Chapter 2

670 12 0
                                    

FINN

Matapos akong tumambay sa tambayan namin sa likod ng science lab, may Kubo-kubo doon at doon kami madalas tumambay ng mga barkada ko kapag vacant namin.



Pumunta ako sa cafeteria namin para bumili ng pagkain. Hindi pa kasi ako kumakain ng pananghalian. Medyo gutom na din ako.



Bumili lang ako ng burger at softdrink bago pumasok sa room.



Buti na lang at hindi na gaano kahapdi ang sugat sa noo ko.



Dire-diretso akong pumasok sa loob ng room namin at pumunta sa mga barkada ko.



Ginaya ko ang tingin ko sa paligid nakita ko na sila lang tatlo ang nasa loob. Wala yung iba naming kaklase.



Siguro iyung iba nasa cafeteria para kumain hindi ko lang nakita.



"Sup!"



Napatingin silang tatlo sa akin.



"Ano'ng nangyari sa'yo at ngayon ka lang pumasok?"



"Ano ang nangyari sa noo mo? Bakit may band aid 'yan?"



"Huwag mong sabihin nakipag-away ka na naman?"



Iyon ang mga bungad nila sa akin nang makita nila ako.



Umupo ako sa upuan ko. Kumagat ako ng burger.



Wala akong sinagot sa mga sunod sunod nilang tanong.



"Himala at dito kayo kumain. Hindi sa cafeteria o sa tambayan natin."



"Nakakasawa na din e. Haha!" Sagot ni Keith at sinabayan niya ng halakhak.



Napailing na lang ako dahil doon. Kumagat naman siya sa kinakain niyang burger. Gaya gaya ng pagkain. Tsk. 



"So what happened to your forehead? May naka-away ka?" Ulit na tanong ni Josh.


Akala ko matatakasan ko na ang tanong nilang iyon pero hindi pa pala. Tsk.



Sasabihin ko na sana ang dahilan kung bakit may band aid ang noo ko ng natamaan ko kung sino ang paparating.



Si President Lennox.



Blangko pa rin ang mukha niya habang diretsong naglalakad.



Habang naglalakad siya parang nag slow ang paglalakad niya. Hindi ko mapigilan na huwag siyang titigan. Para siyang model. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ng tingin ko kapag nakikita siya. Nagmula lang ito kanina nung nasa likod kami ng room. Noong hinawakan niya ako.



Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang tumingin sa pwesto ko.



Inalis ko ang emosyon sa mukha ko.



"Hey Finn, are you okay?"



Walang emosyon naman akong tumingin sa kanila.



"What?"



Umiling iling sila. "Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig sa amin e."



Bumalik sila sa kinakain nila.



Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkagat sa burger na hawak hawak ko.



Binuksan ko naman ang hawak kong softdrink at tinungga ito. Parang may nakamasid sa akin habang umiinom. Kaya napabalitang ako ng tingin sa kanya.



Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad din itong iniwas ang tingin sa akin. Bumaling ang tingin niya sa hawak niyang libro.




Hindi ko alam pero lihim akong napangisi sa inasta niya.



"Sino ba kasi ang nakaaway mo at hinayaan mong mapuruhan ang noo mo? Sabihin mo para resbakan natin." Maya mayang sabi ni Keith.



Pinatunog niya pa ang mga daliri sa kamay.



Napatingin naman kaming apat kay Lennox nang bigla itong umubo.



"Okay ka lang pres? Anong nangyari sa'yo?" May pag aalala na tanong ni Kenneth sa kanya.



President ang tawag sa kaniya dahil siya ang SSG President ng school.



Bumaling siya sa amin ng tingin pero andun pa rin ang blangko niyang tingin.



"Don't mind me, I'm okay." Simpleng sagot niya at binalik niya ang tingin sa libro.




Seryoso niyang pinagpatuloy ang binabasa niya.



Kabit balikat na lang kami. Kahit alam ko kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya sa sinabi ni Keith. 



Tumingin ako sa kanila. "Wala ito, nauntog lang ako kanina hindi ko naman inaakala na dudugo ito. Buti na lang at naagapan agad." Simpleng sagot ko.



Kumunot ang noo nila parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Hindi ko na lang 'yun pinansin. Alam ko naman na hindi talaga sila naniniwala sa sinabi ko. Alam nila hindi ako basta-basta na lang nauuntog.



Dumaan ang maghapon tapos na ang klase namin. Nauna nang nagpaalam ang tatlo sa akin. Mukhang nagmamadali.



Pumunta muna ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko. Kahit naman may pagka basagulero ako may pake naman ang sa pag aaral.



Bagtas ko na ang papuntang parking lot para uuwi na nang may natamaan akong pigura na naglalakad.



Si President.



Mukhang pauwi na din. Tumingin ako sa paligid, medyo madilim na.



Binilisan ko ang paglalakad hanggang malagpasan ko siya. Hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya dahil busy sa pagkalkal ng bag niya.



Agad kong kinuha ang susi sa bulsa ko. Nang mabuksan ko ito papasok na sana ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.



"How's your wounded?" Cold niyang tanong sa akin.



Humarap ako sa kanya na nakapamulsa.



"Mukhang alalang alala ka sa akin huh." Nakangisi kong tugon.



Tumingin lang siya diretso sa mga mata ko. "I don't care about you. Sa sugat mo ako nag aalala baka maimpeksyon hindi kaya ng konsensya ko pag nagkataon."



"Tsk!"



Meron at meron talaga itong baon na sagot.



"Huwag kang mag alala, okay na ang sugat ko na BINATO MO." Pinag diinan ko pa ang salita Binato mo.



Binigyan lang niya ako ng nakakamatay na tingin. At walang sabing pumasok sa sasakyan niya. Magkatabi lang kami ng sasakyan.



Siya pa ang may ganang magalit e ito na nga ang may kasalanan kung bakit ako nagkasugat sa noo. Tsk.



"Whoa!" Napa hakbang na lang ako ng konti nang bigla siyang dumaan sa harap ko. Muntik na niya akong masagasahan dahil sa bilis niyang magmaneho.



'pikon'



Napailing-iling na lang ako na pumasok sa loob ng kotse ko.



Natawa na lang ko sa aking isipan ng makita ko ang pagkainis sa mukha niya.



"Aww!" Aksidente ko naman na nakamot ang noo ko kung saan ang may sugat.



'shit! Mahapdi talaga. Ugh!"



Hindi nagtagal sumunod na din akong umalis. 














BxB: Loving The SSG President [A SHORT STORY] (COMPLETED) Where stories live. Discover now