at agad na niyakap ako ng mahigpit. Sa gulat ko'y nabitawan ko ulit ang aking cellphone.
"Matt." Mahinang saway ko. His hand was cupping the back of my head as he pulled me closer against his chest. I had no choice but to bury may face on it. Agad akong napapikit nang malanghap ang pamilyar nitong pabango.
His other arm was securely wrapped around my waist, holding me in place, making sure there's no way I could ever let go from his hold.
He gasped as he breathed me in. "I was worried." He murmured at the top of my head. He then started giving me soft kisses on my temple and forehead. "I missed you, cupcake."
"Matt, please." My voice was still weak. Just by his presence, he made me melt in an instant. Lahat ng mga balak kong sabihin sa kanya ay tuluyang nilipad ng hangin. Hindi ko alam saan mag-uumpisa o paano hahagilapin ang mga salita.
Matt bent his head as he cupped my cheeks. It was then that I was able to look at him up-close. And I wasn't prepared by the emotions his eyes conveyed as he stared at me. He made me breathless.
"Are you okay?" The concern in his voice could be felt in my bones.
I wanted to say yes because he was holding me like this, but I knew deep in my heart, I wasn't. I shook my head and tears started to well in my eyes.
"I'm sorry. Hindi ko inaakalang malalaman ng anak mo sa ganitong paraan. I should have been careful."
Umiling ako. "Hindi mo kasalanan. I should have known better, Matt. Alam kong malalaman niya ang tungkol sa ginawa ko kahit ano pa mang pag-iingat ang gawin ko. I should have stopped..."
"Oh, no, Porsche. Don't fucking tell me you regret everything that happened between us." Matalim na saad nito.
Umiling ulit ako. "Hindi na dapat ako nakipagkita pa ulit sa'yo, Matt. Hindi ko dapat inuna ang sarili kong kaligayahan. Nawala sa isipan kong may mga anak ako at dapat sa kanila na lamang umiikot ang mundo ko. Kasalanan ko dahil pinili kong kalimutan na isa na pala akong ina."
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest Downfall
RomanceThis is Fortress Island Series 3: Matteo, The Bastard's Sweetest Downfall
