LENNOX
"Pupunta pala ako mamaya kina Anne, gagawa po kami ng project namin."
Napatigil si mama sa pagkain at tumingin sa akin. Tumingin lang si papa sa amin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Maganda 'yan anak para naman hindi ka lang dito na nagmumukmok." Tugon ni mama.
"Sino ba ang mga kasama niyo anak?" Maya mayang tanong ni papa.
Tumingin ako sa kanya. "Mga kaklase ko pa,"
Tumango naman si papa.
"Kasama din po namin si Finn," dagdag ko.
"Yung anak ni tita Faye mo?" Tanong ni mama.
Tumango naman ako. "Huwag po kayong mag alala, ma, pa, pagkakatiwalaan naman po ang mga kasama ko. Sina Keith, Kenneth at Josh pa ang iba naming kasama. Si Josh po ang isa kapatid ni Anne."
"Sila ba 'yung kinukwento mo na kalaro mo noong bata ka pa?" Usisa ni mama.
"Opo,"
Ang talas parin ng memory ni mama. Hanggang ngayon naalala niya pa ang kwento ko noon.
"Mukhang pagkakatiwalaan naman ang mga batang iyon." Sabat ni papa.
Nang matapos kaming kumain ng pananghalian nagprisinta ako na, na ako na lang ang maghusga.
Nang matapos ako, agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo at mag-ayos.
Mas maganda na yung ready, hindi yun hinihintay ka.
Habang nag aayos ako bigla akong tinawag ni mama sa baba.
"Anak may naghahanap sa'yo dito sa baba!" Sigaw ni mama mula sa baba.
"Sino po?" Sigaw ko pabalik.
"Basta bilisan mo diyan at bumaba ka na."
'Tss! Bakit hindi lang kasi sabihin ni mama para hindi ko na kailangan na bumaba pa? At sino ba kasi ang nag hahanap sa akin? Tsk!'
Kaya binilisan ko na lang ang pag aayos ko.
"Sino ba kasi ang nag hahanap sa akin, ma?" Tanong ko habang pababa sa hagdan.
Napansin kong biglang tumigil si mama sa pagsasalita.
"Nandito si Finn, anak. Hinihintay ka niya, sabay na daw kayong pumunta kina Anne."
Natigilan naman ako.
Pagkarating ko sa sala. Tama nga si mama, meron nga si Finn, nakaupo habang kaharap niya si mama.
Napabaling ang tingin niya sa akin ng makita niya ako.
"What are you doing here?" Bungad na tanong ko. Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko parin na sa kanya manggaling ang sagot.
Seryoso ko lang siyang tinignan.
Nag paalam naman si mama na may gagawin pa daw siya. Kaya kaming dalawa na lang ang natira sa sala.
"Buti na lang at hindi ka pa umalis dahil may kasabay akong pumunta kina Josh." Nakangiting sagot niya.
Medyo nasilaw naman ang sa ngiti niya.
Pansin ko lang, ang weird niya. Ang lawak ng ngiti kapag kausap ako o di kaya naman napapatitig siya sa akin minsan.
Ayaw ko man itong pumapasok sa isip ko pero parang laging may kahulugan ang mga tingin niya.
YOU ARE READING
BxB: Loving The SSG President [A SHORT STORY] (COMPLETED)
RomanceNakatayo ako sa harap ng kinauupuan niya dito sa SSG office. Habang may naglalaro na ngisi sa labi. Napangisi pa lalo ako nang makita ko ang mukha niyang nagtransform mula sa kalmado biglang naging mabangis na lion. 'sige lang, mainis kapa lalo sa...