Pilit na tinatakpan
Ang anyong kinamumuhian
Pilit na idinuduwal
Ang pilit na pagmamahalAnyong hindi mo matanggap
Mula nang iyong mapagtanto,
Kaligayahan ay 'di mo maapuhap
At iyong mundo ay gumuhoIsang halimaw sa iyong paningin
Ang nag-iisa mong supling
Kaya't buhay mo'y nagawa mong kitilin
Kahit hindi mo pa batid ang kanyang hiling