Chapter 9

328 6 0
                                    

FINN

Badtrip. Lunes na lunes, guidance agad ang bagsak ko. Badtrip kasi ang Morris na 'yun. Ang lakas ng topak.




Kaya heto ako ngayon. Tsk.





Pero dahil sinapian din ako ng topak heto ngayon inaasar ang President.




Nakatayo ako sa harap ng kinauupuan niya dito sa SSG office. Habang may naglalaro na ngisi sa labi.





Napangisi pa lalo ako nang makita ko ang mukha niyang nagtransform mula sa kalmado biglang naging mabangis na lion.




'sige lang, mainis kapa lalo sa akin. How cute you are when you get mad'





"Shut up, assh*le!! I told you, don't try my patient."







Napailing na lang ako pero hindi parin mawala-wala ang ngisi sa labi ko.






Parang gusto niya akong ibalibag dahil sa itsura niya. Salubong na salubong ang dalawa niyang kilay. Ang tatalim ng kanyang tingin habang nakatingin sa akin.






"If I don't, what are you gonna do, Mr. Lennox Suarez?" Nakangising tanong ko.





Diretso lang akong nakatingin sa kanya. Ganun parin ang tingin niya sa akin, parang gustong mangagat.






Pero medyo nabigla ako ng sumilay ang kakaibang ngisi sa kanyang labi. Biglang nag-iba ang expression sa mukha.





Humakbang siya papalapit sa akin habang may naglalarong ngisi sa kanyang labi.







Hindi ako nagpatinag sa kakaiba niyang ngisi sa akin. Hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan. Basta lang akong tumingin sa kanya, diretso sa mata.





"Something that you didn't expect. So, don't try me, Mr. Finn de Vera."






Medyo nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon o ano. Nakita ko na medyo bumaba ang tingin niya. Medyo tumagal konti ang tingin niya sa labi ko.




Napalunok ako.

"Tsk!" Then he smirked.





Hindi ko alam kung bakit may lumukob na kakaibang init sa katawan ko dahil sa pinakita niya. 





Lumayo siya sakin at bumalik sa desk niya.





Bumalik ulit ang tingin niyang blangko. Tsk! Ano ba ang aasahan ko. Psh!




Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng office niya.




Pumasok doon ang naka-away ko kanina. Oo, nakipag-away ako. 





Nang mag tama ang paningin namin ng nakaaway ko kanina nag sukatan kami ng tingin.






Bakas sa mukha niya ang pagkainis.






Bakas din sa mukha ko ang pagkainis sa kanya. Naasar ako sa pagmumukha niya. Ang sarap bugbugin. Tsk!





"Ehem!"






Inalis ko ang tingin ko sa taong naka-away ko. Si Morris, ang taong pinagseselosan ako. Tss!







Blangko ko lang ang tingin ni Lennox sa aming dalawa. Ang sama din ng tingin.






Napalunok ako.






"What's going on with guys? Ano na naman itong kaganapan niyong dalawa?" Blangko na tanong niya sa amin.







Ang seryoso ng mukha niya habang mariin na nakatingin sa amin dalawa ni Morris pangit.







"Siya kasi Pres bigla niya akong sinapak." Rason niya at palihim niya akong tinignan ng matatalim na tingin.







Hindi ako nagpatalo sa kanya, tinignan ko din ng nakakamatay na tingin.








'Gago 'to a, hindi ko naman sasapakin kung hindi siya nauna. Tss!'






Tumingin sa akin si Pres, tinaasan ako ng kilay.





"Why are you punched him, Mr. De Vera?" Seryoso niyang tanong. Tsk!






Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naasar.







"Ganito kasi Pres nakita lang niya kami ng jowa niya na magkasama sa cafeteria agad niya akong nilapitan at kwinelyohan. Nag paturo lang sa akin ang jowa niya dahil hindi daw niya maintindihan ang lesson namin kanina. " Mahabang rason ko naman.








Nakita ko na napapikit naman si Lennox. Parang ang laki ng problema niya. Parang nagpipigil lang siyang huwag magtaas ng boses.







"Wake up guys, you are not kids anymore. Ikaw Mr. Ramos, huwag kang magpadalos dalos sa kilos mo. And you Mr. De Vera, huwag ka bigla biglang manununtok. Tsk!" Pangangaral niya amin. Pero seryoso parin ang mukha.








Hindi ko pinahalata na namangha ako dahil ang haba ng sinabi niya.







Nakita sa gilid ko na napayuko na lang si Morris. Kilala ko ito dahil medyo sikat din ito. Isa din ito sa mahilig mang bully. Kaya lagi din ito dito. Hindi nadadala.








Tsk! May payuko yuko pa ang loko mamaya wala na din naman sa kaniya ang sinabi ni Pres.









Tumingin lang ako diretso kay President. Pero ang loko tinignan lang ako ng matalim. Psh!  








"Dahil sa gulong ginawa niyo, isang Linggo kayong mag c-community service sa cafeteria."








Napa-ayos ako ng tayo.






"What/Ano?!" Sabay naming tanong ni Morris panget.







Gulat naman ako na tumingin sa kanya.






Tinaasan niya lang kami ng kilay.






"You can start your community service now."








Tinignan ko lang siyang ng masama at nauna nang lumabas.











Tss!












BxB: Loving The SSG President [A SHORT STORY] (COMPLETED) Where stories live. Discover now