FOURTEEN

870 46 6
                                        

His for the Taking


"How are we gonna start this." Si Bomi na siyang bumasag sa katahimikan.

Bumalik kami sa bahay at ngayon ay nakaupo kaming lahat sa mahabang mesa sa dining area.

Si Darren ay panay lamang ang tingin sa aming mga mukha at kahit ito ay nalilito sa mga nangyayari.

Habang pauwi ay hindi na rin kumibo pa si Ahreum. Lagi na lang din nakasimangot ang mukha nito at kahit tanungin ko, hindi ako nito sinasagot.

"Akala ko ay kasama mo ang iyong mga kaibigan, Ahreum. Yan ang paalam mo sa akin kanina." Panimula ko.

"Kasama ko nga sila, Mommy. Then nung nabili na namin ang mga kailangan namin sa project, humiwalay na ako sa kanila."

"Why?"

"Because Matteo came to pick me up." She shrugged her shoulders.

Bomi cleared her throat. Bumaling ito kay Matt na katabi ko sa upuan. "Paano kayo nagkakilala ni Ahreum. I mean, nakwento na sa amin noon ni Ahreum na hinatid mo siya sa bahay nung gabing umuulan."

Matteo nodded. "Nung mga araw na hindi kami nag-uusap ni Porsche..." He glanced at me. "Dumadaan ako dito kapag di busy sa opisina. Minsan, tatambay sa tapat ng bakery niya para lang masulyapan ko man lang siya kahit sa malayo. And when I felt satisfied just looking at her from a distance, umaalis na ako para umuwi. Pero dahil nadadaanan ang school ni Ahreum, ilang beses ko itong nakikitang nag-aabang ng tricycle sa tapat ng school campus. Kaya humihinto ako at hinahatid siya pauwi dito sa bahay." He answered nonchalantly.

My cheeks blushed. He did what? Nung mga araw na namimiss ko ito ay nasa labas lang ito ng bahay at pinagmamasdan ako?

"But you left me in the restaurant...." I trailed off when I felt his hand squeeze my thigh.

"We'll talk about that later. Tayo lang dalawa." He whispered.

"Ano 'to. Magkakilala kayo ng mommy ko, Matteo?" Si Ahreum na napatayo sa kanyang kinauupuan.

Matt cleared his throat. "Your Mom and I...."

"Oh, my God." My daughter gasped when she realized something. "Don't tell me...." Agad na bumalatay ang pait sa kanyang maamong mukha. "Mommy.... Si Matteo ba ang kasama mo nung ilang araw kang di umuwi?"

I gulped down. I didn't like that she's calling Matteo on a first name basis. Matteo squeezed my hand under the table this time. I glanced at him. He gave me a reassuring smile.

I inhaled deeply as I smiled back at him. "Yes, anak. I was with him the whole time. We are in a relationship." Matapang na pahayag ko. Di ko alam saan ako kumuha ng lakas na loob para tuluyang palayain ang nais ng puso ko. Para sabihin sa kanilang lahat ang tunay kong nadarama sa lalaki.

Bomi gave me a proud smirk. Si Darren naman na mukhang hindi naiintindihan ang takbo ng usapan ay nakangiti lang din. Si Ahreum, sa kabilang banda, ay bagsak ang panga at tila di makapaniwala.

Sumulyap si Matteo sa akin na nakataas ang dulo ng kilay. May naglalarong panunukso sa kanyang mga labi. "We are?" He whispered, faking a shock expression.

I rolled my eyes at him as I pinched his left leg.

"You're in a relationship?" Di makapaniwala si Ahreum. Unti-unting namasa ang kanyang mga mata. "Matteo.... Kaya ka ba..." She hiccupped. "Kaya ka ba nakipag-close sa akin dahil alam mong anak ako ni Mama? Para makuha mo ang loob ko?"

"Our first meeting was coincidental, Ahreum. Pero malinis ang intensiyon ko. Oo, gusto kong kuhanin ang loob mo dahil nakwento sa akin ng iyong Mama na hindi ka sang-ayon kung makikipag-relasyon ulit ito sa iba. Pero bukod pa doon, I am really concerned about your safety, sweetheart. You're beautiful and the streets are not safe for you. If you would allow me, ikukuha kita ng chauffer para mapanatag ang kalooban ko. Your Mom loves you and Darren so much at tanggap kong pangalawa lang ako sa inyong dalawa."

Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon