Chapter 13

341 7 1
                                    

FINN

"Anong nangyari sa'yo Len? Bakit naka busangot ka?" Bungad ni Anne nang makarating kami.

Tinignan lang siya ng seryoso. Wala siyang nakuhang sagot mula sa kaniya.

Kaya sa akin siya bumaling at bigla niya akong tinaasan ng kilay.

"Anong ginawa mo sa kaniya? Bakit ganu'n ang itsura niya na dumating?" Seryosong tanong niya.

'Porket ganu'n na yung tao, ako na agad ang may kasalanan? Tss!'

"Porke't naging ganu'n na yung tao ako na ang may kasalanan. Tss! Edi kulitin mo na sabihin niya kung bakit siya nag kaganun." Irap kong sagot.

"Aba malay ko kung ikaw ang may kasalanan." Tugon niya pa.

Inirapan niya lang ako. Agad siyang tumabi kay president na tahimik lang sa kinakaupuan niya.

Napailing na lang ako, lumapit naman ako kina Keith at umupo sa tabi niya.

Pabilog ang lamesa sa harapan namin ganu'n din ang kinakaupuan namin. Ngayon kaharap ko si Lennox.

Hanggang ngayon seryoso pa rin ang mukha niya.

Hindi ko alam kung sa akin siya naiinis dahil siguro kanina pa ako bulong ng bulong. Kaya nainis na siya sa akin. Kala niya siguro minumura ko siya.

"Ehem!"

Napukaw ang atensyon ko ng pekeng umubo si Kenneth. Kaya napabaling ang tingin namin sa kaniya.

May kinuha naman siya bag niya. Linabas niya ang medyo makapal na bondpaper at linapag sa harap namin.

"Ayan na ang ginawa naming story at script guys, tignan niyo na lang."

"Lahat ba tayo may script?" Seryosong tanong ni Pres.

"Oo, pero kami ni Josh konti lang parang extra lang kami. Si Kenneth naman ang narrator, Pres. Pero ang main characters talaga dito eh, ikaw, si Finn at Anne." Paliwanag ni Keith.

"ANO?!" Gulat naman kaming napatingin sa kanya.

Mukhang nagulat naman siya dahil sa naging reaksyon namin.

"Woah! Chill lang guys. Hehe!"

Pero tinignan ko lang siya ng masama.

"Kaya naman pala kayo ang nagprisinta na gumawa e dahil ganito pala ang plano niyo. Tsk!" Asar na sabi ni Anne habang nakatingin sa kanila ng masama.

Napaiwas naman sila ng tingin.

"Hehe!"

Nakita ko napailing na lang si Lennox.

"Eh sa hindi kami magaling na umakting e. Kaya kayo na lang ang ginawa naming main characters." Depensa ni Josh.

Inirapan siya ng kapatid. "Ano ang akala mo sa amin? Magaling umakting?"

"Okay lang yan guys, madali lang naman ito e. Konti lang naman ang script na ime-memorize niyo." Pahayag ni Kenneth.

"Di palit na lang tayo, sabi mo naman madali lang." Pambabara ni Anne.

Ang ingay ng babaeng ito. Hindi na ako nakikisali dahil baka kung saan pa mapunta ang usapang ito.

Palihim naman akong tumingin kay Pres,  pansin ko kasi na tahimik lang siya.

Nakita ko na hawak hawak niya ang bondpaper kung saan nakalagay ang ginawa nina Keith.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Parang may nabasa siya na hindi niya nagustuhan. 

BxB: Loving The SSG President [A SHORT STORY] (COMPLETED) Where stories live. Discover now