Drama 8

11 0 0
                                        

Tiffany POV

"Queen, baka po mag-apoy yung lasagna sa mga titig niyo."

-_-

Seriously? Anong klaseng utak ang meron si Cassandra?! Ang kokorni ng mga sinasabi niya huh!

"At kapag umapoy to, sayo ko na ipapakain." Tinignan ko siya ng matalim. "Saka diba I told you to drop the 'po' thing on me?! Tanga ka ba huh?" Nakakaasar na siya ha!

She gulped. Natakot. Hah! "Hindi naman ako tanga, Queen. Konti lang." Pinakita niya pa yung daliri niyang nagsasabing 'konti lang' at ngumiti. Sinamaan ko ng tingin "Peace, Queen! Hehe~" ngayon nama'y nag-Japan-Japan siya. Letse! Ang childish niya ha!

"Ako tigilan mo ng mga ganyan mo, Cassandra. Badtrip ako." Umirap ako. Wala na akong ganang kumain.

Like, seriously?! Pinahiya ako ni Zelo sa madlang people kanina! Ugh! Humanda siya sakin mamaya sa mansion nila! Grr!

"Bakit badtrip ka, Queen?" Tanong niya.

"Wala ka na dun. Saka bakit ang pakielamera mo?"

"Inborn yata yun sakin, Queen."

Aba! Sumasagot pa! Inborn-inborn! Psh. Mga nalalaman nitong Cassandra na to.

"Anong grade ka na ba, Cassandra?" Tanong ko. "Tsk. Ang haba naman ng pangalan mo. I'll just call you Cass. Wag kang aarte pa. Ihahampas ko sayo ang shoes ko."

"Yun naman talaga nickname ko, Queen." Sabi niya in a tone na 'duh, ngayon mo lang nalaman yun' ganun! Tsk! "Transfer ako today. And classmate mo ako, Queen." Ngumiti siya. Kakasuya.

"Tinanong lang kita kung anong grade mo ang dami mo pang sinabi. Tch. At classmate kita? Hindi ka nagpakilala kanina. At saan ka nakaupo? Kanino ka nakatabi?"

"Malamang sa upuan, Queen. Katabi ko yung Andrea Mendez. Bakit, Queen?"

Ang lakas ng loob mamilosopo ng babaeng to huh!

Pero buti na lang, hindi niya katabi si Zelo! Kundi malalagot siya sakin!

"Wala. Anong full name mo, nerd?"

"Hindi ako nerd. Tao ako." Bagot na sabi niya. ISA NA LANG AT MAKAKATIKIM NA TO! "He-he. Joke lang. Si Queen naman, hindi mabiro. Wag niyo naman akong samaan ng tingin." Nag-Japan-Japan nanaman siya. Tsk!

I rolled my eyes. "Damn. Full name lang sasabihin ang dami pang satsat. Ano nga?"

"Tsk, ayan Cassandra, namura ka pa." Sermon niya sa sarili niya. Tsk. Baliw talaga! "Princess Cassandra Angelica Montes, Queen."

-_-

"Ang haba. Ano ka ba, prinsesa from England at ganyan kahaba ang pangalan mo? Tch. Dinaig pa ang akin eh. Pang-anghel masyado." Bagay sa kanya. Pang-inosenteng pangalan. Tss! Di ko expect na mahaba pala!

"Wala naman kaming royal blood." Ay tanga. Nag-isip pa kung meron. "Ano nga ulit full name mo, Queen?"

"Sinabi ko na sayo kanina. Bawal na ulitin."

"Di ko na maalala, Queen e. Sabihin mo na. Please."

"Tsk! Ano ka, sinuswerte? Ayoko nga! Bilis mo makalimot!"

"Sinuswerte talaga ako. Sinabi mo rin yun kanina, Queen. Pero pramis, yung pangalan mo talaga, I forgot eh."

Okay. I damn give up. Nakakabobo ang sagot ng babaeng to!

The Drama QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon