Tila isang obra maestra
Kapag siya ay nakikita
Tila marahuyong musika
Kapag siya ay nagsalitaDilag na di mapakawalan
Dilag na nais kong iwasan
Pagkat ikaw ay hindi akin
Di na dapat pang naisinNgunit isa tong dagok sakin
Puso mo'y aking adhikain
Ikaw lang ang aking hiraya
Ang araw ng aking umagaBakit ba walang mali sayo
Bakit ba kita ginugusto
Ibitaw mo na ang gayuma
Lumuluwas na aking luha