ELEVEN

823 67 6
                                        

Questions


Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang makita si Matt na nakaupo sa single couch sa sala. Sa kanyang kandungan ay nakaupo si Darren. They were both engrossed at what they're watching on the TV. Tila may pinapaliwanag ang lalake tungkol sa kanilang pinapanood. Si Darren naman ay panay ang tango na para bang naiintindihan nito ang sinasabi nang una.

Part of me was happy that Matt was able to get close to my son in a short period of time. Akala ko mahihirapan ang lalake na makuha ang loob ng aking anak na lalake, hindi naman pala. Pero habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang di makaramdam ng lungkot. I was sad for my late husband's behalf. Maaga siyang kinuha sa amin. He would have given anything in this world just to have moments like this with his son.

It's unfair for his part and I should blame myself for that. Hindi ako makakaramdam ng ganitong guilt kung tinapos ko kaagad ang ugnayan namin ni Matt o kung hindi ko sana inuna ang sarili kong kaligayahan.

Alam ko naman na walang mali kung sakali mang umibig man akong muli. Alam kong hindi iyon kasalanan sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Ang pagkakamali ko lang ay mula noong namatay ang aking asawa, tinatak ko na sa puso at isipan ko at sa mga bata na hinding-hindi mapapalitan ng kahit na sino si Steve. Kaya nang dumating si Matt sa buhay ko, hindi ko alam kung anong gagawin. At lalong hindi ko inaasahan na sa loob ng maikling panahon ay iibig akong muli.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago maingat na bumaba sa hagdan. Dumiretso ako sa kusina at natagpuan ko doon si Bom na nag-aayos ng mesa. Hindi ko man lang nabatid na malapit na pala maghapunan at wala akong idea kung ano kakainin namin ngayon.

Nag-angat ito ng tingin at malapad na ngiti ang sinalubong nito sa akin. Binitawan nito ang hawak na plato at agad na lumapit sa akin.

"Bestie!" She pulled me for a hug. "How are you feeling? Pinag-alala mo ako."

I hugged her back. "Mabuti na ako, Bomi. Para lagnat lang, nag-alala ka kaagad?" I chuckled while pulling myself away from her.

"Hindi sana ako mag-alala kung hindi mo lang sana nilihim na may dinaramdam ka na pala. Base sa kwento ni Lena, muntik ka nang hinimatay. Bakit naman kasi inaabuso mo ang katawan mo, Porsche? May pinagkakautangan ka ba at kayod kalabaw ang ginawa mo nitong mga nakaraang araw?" Pinagpatuloy nito ang paglalagay ng plato sa mesa.

Ako naman ay tumayo sa tapat ng lababo. Inabot ko ang apron at sinuot. Kinuha ko ang dry towel at inumpisahang tuyuin ang mga kakahugas lang na mga pinggan na nakapatong sa dish rack.

"Masamang tanggihan ang grasya, ika nga. Paano magbo-boom ang negosyo ko kung iilang orders lang ang tatanggapin ko."

"Kung ganung umuulan ng order, aba'y dapat lang na mag-hire ka nang mga tao dahil hindi ka naman superwoman na kayang gawin ang lahat. Hindi ka nga rin humingi ng tulong sa amin ni Zuri."

"Dahil may sarili kayong mga trabaho at ayokong makasagabal. Tsaka kaya ko naman. Alam ko ang limitasyon ko, Bomi."

"And yet, bumigay pa rin ang katawan mo. Pero okay, naiintidihan kita sa parteng yan pero ang hindi replayan o sagutin ang tawag ng boyfriend mo ng ilang araw, yan ang malabo sa akin." Tumingin muna ito sa sala bago sa akin. "Be honest with me, may problema na naman ba kayong dalawa? Anong ginawa ni Sir Matt na nakasakit sa'yo? Dali, sabihin mo sa akin nang makompronta habang andito pa siya."

I sighed and avoided her scrutinizing gaze. "Wala siyang ginawang mali, Bomi. We're good. Ako lang talaga yung umiwas dahil ayoko ng distorbo. Marami nga kasi akong ginagawa. Wala akong time."

"You're bullshitting me, Porsche." Muntik pa akong mapaigtad sa pagkalansing ng kubyertos.

"Hindi tayo magkaibigan ng ilang dekada para hindi ko malamang nagsisinungaling ka sa akin."

Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon