FINN
Maangas akong nakatingin sa taong nasa harap ko. Sinabayan pa ng ngisi para mas lalo pa siyang mainis sa akin.
Pero kahit anong gawin ko hindi ko parin siya nakikitaan ng pag kainis. Blangko pa rin ang tingin niya.
Kung iba natatakot dahil sa tingin niyang walang emosyon ibahin niyo ako, hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya.
"Don't give me that look Mr. Finn de Vera." Walang emosyon niyang sabi. Parang may pagbabanta ang boses niya.
Medyo naningkit din ang singkit niyang mata.
'cute' hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko iyon.
Pero agad ko ding pinagsawalang bahala. Siguro nasasayahan lang ako na nakikita siyang ganun ang itsura.
"What look Mr. Lennox Suarez?" Nakangising ganti ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
'haha! Ang sarap talaga niyang asarin.'
"Pwede ba Mr. Finn kapag kinakausap kita umayos ka. Bumaba ka nga diyan sa taas. Wala ka talagang respeto." Inis niyang utos.
Wala na 'yung blangko niyang tingin, napalitan iyon ng inis na expression. Kahit kailan talaga mainitin ang ulo nito. Ang bilis mabwusit.
Hindi ko pinansin ang utos niya. Ngisi lang ang tugon ko. Sanay na ako sa kaniyang pagsasalita dahil ikaw ba naman ang araw-arawin na sawayin at pagalitan.
'sige lang mainis ka.' sa isip ko.
"Paano kung ayaw kong bumaba. Ano gagawin mo? Aakyatin mo ako dito?" Pang iinis ko pa lalo.
Nakita ko na niyukom niya ang palad niya. Huminga siya ng malalim. Mukhang nagpipigil na sumabog ang galit.
"Magbibilang ako ng hanggang tatlo kapag hindi ka pa bumaba diyan, babatuhin na talaga kita." Banta niya sa akin.
Ngumisi ako. "Bakit kaya mo ba?"
Nawala ang naglalaro kong ngisi nang bigla siyang kumuha ng bato at inamba niyang ibabato sa akin. At bigla niya talaga akong ibinato.
Kaya ang ending natamaan ako sa noo. Hindi agad ako naka ilag doon kaya natamaan ako sa noo. Sa gilid pa ng mata ko. Buti na lang at hindi ang mata ko ang natamaan.
"Aray! Sh!t!" Daing ko. Halos murahin ko na siya sa isip ko.
Buti na lang at nakakapit ako sa sanga baka kung hindi baka nahulog na ako sa kinauupuan ko.
Hinawakan ko ang tinamaan niya. Pero may naramdaman akong likido. Tinignan ko ang kamay ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may kulay pula ito.
Medyo nahihilo na din ako.
"D*mn! Hey Finn! Are you okay?" Napatingin ako sa baba.
Nakita ko si Lennox. Nakitaan ko ito ng pag aalala sa kaniyang mukha.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Tumalon naman ako pababa. Muntik pa akong matumba dahil sa pagtalon. Buti na lang at nahawakan agad ako ni Lennox sa braso.
Pero agad niya ding inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
YOU ARE READING
BxB: Loving The SSG President [A SHORT STORY] (COMPLETED)
RomanceNakatayo ako sa harap ng kinauupuan niya dito sa SSG office. Habang may naglalaro na ngisi sa labi. Napangisi pa lalo ako nang makita ko ang mukha niyang nagtransform mula sa kalmado biglang naging mabangis na lion. 'sige lang, mainis kapa lalo sa...